Title: SA HULING SANDALI
Author: GDragonCrooked
Genre: Romance
Date Submittes: August 11, 2016
Word Count: 1,967STORY
●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●
Present
"Alam ko mahirap makipag-laban sa kapalaran Shantal, hindi mo alam kung saan ka nito dadalhin at hindi mo alam kong sinong ang mananalo sa inyong dalawa, pero tama ka nga mananalo ka lang sa kapalaran kong makikita mo ang tunay mong kapalaran at nakita ko na iyon Shantal--" bitin na sambit ni Cris
--------------
Past
"Life is so meaningless nabuhay ka para mamatay, masyadong madaya ang buhay Cris, Ito ang realidad ng buhay na kailangan natin tanggapin na mamatay ako" halos tanggap na tanggap na ni Shantal sa sarili niya mamatay na siya dahil ito ang kapalaran niya pero hindi pa rin nawawalan ng pagasa si Cris na madugtugan pa ang buhay ng kanya kasintahan at magagamot pa ang sakit nitong Glioblastoma o Brain Cancer na Stage 4 binigyan na rin ito ng taning ng doktor kung hindi ito agaran magagamot maaring mapapadali ang kanyang buhay.
"Lumaban ka Shantal kailangan mo rin maintindihan kung bakit ka nabuhay sa daigdig na ito upang lumaban at maging matatag sa hamon ng kapalaran" bigkas ni Cris sa kasintahan at bigla niya itong niyakap upang hindi mawalan ng pagasa na madudugtugan pa buhay nito.
"May labing-apat na araw nalang ako nalalabi dito sa mundo Cris ng hihina na ako ayaw ko nang-lumaban pa Cris, mauubos lang ang pera mo sa akin at mga naipundar mo pabayaan mo na lang ako maghanap kana lang ng ibang babaeng mamahalin mo Cris na panghabang buhay, malaya kana" pagmamakaawa ni Shantal kay Cris upang layuan na siya nito, bigla binitiwan ni Cris sa pagkakayakap nito si Shantal nang marinig niya iyon parang bumagsak ang puso niya sa sahig at tinapakan ito, napa-atras siya ng kaunti at tinignan niya si Shantal hindi niya alam kong anu ang sasabihin niya rito parang siyang naging pipi na hindi makapagsalita at unting-unting nag-gigilid ang kanyang mga luha, tiniis ni Cris na wag tumulo ang luha niya sa harap ni Shantal hindi niya kasi akalain na iyon ang pasya ng dalaga sa relasyon nilang dalawa, pakiramdam ni Cris na binagsakan siya ng langit at lupa at parang walang saysay ang lahat ng sakripisyo niya ginawa alang-alang kay Shantal.
"Kung iyan ang desisyon mo Shantal, igagalang ko" yamot na yamot na sambit ni Cris at sabay takbo nito papalabas ng kwarto nang ospital, hindi alam ni Cris kung saan siya tutungo at sino ang tatakbuhan, halos lahat ng bagay iniwan ni Cris at kahit mga kaibigan niya ay isinang-tabi niya muna upang bigay tuon ang lahat kay Shantal.
Hindi rin kinaya ni Shantal ang pagpapasya iyon. Na bigyan niya ng laya ang kaisang-isang minahal niyang lalaki, alang-alang sa sakit niya, alam niya na maraming nang sakripisyo sa kanya si Cris, halos lahat ng pangingilangan sa hospital niya si Cris ang nagbabayad upang madugtungan lang ang buhay niya. Hindi nga niya alam kong saan ito kumuha ng pangbayad sa pang-hospital niya at napapansin din niya na parang napapabayaan ng binata ang sarili ito at inilalaan sa kanya, kaya hirap na hirap din siya sa desisyon na ginawa niya na palayain si Cris.
"Anu ba ang pagkukulang ko sayo Shantal at bakit mo gusto makipaghiwalay" sigaw ni Cris habang hawak-hawak niyang ang isang bote ng gin at sanhi ng pagkalasing niya at pagiwang-giwang nito sa daan, lugmok na lugmok si Cris, Naupo siya sa isang tabi at patuloy pa rin niyang iniisip kong anu ang pagkukulang niya kay Shantal
"Shantal .. huhu anu ba ang pagkukulang ko sayo" paulit ulit na sambit ni Cris at parang sinisisi niya ang kanya sa sarili kung bakit gusto ni Shantal na makipaghiwalay sa kanya,