Chapter 13 [第13章]

2.5K 55 0
                                    

Chapter 13 [第13章]

NANG MATAPOS ang sakura festival ay balik-eskwela na kami. Ikalawang taon ko na ito sa Senior High. Panibagong taon sa paaralan man itong maituturing, hindi naman nagbago ang trato sa akin ni Shizumaru simula nang mangyari ang insidente sa lumang bodega. Minsan nga, maging sina Rie at Mariko ay naaapektuhan na rin sa ipinapakita ni Shizumaru. Sa maraming pagkakataon ay kasa-kasama ko ang dalawang babaeng iyon sa paaralan. Silang dalawa na nga ang naging malalapit kong kaibigan dito. Kahit noong nasa pagamutan ako ay sumasama rin sila sa pag-aalaga sa akin. 

Kaya lang, ngayong unang araw ng pasukan ay hindi ko sila mahanap. At sa hindi ko maintindihang dahilan ay maraming babaeng estudyante ang nagmamadaling makarating sa faculty room. Kasalukuyan akong naglalakad noon sa pasilyo at patungo sa aming silid aralan, subalit ilang babaeng estudyante na rin ang lumampas sa akin. Sa kagustuhan kong malaman kung ano ang nangyayari ay nagpasiya akong dumiretso din muna sa silid ng mga guro. Malayo pa lamang ay sinalubong na ako nina Mariko at Rie na namumula at kilig na kilig.

"YUU-CHAAAAAAAAN!!!" Bulalas ng dalawa na halos dambahin ako.

"Mag-ingat naman kayo." Utos ko sa kanila.

Tumili si Rie -- kinikilig pa rin. "Yuu-chan," aniya habang naghahabol ng paghinga, "iyong bagong guro -- ang guwapo niya!!!" Muli siyang napatili.

Tinakpan ko ang bibig ni Rie dahil sa hiya ko. "Tumahimik ka nga!" Ani ko. "Ano naman ngayon kung guwapo ang bagong guro?"

"Siya ang ating home room adviser!" Sabat naman ni Mariko.

At nagsimula na ngang mahawi ang grupo ng mga kababaihang nakaharang sa pintuan ng faculty room upang bigyang daan ang bagong heart-throb ng paaralan. Ang aming adviser:

"BURE-EKU-SENSEI!!!" Isinisigaw ng mga babae ang pangalan ng bagong guro, at sa tuwing mangingitian sila nito ay tumitili sila sa labis na pagkakilig. May halos himatayin pa nga ng ipatong ng aming guro ang kamay niya sa ulo nito.

Nang magsimula na siyang maglakad palayo sa mga kababaihan ay nagtama ang aming mga paningin at doon ko nasabi na may sapat naman palang dahilan ang mga hitad kong ka-eskwela para maglaglagan ang mga panty nila.

Mala-anghel ang mukha niya pero may angas. Sa sobrang ganda niya ay aakalain mong isa siyang artista. Bigla akong napa-isip: lalake kaya siya? Pakiramdam ko kasi ay mahihirapan akong tanggapin na pareho kami dahil nakikita ko sa kaniya si Kiyo: pareho silang pinagkakaguluhan ng mga kababaihan. At isa pa, parang hindi ako makakapayag na bakla siya dahil kapag nagkataon ay talbog ang beauty ko sa kaniya!

Nakatingin siya sa amin at hindi na maitago ng mga loka ang labis nilang pagkakilig. Napakatamis ng kaniyang ngiti habang naglalakad papalapit sa amin. Mas lalo pa akong humanga sa kagandahan niya nang mas malapit na siya, at hindi ko na mapigilan ang mapanganga. Bigla lamang akong natauhan nang yugyugin ako ni Rie dahil sa kaniyang labis na kasiyahan.

"Hisagi Yuuto, tama?" Tanong sa akin ng bagong guro.

Macho Hearts Book 3: Sakura HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon