ENTRY #12: SHE KILLS BY SCENTEDMYSTERIES

1.3K 22 7
                                    

Title: SHE KILLS
Author: ScentedMysteries
Genre: Angst
Date Submittes: August 13, 2016
Word Count: 1,987

STORY

●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●

She kills. For a living---no, erase that.

She kills. For money.

Pero huwag kayong mag-alala, pumapatay lang naman siya ng mga salot sa lipunan. Ilan nga ba ang mga napatay niya? Sampu? Dalawampu? Ewan, hindi na mabilang.

She works under an agency who handles the details. Sila ang tatanggap ng offers at siya ring makikipag-deal. Pagkatapos ay ibibigay sa kanya bilang misyon.

Madami sila, silang tinatawag na Cleaners, killers of the society's garbages ang pests.

Para hindi mabisto, pumupunta siya sa isang lugar. May sasakyang susundo sa kanya at doon sa kotse sila mag-uusap ng kanyang taga-bigay ng misyon. Ibibigay sa kanya ang detalye at ibababa siya sa kung saan. Uuwi siya at aastang inaatupag ang "online business" at "trading and investing stocks" niya.

Nasa isang masikip na eskinita siya ngayon, sa katirikan ng araw at sa kabila ng masangsang na panahon. Napatingin siya sa bungad ng eskinita nang makarinig ng busina.

Naglakad siya palapit at saka sumakay. "Kumusta ka na Van?" bati niya sa lalaking may hawak ng manibela.

"Gwapo pa din," kibit-balikat nitong sagot.

"Gago! Anong misyon natin ngayon?" Sabik niyang tanong.

"Tatlo ngayon. Huwag kang mag-alala, madali naman iyang dalawa. One drug sindicate, a criminal and a prison-breaker. Finish them within two weeks," sabi nito at itinigil ang kotse. Ibinigay nito sa kanya ang isang envelope. "Sibat na."

Bago siya bumaba ay itinapon niya rito ang isang itim na kahon. "Limampung libo 'yan ha." At saka siya naglakad palayo.

Pumapatay lamang siya para sa pera. Gusto niya ng maraming pera at saktong sa kanyang malagim na trabaho ay kumikita siya hindi lamang ng lilibuhin kundi milyones.

Ayaw niyang magtrabaho sa mga opisina at nagagamit ang kanyang oras at enerhiya sa trabahong kakarampot ang kita. Ang gusto lamang niya ay gawin ang kanyang nais at hintayin na lamang ang misyon na isang beses lamang sa isang linggo at presto! May milyon na siya habang naglilibang at nagpapalipas ng oras sa mga natitirang araw.

Ang plano niya ay kumita ng bilyon. Kapag nagawa niya iyon, titiwalag siya sa ahensiya, pupunta sa napakalayong lugar at magpapakasasa sa mga bilyon niya.

Tumunog ang kanyang cellphone. "Oh?"

"May isa ka pang misyon. Isang lalaki. Kriminal ito na hindi mahuli-huli ng mga pulis. Eksaktong labing-apat na araw mula ngayon, magbabakasyon siya. Ipapasa ko sa iyo mamaya ang address at ang hotel room number na palagi niyang kinukuha. Kailangan mo lamang taniman ng baril ang kanyang dibdib. Very important instruction by the dealer: never open the lights. Gamitin mo ang natutunan mo sa training para tantiyahin kung nasaan ang kanyang puso." Si Van ang tumawag. Pagkatapos sabihin ang mga iyon ay ibinaba na nito ang tawag.

"Bakit ba full-load ako ngayong linggo at sa susunod," ani Venice at dumiretso sa kanyang bahay. Kinalkula niya ang kikitain at napasigaw sa saya. Kapag idinagdag niya ang kita ngayong buwan sa mga naipon niya, madadagdagan ang bilyon niya.

Agad niyang binasa ang mga profile at saktong may transaksiyon ang drug sindicate na nasa litrato.
Kinuha niya ang isang espesyal na baril sa kanyang vault na nakatago sa secret underground room niya at naghanda para sa misyon. Sinigurado niyang maayos na nakalagay ang baril sa may kalakihang handbag na hawak.

UNDER THE SHEETS -ONE SHOT STORY WRITING CONTESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon