continuation
matapos ang isang buwan ay dumating na si Franco. Balik sa main office si Martha. Nagtungo siya sa field office upang bisitahin ang sitwasyon nang trabaho doon. Maayos naman ang naging takbo nang kumpanya. Nagkaroon nang bagong project at nangailangan sila nang karagdagang man power. Ayos na sana ang sitwasyon dahil maganda ang naging mood ni Franco. Nagkaroon nang pagkakataon na magsumbong si mr. Suarez kung ano ang mga naganap noong wala siya.
"What!?" bulalas ni Franco. "ginawa ni Martha yun?" di makapaniwalang sabi ni Franco.
"Oo sir Franco, kung minsan nga ay inihahatid ni Martha si Edward pauwi eh." sumbong ni mr. Suarez.
"lagot saakin ang babaeng yun. Sa dinami dami nang lalapitan yun pang pangit na yun." usal ni franco.
Matapos na pahirapan at utusan ni Franco nang kung ano ano si Edward ay bumalikna siya sa main office.
Pagpasok niya sa opisina nilang mag asawa ay hinarap agad ang asawa.
"ano tong nabalitaan ko Martha. Madalas mo raw kinakausap at hinahatid mo pa raw pauwi ang material controller nating si Edward." Bungad ni Franco.
"Anong masama doon? Nag uusap lang naman kami ah. Isa pa kaibigan ko si Edward since highschool" dagot ni Martha.
"Kung ganon sya pala ang Edward na tinutukoy nila Erielyn at Zusette noon. Humanda sa akin ang pangut na yon." banta ni Franco.
"Bakit? Anong gagawin mo? Subukan mo lang na may gawin kang masama kay Edward at ako ang makakalaban mo Franco. "
Isang umaga habang papasok si Edward sa kanyang trabaho. Apat na lalaki ang humarang sa kanya. Hindi niya kilala ang mga ito. Agad siyang inundayan nang suntok nang isa sa apat na lalaki. Naieasan ni Edward ang suntok na iyon subalit sa kanyang pag ieas ay sinalubong nang mukha niya ang isa pang suntok na mula sa isa pang lalaki. Bagsak si Edward.
"Teka sino ba kayo? Tanong ni Edward. "anong Atraso ko sa inyo. "
"wala kang atraso sa amin Edward. Napag utusan lamang kami." sagot nang lalaki at isang sipa ang kasunod nang mga salitang yun. Hindi na nagawang makalaban pa ni Edward. Tumigil na lamang sa pag suntok at pag sipa ang apat nang wala nang malay si Edward.
Humahangos na tinungo ni Martha ang Hospital na pinagdalhan kay Edward. Nasa ICMC si Edward naabutan ni Martha sa kwarto si Hannah at Josh na nagbabantay sa wala pa ring malay na kapatid. Awang awa si Martha sa sinapit ni Edward. Namamaga ang mukha nito at maraming galos sa katawan. At wala pa rin itong malay. Ilang sandali pa ay dumating Doctor na syang nag asikaso kay Edward.
"Doc kumusta ho ang lagay ni Edward? Ano po ang kundisyon nya?" agad na tanong ni Martha.
" He is still unconscious maam. And we still have a laboratory test para madetermine ang body condition nang pasyente. And based on xray result ay nagkaroon siya nang fracture sa kanyang pelvic at apektado ang kanyang kaliwang binti kaya mahihirapan siyang makalakad. And i will suggest na ipa theraphy ang pasyente once na maghilom ang mga sugat nito." paliwanag nang doktor.
"My God" usal ni Martha." ano tong ginawa mo kay Edward, hindi kita mapapatawad Franco." usal ni Martha.
Ilang oras pang nanatili sa hospital si Edward. Laking tuwa niya nang bumuhos ang maraming tulong sa binata. Isa isang nagsipagdatingan ang mga kaibigan kapitbahay at mga taong napag alaman ni Martha na may naitulong sa kanila ang binatang si Edward. Hindi makapaniwala ang magkapatid na si Josh at Hannah na ganun karami ang nagmamahal sa kanilang kuya. Maging si Martha ay lalong humanga sa naging kabutihan ni Edward sa kanyang kapwa.
Matapos ang oras nang pagdalaw ay nagpaalamna siMartha sa magkapatid.
"Aalis na muna ako Hanna, Josh kayo na muna ang bahala sa kuya Edward nyo. Kung magkakaroon nang problema ay tawagan nyo lang ako o kaya ay magtext kayo. Akin na ang celphone mo Hannah at isesave ko ang number ko." wika ni Martha.
BINABASA MO ANG
KAHIT AKO'Y PANGIT
RomanceTitle: KAHIT AKO'Y PANGIT Genre: LOVE STORY, DRAMA, ROMANCE wrtiter:GOLDENHAND04 PROLOGUE Bakit may mga taong lumiligaya pag nakaka sakit nang damdamin nang iba? Bakit may mga taong ang tingin sa sarili ay isang perpekto na at walang kapintasan? Yan...