Untitled

28 0 1
                                    

"Tahimik na naman siya oh?" sabi ng isang kaibigan ni Rythe na si Iza...

"Ano na naman ba?" tanong ni Rythe.

"Eh kasi pansin ko hindi ka na naman umiimik diyan, nagkukuwentuhan kami dito oh? Ayaw mo bang sumali sa amin?" paanyaya ni Iza sa kanya.

"Sa tingin mo ba makaka-relate ako? Puro artista pinag-uusapan niyo kesho nag-break si ganito si ganyan." sagot ni Rythe

"Oh yun din naman pinag-uusapan ng ibang tao eh, isa pa trending yung balitang yun."

"Hindi ako interesado diyan... Di ako mahilig sa tsismis."

"Wow parang hindi niyo pinag-tsismisan ito ah?"

"Well pinag-uusapan din yan sa amin kapag nagtatanong sila, sasagutin ko pero wala akong dini-detalye kasi wala naman akong alam tungkol diyan."

"Haay, masyado ka namang seryoso tingnan mo mukha mo busangot na naman! Hindi ka magkaka-boyfriend niyan sige ka."

"Para namang gusto ko? At sa tingin mo may magkakagusto pa sa akin? Bulag sila kapag nangyari yun."

"Puro ka ganyan haay... nga pala nakahanap ka na bang ng trabaho?"

"Oo, bukas na ako mag-sisimula."

"Kinakabahan ka ba?"

"Malamang kakabahan ako, tao ako eh... may damdamin."

"Alam mo ang ayos ng tanong ko sayo tapos pipilosopohin mo lang! Buti na lang mahal kita girl!"

"I love you too sige na alis na ako ang ingay na dito eh."

"Haay, as usual sige ingat ka."

Naka-uwi na nun si Rythe na kanila at inihahanda niya ang mga gamit na dadalhin niya bukas.

Si Rythe ay magtatrabaho sa isang hindi gaanong kilalang publishing company na ang posisyon niya ay editor.

"Ang tahimik naman ng bagong kasama natin." sabi ng isang empleyado doon.

"Baka nahihiya teka ako na mismo ang lalapit sa kanya."

Lumapit ang isang babae sa table ni Rythe at nagpakilala. "Ako nga pala si Silvia 2 years na akong employee dito and welcome pala sa Armor publishing company, anong pangalan mo?"

"Ako si Rythe, salamat." maikling sagot niya.

"Ang ikli naman ng sagot niya..." pabulong ni Silvia. "Uhm... ilan taon ka na?"

"23 years old." sagot agad ni Rythe.

"Isang tanong isang sagot." side comment ni Silvia. " Ah... sige balik na ako sa table ko."

"Okay..." sabi ni Rythe.

"Sumuko ka na kasi hindi uubra ang kadaldalan mo sa kanya!" sabi ni Roger kay Silvia na isang ring empleyado sa APC.

"Oy hindi naman ako masyadong madaldal gusto ko lang makipag-kaibigan sa kanya and sa tingin ko dahil eto ang unang araw niya nahihiya pa siya." sagot ni Silvia.

"Ako naman.... Rythe ako nga pala si Roger matagal na rin ako dito, welcome sa office namin nga pala bakit ganyan hairstyle mo?" pakikipag-usap naman ni Roger kay Rythe.

"Salamat.... gusto ko lang."

"Oh tingnan mo di ka din umubra kalalake mong tao ang daldal mo!" pang-aasar ni Silvia kay Roger.

"Oy grabe ka naman baka nga nahihiya." palusot ni Roger.

"Ah teka Rythe nahihiya ka ba sa amin kaya ganyan ka?" tanong ni Silvia kay Rythe.

More than WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon