CHAPTER 7 – We Rule
3rd person’s POV:
Ilang linggo na rin ang nakakalipas pero tuloy-tuloy pa rin ang mga gawain nina Cassadee, Amber, Zelo, Chase at Zico. Halos lahat ng ipinagbabawal ng mga student councils ng Bloodwood Academy ay wala silang sinunod. Nagmistulang mga anino nila ang mga ito na kung saan sila magpunta ay palaging nakasunod sa kanila.
“What the hell! They’re so irritating. Once na makialam pa talaga sila sa mga gusto nating gawin. Nako! Swear. Makakatikim na sa akin yang mga yan.” Iritableng sabi ni Cassadee habang nakaupo silang dalawa ni Amber sa isang bench.
“I feel you, sis. Hindi man lang ba sila napapagod sa kakasunod sa atin? Seriously, nagmumukha na lang silang mga tanga sa pinaggagagawa nila. We’re unstoppable.” Sabi naman ni Amber habang naglalaro sa cellphone niya. Nagtawanan na lang sila ni Cassadee dahil sa huling sinabi ni Amber.
“Nakakastress na sila.” Sabi ulit ni Cassadee at ginulo-gulo ang buhok niya.
Saktong napadaan naman sa football field ang isa sa mga student council na si Dacey at nakita sila Amber at Cassadee kaya naman ay dali-dali niya itong pinuntahan. Nakangiti niyang nilapitan ang dalawa.
"Class hours ngayon. Anong ginagawa niyong dalawa dito?"
"Fuck off!" Bored na sabi ni Cassadee at inirapan lang si Dacey na nakatayo pa rin sa harapan nilang dalawa.
"Pumunta na ka-----" Bago pa man matapos ni Dacey ang sasabihin ay mabilis na dumapo ang kamay ni Cassadee sa pisngi niya dahilan para mapaatras siya ng kaunti. Nagulat siya sa ginawa nitong pagsampal sa kanya pero hindi niya ito ipinahalata at nginitian lamang ang dalawa.
Inis na inis naman si Cassadee dahil parang wala man lang epekto kay Dacey ang ginawa nitong pagsampal sa kanya kaya naman ay hinila niya kaagad si Amber palayo sa lugar na yun.
Venom’s POV:
Napatingin lang ako kay Dacey na kakapasok lang ng silid na kinaroroonan namin ngayon. Kitang-kita sa mukha niya ang galit at napansin ko rin ang pamumula ng pisngi niya.
"Gosh! Anong nangyari diyan sa pisngi mo?" Nag-aalalang tanong ni Maxine kay Dacey habang hawak-hawak nito ang mukha ni Dacey.
"Sinampal lang naman ako ni Cassadee. Okay lang ako, Max. No need to worry." Nakakunot noong sabi ni Dacey pero nagawa pa ring ngitian si Maxine. Agad naman nalipat sa akin ang atensyon ng iba naming kasama na alam kong naghihintay na ng ipapagawa ko sa kanila.
"Hayaan niyo lang sila." Nakangiting sabi ko sa kanila dahilan para makunot ang mga noo nila. Tinignan ko lang sila at saka nagsibalikan na sa kani-kanilang mga gawain. Naglakad ako papalapit sa bintana upang matanaw ang kabuuan ng Bloodwood Academy. Agad naman silang nahagip ng mga mata ko ang apat na bago nilang kaibigan.
"Interesting... very interesting..." Napangiti na lang ako sa naisip ko.
Zelo’s POV:
"Talaga? S-sinampal mo si Dacey?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ryanne kay Cassadee na kasalukuyang pinagmamasdan ang sarili niya sa compact mirror. Tumango-tango lang siya bilang sagot.
"Astig mo talaga Cass! Ano namang ginawa niya?" Natatawa-tawang tanong naman ni Aldave.
"Wala. Ngumiti lang siya. Ang weird lang talaga ng mga tao dito. Nakakabwisit na!" Inis naman sagot ni Cassadee kay Aldave.
Lahat naman kami kinamumuhian yung mga student councils na yun at sigurado akong ganun din ang nararamdaman ng iba pang estudyante sa kanila pero wala lang silang lakas ng loob para kalabanin sila.
Bakit ba sila natatakot sa mga yun?
Sa tuwing madadaanan kasi sila ng mga yun bigla na lang silang magbababa at iiwas ng tingin sa kanila na akala mo kakainin sila ng buhay oras na magtama ang mga mata nila. At sa tuwing may ipapagawa sa kanila, walang pag-aalinlangang gagawin kaagad nila.
Ewan ko sa kanila kung bakit sila natatakot. Para silang mga tanga!
At speaking of... nandito na naman sila.
"Ilang linggo na ang nakalipas simula nang dumating kayo dito sa Bloodwood Academy at napapansin kong wala talaga kayong balak na sundin ang mga sinasabi namin sainyo." Seryosong sabi sa amin ni Venom pagkalapit na pagkalapit niya sa amin.
"Napapansin niyo naman palang wala talaga kaming balak sundin kayo e. Now, anong gagawin mo? Pagsasabihan na naman kami? I'm telling you, wag na lang. Wala ring mangyayari. Nagsasayang lang kayo ng oras sa amin." Sagot naman ni Cassadee.
"Huling beses ko na na sasabihin sa inyo to. Wag niyo nang balakin pang lumabag sa mga sinasabi namin dahil hindi niyo rin magugustuhan ang mangyayari." Medyo kinilabutan ako sa paraan ng pagkakasabi niya nun pero alam ko namang ginawa niya lang yun dahil nagbabaka sakali siyang nasisindak niya kami. Pwes! Nagkakamali siya. Hindi kami natatakot.
"Wala kang pakialam sa kung anong gusto naming gawin. Sino ka ba para sundin namin, ha?" Sabat naman ni Zico na kanina pa nananahimik sa isang tabi. Sa tuwing si Zico talaga ang nagsasalita, bigla ka na lang kikilabutan.
"Oo nga. Sinasayang nyo lang oras namin. Tara na nga!" Sabi ko na lang at saka sila tinalikuran. Hindi na kami pumasok sa klase buong araw. Kailan nga ba kami pumasok ng klase? Niyaya na lang namin sina Knight na sumama sa amin at buti na lang pumayag sila.
Naglakad lang kami kung saan-saan dahil sa totoo lang, wala namang masyadong magagalaan dito sa lugar na to! Pagala-gala lang kami hanggang sa abutin kami ng gabi at napagpasyahan ding umuwi. Napadaan kami sa isang tindahan kaya naman bumili kami ng mga sigarilyo at alak. Niyaya ulit namin silang sa bahay na lang muna. Movie marathon, inuman at kung ano pa para naman makapag-hang out kami dahil ngayon lang din naman kami nagkasama-sama.
--------------------------------------------------------------------------------
Bloodwood Academy ©2013 All Rights Reserved
YOU ARE READING
Bloodwood Academy: Behave Or Die
Mistério / SuspenseBloodwood Academy #1: Behave Or Die Limang magkakaibigan. Isang misteryosong paaralan. Ano kayang mangyayari sa kanila? May pagbabago bang magaganap sa kanila sa pananatili nila sa Bloodwood Academy? "The remedy is worse than the disease..."