Face-off

2.7K 60 2
                                    

Nang makapasok kami sa loob ng bahay ay agad kaming binati ni mommy.

"Aj anak, sino yang kasama niyo?" Tanong niya pagkatapos niya akong halikan sa pisngi.

"Ma, sawayin niyo nga po si Dad, ang OA kasi oh." Sabi ko kay mommy habang tinuturo si daddy na ngayon ay nakaakbay na kay Eron.

Hindi napigilan ni mommy ang pagtawa dahil sa nakita. Ngayon lang naging ganyan si daddy sa nakababatang bisita.

"Maupo muna kayo dito, ano bang gusto mo juice or soda?." Yaya ni mommy kay mokong.

Nakuuu lagut na! :((

"Ah, no thanks nalang po Mrs. Go, kakatapos lang po namin kumain ni Aj." Paliwanag naman ni mokong.

"Ahh oo nga mum! Tsaka wala naman talaga siyang gagawin dito eh, a-aalis din yan agad mum!" Pagpupumilit ko kay mommy.

"Wag ka nang tumanggi hijo, don't be shy. You're my Aj's friend right? At pagkaibigan ng anak ko, gusto ko close saamin." Ngiti ni mommy kay mokong.

Wtfff! Friends? ENEMY ko po yan mother dear!

Nang makaalis si mommy para kumuha ng makakain at maiinom, ay agad umupo si daddy sa harap ni mokong. Seryosong seryoso siya. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan! The heeeelll!!! Huhuhu

"What's your name young man?" Seryosong tanong ni daddy. Di bagay ang seryoso sa kanya! Deep inside tawang tawa ako kay dad pero yung mukha ko hindi pa din maipinta.

"Sir, my name is Eron." Sagot naman ni mokong, nakakatawa din ang pangalan niya kaya hindi ko na napigilang mapangiti.

"Alam mo ba na ikaw ang pinaka-unang lalaking sinama ni Aj dito sa bahay?" Mariin na sinabi ni daddy na agad naman nagpatulala kay mokong..

Totoo na siya palang ang nakapunta doon. Never naman ako nabisita ni Rick dahil na rin sa bata pa kami noon at torpe siya. Sasagot na sana si mokong pero bigla akong tinawag ni mommy, pinuntahan ko naman siya agad dahil hindi na ako mapakali. Hindi ko alam kung ano ang nasa utak ni mokong at lalo na ni Dad! Nakakahiya!

"Aj, bayaan mo na yung dalawa dun. Tulungan mo nalang ako dito." Paliwanag saakin ni mum.

"Mommy naman eee kinakabahan na ako kay daddy! Hindi ko naman po boyfriend yun eeee." Sabi ko na may pagmamakaawa sa mukha.

"So ibig sabihin nanliligaw palang siya anak? Gano na siya katagal nanliligaw?" Ngisi ni mommy saakin.

What the!!? Alam niyo na kung kanino ko namana ang pagiging loko.

"Mommy! I just met him this week! New student siya sa school mom and nagkataon lang na parehas kaming bumisita kila Nina." Nagtaas siya ng kila saakin.

"Oh mom, please believe me! Si Nina lang ang nagpumilit na ihatid niya ako kasi wala nang taxi sa village nila." Pagpupumilit ko..

"Kung ganun Aj, edi nakakahiya ang papa mo dun sa labas!" Sabi niya na may halong gulat sa mukha, tumango naman ako at sabay kaming nagatawanan dalawa.

"Tara na nga anak dalhin na natin ito doon at pigilan ang kahibangan ng daddy mo." Yaya niya saakin. Tawa pa din kami ng tawa dahil sa nangyari.

Dinala namin sa labas ang Four Seasons Juice na ginawa ni mommy at slices ng mocha cake from Tou Les Jours. Nagkatinginan kami ni mommy nang maabutang nagtatawanan sila daddy at mokong sa sala.

"Kumain na muna kayo hijo, pagpasensyahan mo na ang papa ni Aj ha?" Yaya ni mommy kay mokong.

"No, tita it's okay. Sobrang sarap naman pong kausap ni tito." Masayang sagot naman ni mokong. Nagsimula na silang kumain, ako naman ay nakaestatwa parin sa kinuupuan ko, hindi makapaniwala sa nangyayari ngayon.

Almost is Never Enough Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon