Noong unang panahon ay mayroong isla na kung saan nakatira ang iba't ibang uri ng damdamin; Kasiyahan, Kalungkutan, Kaalaman at iba pa. At siyempre, ang bida sa kuwentong ito ay ang Pag-ibig.
Isang araw, napag-alaman ng lahat na lulubog ang isla sa ilalim ng karagatan kung saan sila nakatira.
Dahil dito, lahat sila ay naghanda sa paglikas gamit ang kanilang mga bangka. Ang Pag-ibig lamang ang nanatili.
Nais kasi niyang manatili sa isla kahit sa isang sandali.
Nang ang isla ay malapit nang lumubog, nagpasya si Pag-ibig na ito na ang panahon upang umalis kung kaya't naghanap na siya ng tulong sa iba.
Dumaan si Karangyaan gamit ang magarang bangka. Nagsabi si Pag-ibig. "Karangyaan, maaari ba akong sumama sa iyo?"
Sumagot naman ito. "Patawad ngunit marami akong pilak at ginto sa aking bangka at wala ng lugar para sa iyo."
Pagkatapos ay himingi siya ng tulong kay Kayabangan. "Kayabangan, tulungan mo ako."
"Hindi kita matutulungan." sabi nito. "Basang-basa ka na at baka madumihan mo pa ang aking bangka. Sa iba na lang!"
Pagkatapos, nakita ni Pag-ibig si Kalungkutan. "Kalungkutan! Isama mo na ako sa'yo!"
"Pag-ibig, pasensiya ka na pero iwan mo muna ako."
Nakita naman ni Pag-ibig si Kasiyahan. "Kasiyahan, baka puwede mo akong isama?"
Ngunit dahil sa sobrang pagsasaya ni Kasiyahan ay hindi niya napansin na tinatawag siya ni Pag-ibig.
Dahil sa mga nangyaring pagtanggi kay Pag-ibig ay napaiyak ito.
Maya-maya ay may narinig na tinig si Pag-ibig. "Halika, Pag-ibig, isasama kita sa akin." sabi ng matanda sa kaniya.
Agad na sumama si Pag-ibig sa matanda at dahil na rin sa sobrang kasiyahan ay nakalimutan nitong itanong kung sino ito.
Nang makarating sila sa ligtas na lugar ay umalis na ang matanda.
Sa paglilibot ni Pag-ibig ay nakita niya si Kaalaman at agad niya itong nilapitan. "Kilala mo ba kung sino ang tumulong sa akin upang makarating ako dito sa bagong isla?"
"Sino? Ah, si Panahon yun!" sagot ni Kaalaman sa kanya.
Nagtaka naman si Pag-ibig. "Pero bakit ako tinulungan ni Panahon? Wala namang gustong tumulong sa akin pero siya ang dumating nang malapit na akong bumigay."
Ngumiti si Kaalaman at sinagot siya nito ng buong katapatan. "Dahil si Panahon lamang ang may kakayahan kung gaano ka kadakila at kaimportante, Pag-ibig."
---------------------------------------------------------------------------------------------------------
- Hey! For those who read this, I want to tell you that this story is not mine. :) Vote if you like this story. Thank you! :*
BINABASA MO ANG
Iba't Ibang Istorya ng Pag-ibig
Short StoryHey Everyone! Have a nice day. :D Read / Vote / Comment are accepted and very appreciated! :) For those who read this: "Thank you! God bless always." For those who NOT read this: "It's up to you. Haha. Pero mas maganda kung babasahin mo na rin. But...