CHAPTER 5 – Room 308
Amber’s POV:
Kasalukuyan akong naglalakad sa corridor habang inaayos ang suot suot kong beanie. Huh, panibagong araw na naman sa nakakabwisit na paaralang to! Kahit saan na ata ako lumingon, nakakaboring tignan. Paano ba naman, ang mga estudyante dito ang tatahimik at nag-babasa lang ng kung anu-ano. Wala bang estudyante dito na katulad naming walang pakialam sa mundo?
At isa pa sa ipinagtataka ko, simula nang makarating kami dito sa Bloodwood University ay hindi pa namin nakikita ang president ng school. Hindi ba dapat pinapakilala siya sa mga bagong saltang tulad namin?
Nabalik ako sa realidad nang maalala ko kung ano nga bang pakay ko. Nasaan na nga ba sina Cassadee at iba pa? Kanina pa ako palakad-lakad dito pero hindi ko sila makita. Saan naman kaya naglululusot ang mga yun?
Kairita.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bag para sana tawagan sina Cassadee. Halos napatalon naman ako sa sobrang gulat nang biglang may humawak sa balikat ko.
"Bawal ang cellphone dito." Nilingon ko kung sino man tong epal na nakahawak sa balikat ko at nagsalita. Nakita ko naman ang nakakairitang pagmumuka ng intsik na si Maxine. Tss! Student council na naman? Bakit ba kung saan saan na lang sila sumusulpot? At kailan din ba sila matitigil sa pangingialam sa amin?
Nakakaubos na talaga sila ng pasensya.
"Get you filthy hands off me, freak. Ano namang pakialam ko kung bawal ang cellphone dito? As if you can stop me from doing what I want." Sabi ko habang nakatingin ng masama sa kanya pero imbis na sagutin niya ako ay bigla siyang ngumiti sa akin.
"Come. I'll show you something." Mahinang sabi niya at saka tumalikod sa akin kaya sumunod na lang ako. Hindi ko rin naman mahanap sila Cassadee at baka matuwa pa ako sa intsik na to sa ipapakita niya.
Naglakad lang kaming dalawa hanggang sa marating namin ang pinakadulong silid dito sa hallway. Binuksan niya ang pinto at saka kami pumasok sa isang madilim na kwarto. Naramdaman kong naglakad siya palayo sa akin at binuksan ang ilaw.
Nanlaki naman ang mga mata ko sa nakita.
Punong-puno ang iba't ibang klase ng manika ang buong kwarto.
Kinokolekta siguro niya ang mga ito. Maliliit lang ang mga manikang nakadisplay sa mga cabinet at napansin ko ring sira-sira na yung iba sa kanila samantalang ang iba naman, nakakatakot ang mga itsura.
"What can you say? Ang gaganda nila, di ba?" Bungad niya sa akin pagkaharap niya habang may malapad na ngiti sa kanyang mga labi. "Ginawa ko ang lahat ng mga yan."
"Yeah! Sinong matinong nilalang ang magagandahan sa mga manikang ganyan ang mga itsura? May mga nakalagay pang parang mga itak at kutsilyo sa mga ulunan." Sabi ko sa kanya at saka siya inirapan. Nakakakilabot lang talaga tignan ang ibang mga manika niya na ganun ang itsura. "You're such a creeper."
Narinig ko ang mahinang tawa niya dahil sa huling sinabi ko at naglakad siya papalapit sa isang cabinet para kunin ang isang manika. Tumingin muna siya sa akin at ngumiti bago sinimulan ang pagtahi dito.
Bakit bigla na lang akong kinilabutan sa babaeng hilaw na to?
Naramdaman ko namang biglang nag-vibrate ang cellphone ko kaya naman kinuha ko ito sa bulsa at nakita kong nagtext na pala sila Zelo sa akin.
"I told you, no cellphones allowed." Pag-uulit na naman ni Max kaya inirapan ko lang siya. Ibinalik ko na ang cellphone ko sa bulsa at saka tumalikod sa kanya papalabas ng kwartong yun. Pagkalabas ko ay agad kong tinahak ang daan papunta sa cafeteria kung saan sila naghihintay.
Cassadee’s POV:
"Hi Cass!”Bati sa akin ni Knight pagkaupong pagkaupo niya sa tabi ko kaya naman nginitian ko na lang siya."Hindi ka ba papasok sa klase mo ngayon?"
"Naaah! I can't stand those freaks. Kinikilabutan ako sa mga tao dun everytime I see them." Sagot naman kay Knight. Patayo na sana ako nang biglang may sumulpot na babae sa harapan ko dahilan para magkabanggang kaming dalawa.
This bitch! Mabuti na lang at nakapagbalance kaagad ako.
"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!"
"You should be in class by now." Bulong sa akin nung babaeng bigla-bigla na lang sumusulpot kung saan at parang hindi man lang narinig ang sigaw ko sa kanya.
"Mind your own freaking business, dear. Wala kang pakialam kung gusto kong pumasok sa klase o hindi. Now, lumayas layas ka sa harapan ko."
"I'm telling you, hinding-hindi nila magugustuhan ang mga ginagawa at gagawin niyo. If I were you, papasok na ako ngayon sa klase." And for the second time around, hindi na naman niya pinansin ang sinabi ko. Pagkatpos niyang sabihin yun ay agad-agad siyang tumakbo papalayo sa amin ni Knight.
Damn that girl. What the hell is her problem? And who is she referring to? Ang mga lecheng student councils na yun? The hell! I don't care about them.
"So? Saan mo na balak pumunta ngayon?"
"Cafeteria, I guess. Nandun na ata sila Chase eh. Gusto mong sumama?" Pagtatanong ko naman kay Knight. Tumango lang siya as response at naglakad na kaming dalawa papunta sa cafeteria.
3rd person’s POV:
Tanging ang magandang boses lang ni Max ang naririnig sa buong silid habang patuloy siya sa pagtatahi ng kanyang manika. At bigla naman sumilay ang isang matamis na ngiti nang matapos siya pananahi dito.
"Gustong-gusto ko talaga ang mga manika mo. Ang gaganda nila." Biglang sabi ni Stacey na hindi niya namalayang kanina pa pala nanunuod sa kanya habang nananahi.
"Thank you, Stacey."
Maya-maya lang ay dumating si Venom sa silid kung saan naroroon sina Stacey at Max. Sinenyasan niya ang mga ito na sumunod sa kanya. Naglakad na sila papunta sa isa pang silid kung saan madalas silang magkita kita sa tuwing may mahalaga silang pag-uusapan.
Lingid sa kaalaman nilang lahat na nakikinig pala sa nakaawang na pinto ang babaeng siya ring kumausap kina Amber at Zelo. Nanlalaki ang mga mata nito nang marinig niya ang mga pinag-uusapan ng mga ito at dali-daling tumakbo papalayo sa lugar na yun.
--------------------------------------------------------------------------------
Bloodwood Academy ©2013 All Rights Reserved
YOU ARE READING
Bloodwood Academy: Behave Or Die
Детектив / ТриллерBloodwood Academy #1: Behave Or Die Limang magkakaibigan. Isang misteryosong paaralan. Ano kayang mangyayari sa kanila? May pagbabago bang magaganap sa kanila sa pananatili nila sa Bloodwood Academy? "The remedy is worse than the disease..."