Ika-labing isang Hiwaga.
Josefa Eleanor Macabebe:
Matapos naming sumakay sa litsing ride na 'yun na halos malag-lag ang kaluluwa ko sa pag-uga sa amin ay nama-hinga muna kami sa isa sa mga bench.
"Hungry? Pimpy."
"Oo! Ka-grabe naman kase ang ride na 'yun! Ginutom ako!" Sabay hawak sa tiyan ko. Gusto ko ngang masuka e.
"Haha! I'll buy us a foods and beverages. Stay here, okay? Pimpy?" Anebe?! Ba't sobrang asikaso mo kay Josefa.
"Naku! Ser, ako na po ang bibili ng makaka-" Nakita ko naman ang pag-itim ng mukha niya, kaya't napa-hinto ako sa pag sasalita.
"Hehe..." Sabay kamot ko nalang sa ulo ko.
"I told you, stop calling me Sir!, call me?"
"A-absy..." Parang bata kong sabi. Nakakatakot naman kase siya.
"Very good! Pimpy. Stay here, okay!" At dali-dali siyang tumalikod at nag-hahanap ng mabibilhan.
Makalipas ay bumalik na siya, with matching madaming foods and beverages. Parang gutom na gutom lang.
Pansin ko lang, kada may mag li-libre saken ng pag kaen lagi nalang sandamukal ang binibili, hindi ko alam kung ayaw lang nila kong magutom o ang tingin nila saken ay patay gutom eh! 'Yung 'totoo ano ba 'talaga? Litsi!
"Ang dami naman niyan. Gutom na gutom lang?"
"Ayokong magutom ka, lalo na pag ako ang kasama mo Pimpy." Ramdam ko naman ang pamumula ng tenga ko.
Enebe? Ang ganda ko naba? Hindi ko pa nga ginagamit ang mahiwagang face cream ni Lola, paano pa kaya pag ginamit ko na! Boom panes 'talaga sila kay Lola.
"Salamat! Elizalde." Sabay tuckled ng ilang strands ng hair ko sa tenga ko. Pabebe much e! Haha!
"Anything for my Pimpy." Sabay kindat! My Gash! Napaka-gwapo. Grabe ng pag papala ito. Thank you talaga, God.
Natapos ang araw na 'yun ng pag-kasaya saya ko! Halos lahat 'yata ng rides ay nasakyan namin. Napasok lahat ng pwedeng pasukan. Sobra akong nag enjoy!
Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko sa t'wing kasama ko siya. Para kong nasa cloud nine sa saya! Sobra.
Ramdam ko ang bawat pag ngiti, tawa o halakhak niya, pati na ang sakit at kalungkutan niya, lalo na pag magkasama kami. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. O dahil na iinlove na 'talaga ko sa kanya?
Hinatid niya ako sa bahay ko, este ni Auntie Bellia. Kung pwede lang sana na hindi na matapos ang araw na ito. Kung pwede lang. Hays! But every fairy tale has an ending, it always has.
"I really enjoy your company, Pimpy. I hope we do this again." Sabay patay niya ng engine.
"Nag enjoy din ako sa sobra! Absy..." At binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti na ang papatunay na sinsero ako sa pag sabi 'nun.
BINABASA MO ANG
Ang Mahiwagang Face Cream ni Josefa. ( #Wattys2017 )
FantasyAng Unfair ng mundo. Bakit ko na sabe ? Paano ba naman, nakaka-inggit at nakakainis 'yung mga tao, especially 'yung mga babaeng hindi man lamang madapuan ng Pimples, kung magkaroon man ay, isa o dalawa lang. (Pasensiya na bitter lang ng slight!) Hus...