Pain & Lies

110 8 2
                                    


DENISE POV

"Sige pagsasabihan ko na lang yung kapatid ko, pasensya na talaga ha?" Sabi ko kay Alexa.

Pagkaalis ni Alexa saktong dumating yung mga kaibigan ko na si Micah, Rhyza at Lady.

"Ne ne! Halika may ichichika ako sayo.." Ani ni Micah sa akin.

"Ano yun?" Lumayo kami ng konti sa dalawa.

"Yung anis mo kasi ne, may nakwento sa akin." Panimula niya. Oo nga pala at magkaklase sila sa isang subject.

"Kasi, nalate yung anis mo ng pasok kanina tapos nakipagkwentuhan siya samin nila Ate Kelly...."

MICAH'S POV

Ikukwento ko ngayon kay Denise ang mga nangyari kaninang subject namin.

*FLASHBACK*

"Oh Kier, late ka na naman.." Sabi ni Sir Moy kay Kier.

Hindi na sumagot si Kier kay Sir at nakisali na sa amin nila Ate Kelly.

"Ayan si Kier oh, may girlfriend ka na ba ulit?" Tanong ni Ate Kelly.

Napa-tss muna si Kier muna sumagot. "Wala, pampasakit lang ng ulo yung girlfriend saka may pinapagoodshot-an ako.." Aniya sabay tingin sa akin.

Pagkatapos nung sinabi niya yon. Nabanggit niya sa akin kung sino yung pinapagoodshot-an kuno daw niya. At itago daw namin ito sa code name na si "Basta".

"Sino ba kasi si basta ha?" Tanong ko. Ayaw niya kasing sabihin kung sino talaga yung girl para makwento ko kay Denise.

"Secret nga. Pero magbibigay ako ng clue. Kaibigan mo.." Biglang nanlaki ang mata ko at nainteresado sa topic.

"Weh? May picture ba kami?" Tanong ko ulit. Marami naman kasi akong friends kaya mahirap mag-assume.

"Oo, nakikita ko nga sa fb eh."

Hanggang sa lumipas ang bawat araw na nagkukwento siya sa akin about sa basta niya. Tulad ngayon, sinenyasan niya akong lumapit sa kaniya.

"Ano ba yun?" Inis kong tanong sakaniya. Kasi naman kakatapos lang ng acquaintance party namin last sunday at kinikilig ako sa picture namin ni Johnny -- kaklase ni Denise na crush ko.

"Ikaw ha! Bakit mo hinila yung damit ko nung Acquaintance?" Pabulong niyang sabi.

"Hindi kita magets.."

Mas hininaan pa niya ang boses niya. "Aist. Wag kang maingay kay Denise ha?"

"At bakit?"

Pinanlakihan niya ako ng mata. "BASTA! Okay? Basta!"

"Ahh gets.. Tapos?"

"Siya si Basta. Nakakainis nga eh, ang layo niya sakin nung nagpicture kami nung party. Gusto ko kasi didikit yung damit niya sa damit ko para di ko lalabhan yung damit ko." Napatawa naman ako don sa sinabi niya.

"Kadiri to! Ba't naman di mo lalabhan? Edi di mo nilabhan yung suot mo nun?"

"Nilabhan ko naman uy. Wala lang, gusto ko kasi didikit yung pabango niya sa akin eh."

Cheesy nito ah? Pero... "Di naman nagpapabango si Denise eh." Sabi ko. "Pero ibili mo kaya siya ng pabango ako na lang mag-aabot sa kaniya." Dagdag ko pa.

Mukhang napaisip pa si loko. "Hmm, Sige."

Habang palipas ng palipas yung araw. Daldal ng daldal si Kier sa akin tungkol kay Denise keso kung bakit ito late ngayong araw, kung good mood daw ba si Denise, ano ang favorite flower, favorite song, favorite color at kung ano ano pa.

Pain & LiesWhere stories live. Discover now