6 - There's no such thing

1.4K 43 0
                                    

CHAPTER 6 – There’s No Such Thing

Chase’s POV: 

Kanina pa ako naghihintay dito sa cafeteria kasama si Aldave. Bakit ba kasi ang tagal-tagal ng mga kumag na yun eh? Kanina pa kaming nagkukwentuhan dito ni Aldave at masasabi kong ang bait niya.

Ewan ko nga kung paano siya napadpad sa lugar na to. 

Medyo nakakaramdam din ako ng guilt nang pilitin ko siyang sumama sa akin dito imbis na pumasok na lang sa klase niya. Pero sabi naman niya, wala akong dapat ikabahala dahil ginusto niya rin naman daw.

Sa sobrang inip ko, inilabas ko na lang ang sigarilyo ko at saka ito sinindihan. Nagulat na lang ako nang biglang agawin yun ni Aldave sa kamay ko at saka humithit. Natawa pa nga siya sa naging reaksyon ko.

Oh Chase? Anong itsura naman yan?" Natatawang tanong niya sa akin. "Nagulat ka dahil akala mo hindi ako naninigarilyo? Well yes, I smoke pero minsan lang."

Tumango-tango lang ako sa sinabi niya at umiling-iling na lang. Nakakabigla lang talaga. Wala naman kasi sa itsura ang naninigarilyo. Kung titignan mo siya, para siyang bata na walang kaalam-alam sa mga ganitong bagay.

"So, paano nga pala kayo napunta dito sa lugar na to?"

"Hindi naman talaga kami napunta dito dahil sa gumagawa kami ng kung anu-anong kalokohan sa dati namin school. Sabi kasi nila sa amin, hindi daw sila tumatanggap ng mga bobong estudyante dahil ikakasira daw ng pangalan ng school. Kaya yun."

"Kagaguhan ng nagpauso nun. Pero at least, pumapasok pa rin kayo sa mga kalse niyo. Kami? Naiisipan lang naming pumasok sa school para manggulo at mambwisit ng mga professors." Matawa-tawa kong sabi naman. Nakita kong medyo hindi siya makapaniwala sa narinig niya kaya natawa na talaga ako ng tuluyan.

Hindi ko maintindihan pero parang ang gaan gaan ng loob ko sa kanya. May kung ano sa kanya at nagiging interesado ako kay Aldave.

Cassadee’s POV:

Kanina pa kami naglalakad ni Knight at sa wakas nakita rin naman ang cafeteria. Bumungad kaagad sa amin sin Chase at Aldave na nagtatawanan. Papalapit na sana kaming dalawa ni Knight sa kanila nang biglang may humarang sa amin, si Alyana.

"Oras ng klase at bakit pagala-gala kayo dito?" Tinignan ko muna siya muna ulo hanggang paa at saka tinaasan ng kilay.

"Look Alyana, kahit ilang beses niyo kaming pagsabihan, we won't obey your stupid rules so please, just fuck off!" Sabi ko and this time, siya naman ang nagtaas ng kilay sa akin at saka ngumiti ng nakakaloko.

"Just so you know. Students are my business, Ms. Montenegro. Looks like you and Mr. Velasco needs a detention."

"Detention?" Natawa na lang ako sa sinabi niya at saka siya tinignan ng diretso sa mata. "Do whatever you want, Alyana. Oh wait! What if i-expel niyo na lang kami para naman hindi niyo na kami pinoproblema ngayon."

"Well Ms. Montenegro, there's no such thing as expulsion here in Bloodwood University. There's no way out here."

"Oh really? Then I don't care, freak." Tinulak ko na siya paalis sa harapan ko at naglakad na kaming dalawa ni Knight papalapit kina Chase. Padabog akong naupo sa tabi nila at hindi sila pinansin. Nakakabadtrip ang mga tao dito, seriously!

Bloodwood Academy: Behave Or DieWhere stories live. Discover now