ANG KABAYANIHAN NI EDWARD

52 4 0
                                    

continuation

dahil naka kulong na si Franco monte Vista ay napag pasyahan ni Martha na i annul ang kasal nila ni Franco. Ipina asikaso ni Martha ang ang pag aayos nito sa kanyang abogado. Laking dismaya ni Martha na ang kanilang marriage contract ay wala sa record nang nso. Wala rin sa record nang simbahan kung saan ginanap ang kanilang kasal. Ang ibig sabihin ay muro muro lamang ang kanilang naging kasal. Pero sa kabilang banda ay natuwa si Martha dahil hindi na sya gagastos nang para sa anuulment. Hindi pala siya isang tunay na Monte Vista. Magkakaroon pa sila nang pagkakataon magmahalan ni Edward. Tanggap nya ang kapansanan ni Edward mahal niya ito. Kahit na ito ay Pangit at isa na ngayong dis able dahil hindi ito makalakad. Hindi na rin siya nakabalik sa kanyang trabaho dahil sa kanyang kalagayan. Gayon pa man malaki ang nakuhang pera ni Edward sa kumpanya. Kabilang na rin doon ang insurance. Mula noon ay lagi na siyang nagpupunta sa bahay nila Edwatd upang alagaan ang binata. Ipinagluluto niya ito nang pagkain kapag wala ang magkapatid.

Araw nang Graduation ni Hannah. Gagraduate na siya sa kursong accountancy. At hindi lang basta gagraduate dahil si Hannah ang summa cumlaude nang kanilang batch. Masayang inaabangan ni edward ang pagtanggap ni Hannah nang diploma. Sayang nga lamang at hindi siya ang kasama nito sa entablado dahil ipinakiusap ni Edward na si Martha na lang ang aakyat na kasama sa stage ni Hannah. Mismong si Mayora Lisbeth ang nag aabot at kumakamay sa mga nagsipagtapos.  At nang matapos ang pag aabot nang mga diploma ay nagtalumpaTi ang mayora. At sa dulo nang kanyang talumpati ay...

"Before i proceed to my messages.  I will congratulate all the graduat. Sana  ang pagtataos ninyong ito ay magdulot sa inyo nang panibagovat magandang buhay. .....Bago ko tapusin ang akng salaysay ay hinihingi ko po ang pagkakataong ito upang magpasalamat sa isang taong nagdugtong sa buhay nang aking anak. Sya po ang sumagip sa aking anak nang muntik na itong masagasaan nang jeep noong ito ay bata pa. Kung hindi dahil sa taong ito ay hindi ko na seguro kapiling ang unica ija ko. Bukod doon ay may nabalitaan pa akong hindi lang ang aking anak ang nabigyan niya nang tulong. Meron din itong video na sinagip niya ang isang bata mula sa nasusunog na bahay. Kaya gusto po naming pasalamatan at gawaran nang parangal ang kabayanihan ni Edward Figueroa alam po naming naririto siya ngayon dahil isa sa nagtapos ang kanyang minamahal na kapatid.

Umugong ang palakpakan nang mga estudyante at mga taong sumasaksi sa pagtatapos na ito. Nakangiting itinulak ni Martha ang wheelchair na kinauupuan ni Edward upsng ihatid sa stage ang binata. Hindi makapaniwala si Edward na pati sya ay may bahagi sa pagtatapos nang kanyang kapatid.

Tinulungan ni Josh sa pagtulak nang wheelchair si Martha dahil pasalunga ang pagsampa sa stage. Sinadyang lagyan nang daanan para sa wheelchair ang stage dahil magkakaroon nang ganitong pangyayari. Sinalubong ni Madeliene si Edward kasama ang kanyang inang mayora nang bayan. Todo ngiti na binati ni madeliene si Edward.

Matapos na igawad kay Edward ang parangal ay itinaas ni Edward ang hawak na plaque upang ipakita sa lahat nang nakasaksi nang awarding na ito.

Hindi na pinababa nang mayora si Edward dahil magsasalita pa ang Summa cumlaude niyang kapatid sa stage.

Panimula pa lang ay tumutulo na ang luha ni Hannah. Garalgal ang kanyang boses sa pagsasalita.

"bago ang lahatay nais ko pong pasalamatan si Mayora. Hindi ko po inaasahan na may ganitong mangyayari. Noon ay aminado po ako na ang aking kuya na siyang mag isang nagtaguyod at nagpalaki sa aming magkapatid ay aking ipinagkakaila. Hindi ko ipinapakilala sa aking mga kaibigan. Pero sa harap po ninyong lahat ako po ay humihingi nang tawad sa aking kuya. Wala po kaming ka alam alam sa mga kabutihang nagawa nang aming kapatid. Buong akala ko ay sa amin lang ni Josh mabait ang aming kuya. Nagkamali pala ako., sa kabila nang kanyang itsura ay napakarami pala niyang natulungan at napasaya. At kung hindi dahil sa aking kuya ay wala ako sa harapan ninyo ngayon. Hindi ako magsasalita sa harapan ninyo.  Hindi ko na po hahabaan ang aking speech dahil pinpigilan ko lamang po ang aking pag iyak. Proud po ako sa aking kuya...  hindi nakapagsalita si hannah dahil tuluyan na siyang napahagulgol. Binitiwan na lamang niya ang microphone at tinungo ang kanyang kuya niyakap niya ito at humagulgol nang malakas. Halos lahat nang nakasaksi sa eksenang iyon ay napaiyak. Naputol lang ang madamdami g eksena nang sumigaw ang isang estudyanteng nagtapos.

"mabuhay si Kuya Edward" sigaw ng estudyante.

"mabuhay! Sigaw nang lahat.

Niyakap na rin ni Martha si Hannah gayon din si Josh. Nag group hug silang apat.

Kumalas lang si Martha nang maramdaman niyang naiipit na ang kanyang tiyan. Wag nyo masyadong diinan at naiipit ang baby ko. Wika ni Martha.

Ay sorry baby" hinimas ni Hannah ang tiyan ni Martha.

Syempre dahil buntis na si Martha ay nagpakasal sila ni Edward. At dahil na rin sa pag aalaga ni Martha ay unti unti nang nakalakad ang kanyang mahal na asawa. Si Hannah ay nagkaroon agad nang magandang trabaho. Dahil sa isa siyang Summa cumlaude ay pinag aagawan siya nang mga kumpanya. Pinili ni Hannah na sa Ventral bank siya pumasok.  Dahil ito ay sikat na bangko at matagal nang nanunungkulan. SiJosh naman ay nagpatuloy sa pag aaral sa tulong nang municipal scholarship program. At ang supervisor na may galit sa mga pangit ay ipinatanggal sa kumpanya ni Hannah. Dahil kahit wala na sila ni Franco ay ipinagkatiwala pa rin sa kanya ni Mr Rodrigo Monte Vista ang kumpanya.

Dito na po nagwawakas ang kasaysayan ni Edward at Martha

maraming salamat po. Sana ay nabigyan kayo nang magandang aral at labis na kasiyahan nang kwento kong ito.

KAHIT AKO'Y PANGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon