Nagsimula ang lahat ng matanaw ng mata ko ang kanyang karikitan. Ubod ng ganda ang kanyang mukha kung ito'y iyong pagmamasdan. Hindi mo maaaninag ang ano mang bakas ng pait sa kanyang mga mata. Tila hindi takot dahil sa kanyang mga mata na kay tapang tignan. Sandata niya ang kanyang murang kaisipan.
Tila di alintana ang lahat ng kalalakihan na nahuhumaling sa kanyang postura. Hindi maiaalis ang pangamba sa aking dibdib ng makita. Ang lalaking taga siyudad sa kanya'y lumapit. Nakipagkamay at nakipagkaibigan. Magalak niyang tinanggap ang alok na pagkakaibigan. Dahil sa mura mong edad tila di mo pa nalalalaman.
Lumipas ang ilang araw ika'y aking nakausap. Iyong pinakita bulaklak na kulay bughaw na yari sa papel na iyong ginawa. Binigay sa akin bilang regalo. Dahil sa pagsama ko sayo ng araw na iyon. Aking inisip ganito ka rin ba sa lahat? Ako'y umiling at binaling sa mukha mo ang aking atensyon at ang hipnotismo sa iyong mga labi ang nang akit sa akin. Aking nilapit upang ika'y aking maramdaman ipinikit ang mga mata ko upang mas magalak. Ng ako'y papalapit wala akong maramdaman... muli kong idinilat aking mga mata at nasaktan sa aking nakita. Ikaw at siya. Magkasama at masaya. Dumating na pala ang lalaking iyan. Ang taga siyudad na sa aking turan ay di ko mapagkakatiwalaan.
Kilala mo na ba ang lalaking iyan? Siguro siya na ang iyong kasintahan! Sana ako'y mali. Di ko napansin ang pagtawag mo sa akin bagkus umalis na ako sa lugar na iyon. Sinabayan ng malakas na hangin ang aking paglakad napasulyap sa araw na paalis na. Babalot na ang kadiliman sa buong kapaligiran na may malamig na hangin. Ikaw at siya Magkayakap sa ilalim ng karagatan ng mga bituin. Naglakad akong muli at biglang nagsisi. Kung bakit di pa ako umamin gayong alam ko na sinlalim na ng dagat ang aking pakiramdam.
Napatingin ako sa kamay ko at naroon pa ang bulaklak na kulay bughaw. Sagisag ng mga iyon ang iyong pasasalamat. Pero ang di ko lubusang naunawan. Bakit di mo ko mahal? Ako'y na duwag, natakot na iyong layuan dahil sa aking nararamdaman.
Kinabukasan aking mga mata ay namamaga dahil sa aking pagluha buhat ng aking paglisan kasama ang taga siyudad.
Pero sa balitang aking natanggap parang ako'y nagsisi sa aking pag uwi at sa aking paglisan sayo. Kasabay ng paglubog ng araw.
Ika'y aking binalikan sa lugar kung saan ika'y aking huling namataan. Pero huli na ang lahat ng makita kita. Ika'y wala ng buhay at tanging pakikipaglamay na lamang ang aking maihahandog. Ikaw pala ay nilapastangan ng lalaking taga siyudad kasama ang kanyang mga kaibigan. Ang iyong katawan ay kanilang dinumihan . Ako'y biglang nagsisi. Labis labis na pagsisisi. Dahil bakit ako umuwi! Bakit inuna ko ang Selos at inggit ng makita kayo! Bakit? Kailangan mawala ka...
Makalipas ang tatlong buwan. Madami ng nangyari. Nahuli na ang mga tagasiyudad. Umalis na ang iyong ina at ama dito. At ako ay Araw-araw
Nilulunod ang sarili ko sa alak at sa usok ng sigarilyo. Simula ng mawala ka. Wala akong ibang ginawa kung di ang uminom. Pero iba ang araw na ito. Dahil medyo nakainom ako binalikan ko kung saan mo binigay sa akin ang bughaw na bulaklak na yari sa papel. Pinagmasdan kong muli ang paglubog ng araw. Saka tumingin sa bulaklak. May nakausling papel na kulay pula. Dahan-dahan kong hinila ito at nalantad ang bulaklak na kulay bughaw. At sa papel na kulay bughaw may nakasulat isang liham na ang nakasaad:Andy, salamat sa mga panahong lagi kang andyan. Salamat dahil di mo ko iniiwan. Batid kong isang kapatid lang ako para sa iyo. Sana pag nabasa mo ito mali ang akala ko. Mahal kita Andy. Higit pa sa kaibigan. Sana wag mo akong layuan hindi ko kakayanin. Alam kong isang himala ang makatagpo ang isang tulad mo. Isang mabait na tao. Muli salamat.
Lubos na nagmamahal.
Trina-○-○-
Lumuluha kong pinagmasdan ang sulat mo ng matapos kong basahin ito. Napatingin ako sa ulan na kulay itim at walang mga bituin na nagbabadya ang ulan. Maski ang buwan ako'y pinagtataguan.
Akala ko mahirap kang abutin. Kung naging matapang lang ako.
Sa aking paglalakad pauwi narinig ko ang boses mo Trina. Sa bahaging ito lumingon ako sayo. Pero isang sasakyan ang sumalubong sa akin at ako'y nilamon ng liwanag.
"Trina..." ang huli kong bigkas.
Ako si Andy at kasama ko na si Trina.
Sa lugar kung saan namin pwedeng maipagpatuloy ang aming pagmamahalan.
T♡A
(L/N: Hope you like it)