That's the final straw, Poppy. You are going to England.
Yawn. The boarding school threat again.
I don't even recognize you any more. All this is going to stop right now!
So what? Big deal! You can just replace me with a newer, trashier version, like you did with Mom!
"IC! IC!"
I paused what I am watching before ko pagbuksan ang kanina pang katok ng katok sa pinto.
"Yes?" I asked ate Angelynne na siyang nasa pintuan ko ngayon.
"May bisita ka."
"Sino?" Napakunot naman ang noo ko. It's Sunday today.
So, kapag Linggo, hindi na puwedeng tumanggap ng bisita?
Here goes the inner thoughts again.
"Sila Angel at Chloe. Duh?" She retorted like I'm stupid or something.
I sighed. Oo nga naman. Sila lang naman ang maglalakas-loob gambalain ako sa rest day ko. Sumabay na ako kay ate bumaba tsaka nakita ang dalawang magaling kong kaibigan na bihis na bihis.
"What brought you here?" Mataray kong sabi sa dalawang babaita kong kaibigan.
Kumunot ang noo ni Chloe tsaka nag-roll eyes ang bruha tsaka tumingin kay Angel. "I told you she's not going to remember."
"What?"
"IC, it's Sunday today." Angel said.
"Yeah? Like I'm not aware. Gaga ka, pupuntahan niyo ako dito para sabihing Linggo ngayon?" I tsked.
"Kalma, pambara princess. May usapan tayo, remember? Malling tayo today, ano ka ba? Napakaganda mong bata, ulyanin mo naman."
Oh shoot. Oo nga pala.
"Sorry naman. I forgot. Uhh, ganito nalang. You wait for me here and magbibihis lang ako. Saglit lang."
"Sabi ko sa'yo sana iniwan nalang natin 'tong si IC eh. Ang tagal magbihis." Angel said to Chloe as if wala ako sa harap niya.
"Oo nga. Nakalimutan pa niya usapan natin. Sana pala hindi nalang natin siya sinundo eh." Sakay din ni Chloe.
"Hoy, hoy, hoy. Bago pa kayo magdrama diyan, bayad na 'yung order niyo." Iling-iling kong sabi sa dalawa. Buhat ipamukha ba naman sakin pagkalimot ko sa lakad namin ngayon plus 'yung tagal ng pagbibihis ko. Kanina pa silang dalawa sa kotse eh. Hanggang dito ba naman sa coffee shop?
"Ayun! Ang tagal mo naman kasi magsabi niyan."
"Three iced café latte for IC!"
"Ako na." Prisinta ni Chloe para kunin ang order namin habang nag-excuse naman si Angel para pumunta ng women's restroom.
Habang hinihintay ko ang dalawa kong kaibigan ay naalala ko na naman ang deal namin ni Ethan. Seven conditions. Ano kaya ang puwede kong ipagawa sa mokong na 'yun? Kung magpaalaga kaya ako sa kanya ng buwaya?
Or utusan na magdamit babae siya papuntang school sa isang araw? Or better yet, naka-cheerleading dress at utusan kong i-cheer ang mga basketball player na nagpa-practice sa gymn.
I chuckled. Nai-imagine ko kasi ang itsura niya na may make-up at nakabestida tapos may hawak na pompoms. Shucks, hindi bagay. Hahaha.
"Here's your iced café latte, the royal deity of pambabara, miss Ivory Chandria Rosario." I shrieked nung dinikit ni Chloe sa pisngi ko ang kape ko.
"Ano ba? Nakakainis ka naman eh." I annoyingly said habang kumukuha ng tissue pamunas sa pisngi ko.
"Kasi naman, mukha kang baliw na tumatawa diyan mag-isa. Pasalamat ka nga't hindi ko tinawag ang 911 para ipadala ka sa mental hospital." Angel suddenly appeared out of nowhere.