Mapapansin Kaya

1.3K 40 11
                                    

Mapapansin Kaya

by Jonaxx

Rate: ★★★★★

I think this is one of the best na nabasa ko and the best author na inaabangan ko.

Synopsis: This is about the story of Reina Carmela Elizalde and Wade Rivas. Kung titingnan naman parang napakasimple lang ng story nila, isang mayamang babae na nagkagusto sa isang promding bokalista ng banda. Nagsimula ang lahat ng mag-audition si Wade bilang bokalista ng banda ng kuya ni Reina na si Noah. At dahil sa angking charisma na sinamahan pa ng matinding sex appeal at husay sa pagkanta ni Wade ay napili syang maging bokalista. Sa una, hindi naman gaanong kagandahan si Reina maski nabibilang pa ang pamilya niya sa alta sosyedad. Isa lang syang simpleng babae.  Pero sa hindi inaasahan ay niligawan sya ni Wade. Galing  lamang sa isang simpleng pamilya si Wade pumunta ng Maynila para mag-aral at matupad ang kanyang pangarap. 

So much for that, umiikot ang storya kung saan paano napaibig ni Wade ang isang Reina Elizalde. Ang mga pagsubok na dumating sa kanila dahil sa tutol ang mga kapatid ni Reina kay Wade na humantong sa pag-alis ni Reina papuntang France. Hanggang sa pagbabalik ni Reina sa Pilipinas kung saan isa ng sikat na bokalista si Wade na kilala hindi lamang sa bansa kundi maging sa buong mundo. Kung ano ang mangyayari eh kayo na ang bahala.

Reviews: Spoiler Alert!

Kung titingnan mo parang langit at lupa lang ang drama nila pero wag ka, hindi lang xa basta basta na storya. Eto yung storyang pinagpuyatan ko sa kakahintay dahil sa ang bilis mag-update ni author. Gabi-gabi halos may update, kumbaga parang teleserye lang na may palabas gabi-gabi. Isa to sa the best na nabasa ko. Saludo ako sayo Ms Jonaxx. Hanga ako sa pagkakahulma mo kay Wade "Sexy" Rivas. Wohooo..! Grabeh lang, parang gusto ko ng maging Reina ng buhay niya. Grabeh kung magmahal ang isang Wade Rivas. Nung una eh na curious talaga ako sa title at kung sino at para kanino ang mga salitang " Mapapansin mo kaya".. Akala ko eh si ahem na pero si ahem pala. Hahahaha. Bahala na kayong tumuklas kung sino ang nagsabi ng ganun. 

Isa sa pinakagusto kong scene, eh yung mga pagtakas ni Reina para makapunta sa condo ni Wade. Maski rated SPG sya pero hanga ako sa pagkakadescribe mo Ms Jonaxx, mapapa imagine ka talaga. Hahahaha. 

Gusto ko din yung scene kung saan inamin na ni Wade na si Reina ang babaeng mahal nya at ipagsigawan sa madlang people na mahal na mahal niya ito at handa syang iwanan ang lahat para lang wag masaktan ang isang Reina ng buhay nia. Kung paano niya pinorektahan si Reina sa media at sa bumabatikos sa kanya. Hanga ako sa pagmamahal mo Wade, wagas kung wagas at walang tinitira sa sarili. Naiyak talaga ako dun sa scene na yun, yung press con ni Wade. The best yung mga binitiwang salita ni Wade.

Grabeh Ms Jonaxx, ang galing mo. Saludong saludo ako sau dito. Maski nainis ako nung una kay Wade dahil sa intensyon nia kay Reina pero binawi mo naman sa huli. Sobra sobra pa. Salamat ng marami sa napakagandang storya.

Kaya sa inyo wag ng magpahuli pa, basa na!

Basahin nyu na at hindi nyu pagsisihang kiligin sa pagmamahal at for sure maiinlove kayo sa isang Wade "Sexy" Rivas.

Reviews & Opinions on the Best Stories in Wattpad!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon