▬ DARREL'S POV
Nagstart na ang practice. Isang Christmas concert ang na-assign sa Outstanding Performers. Mabigat ang task na ito pero alam kong sanay na naman na ang mga students ko sa mga ganitong gawain. Ibat' ibang klase ng talents and performances ang gusto nilang i-showcase kaya naman first day pa lang, puspusan na ang practice nila.
All of them are doing well. Lahat sila may cooperation. I got satisfied sa ipinakita nila in their first day of practice. Kaya I decided to dismiss them early.
Ako na lang ang naiwan sa OP room. Parang ayoko na muna kasing umuwi. Gusto ko munang magisip-isip. I sat on my chair at yumuko sa table ko.
Haaayyyyy...bakit ba kasi sinundan pa niya ako dito sa PUP eh! Nananahimik na ko dito!
Gusto niyang makipagbalikan sakin. Yun din naman ang gusto ko. DATI. Kahit sobra akong nasaktan sa ginawa niya noon, gusto ko pa rin makipagbalikan sa kanya. DATI. Ngayon, hindi ko alam kung ganun pa rin ba ang gusto kong mangyari.
I have to admit it. I still love Natalie. But it was not the same as before. A year ago, I have learned to accept the fact na hindi na talaga kami pwede ni Natalie. She was arranged to marry someone else.
I got hurt when she denied me in front of her family. Pero hindi ako nagalit sa kanya kasi alam kong may reason siya kung bakit niya ginawa yun.
Sabay kaming lumaki ni Natalie. Pareho kami ng pinasukang school simula elementary pa lang hanggang sa pagkuha namin ng master's degree. We were classmates before pa nga eh. Nagkahiwalay lang nung nagcollege kasi magkaiba kami ng gustong field of study. But at least, pareho pa rin kami ng school.
Bata pa lang kami nung madevelop kami sa isa't isa. Elementary pa lang eh PARANG mag-on na kami. But it was in the beginning of our 4th year in high school when we had a formal relationship. Sobrang minahal namin ang isa't isa. That time, I was so sure na siya na talaga ang babaeng papakasalan ko.
Tumagal ang relasyon namin. Pero naging palaisipan sakin kung bakit hindi niya ako pinapakilala sa parents niya. Ayaw ko naman siyang pilitin. I know the name of her parents but I never met nor see them. Not even once.
After five years of our relationship, dumating yung araw na napagdesisyunan kong mag-propose na sa kanya. But before that eh gusto ko munang hingin ang consent ng parents niya. Since ayaw niya akong ipakilala sa mom at dad niya, ako na mismo ang gumawa ng move to meet and talk to them without her knowing it. And on that same day when I was about to propose, I discovered that she's meant to marry someone else. Kung hindi ko pa first time na ma-meet at makausap ang dad niya kasi nga balak ko nang mag-propose kay Natalie, hindi ko pa yun malalaman. Kaya pala sa buong 5 years na tinagal ng relationship namin eh hindi ko na-meet ang parents niya. Kasi nga bago pa lang pala ipanganak si Natalie eh naipagkasundo na pala siyang ikasal sa anak ng business partner ng dad niya. She never told me such thing. And what hurts the most was that time when I introduced myself to her father, she denied me. Sinabi ko sa dad niya na we're in a relationship pero tinanggi niya. Ang lagay pala, hindi alam ng parents ni Natalie ang tungkol sa relasyon namin.
She's arranged to marry someone else. Yan ang dahilan kung bakit hindi niya ako pinakilala sa parents niya at kung bakit hindi rin nila alam ang tungkol samin.
SA ISANG ARAW lang na sana ay HIHINGIN KO NA ANG KAMAY ng taong mahal ko eh bigla pang gumuho ang mundo ko. SA ISANG ARAW na yun, nalaman kong nakatadhana palang ikasal sa iba ang babaeng FIVE YEARS ko ng girlfriend. SA ISANG ARAW na yun, nalaman ko din na hindi pala alam ng magulang niya ang tungkol sa relasyon naming FIVE YEARS na ang tagal. At ang mas masakit pa SA ISANG ARAW na yun eh yung itinanggi akong boyfriend ng babaeng FIVE YEARS ko ng girlfriend sa mga magulang niya, sa harap ko pa mismo. Isipin mo yun? FIVE YEARS na kaming magboyfriend-girlfriend, FIVE YEARS na kaming nagmamahalan tapos biglang itatanggi ka na lang niya ng harap-harapn sa mga magulang niya. Hindi yun masakit... SOBRANG SAKIT! Lahat ng yan nangyari lang sa ISANG ARAW. Kaya naman sa ISANG ARAW lang na yun, NAGKADUROGDUROG ANG PUSO KO. SA ISANG ARAW lang, na-torture ang puso ko.
YOU ARE READING
I Don't Wanna Fall In Love
Teen FictionA story of a lady who never wanted to fall in love. But what could she do if loves comes knocking at her door? Will she be ready to let it in? When LOVE is already right in front of her eyes, will she turn away?