Trap [OneShot]

80 2 0
                                    

AN : This story is written by a Narrator's POV

----------------

Mag aalasais na ng gabi at hindi parin umuuwi si Jessica sa kanilang bahay.Dahil marami pa syang kaylangan tapusin na inutos ng kanyang magaling na guro sa Filipino

"Naku naman! Pagod na pagod na ako haayyyyu!" pagaatubili nya habang sya ay naguunat sa kanyang upuan. Pero bigla syang nagulat ng may bigla syang narinig na kaluskos na tunog sa kanyang likuran bigla agad syang nakaramdam ng takot sakanyang narinig pero ito'y kanya lamang dinedma dahil na rin siguro sa pagod nito

"Hayyyy mala---" hindi na natapos ni Jessica ang kanyang sasabihin ng biglang sumara ang unahan ng pinto ng kanilang classroom kaya ang takot na naramdaman nya ay lalo pang bumilis ng bumilis dahil alam nya sa sarili nya na ayung pintuan nalang ang daan para makalabas sya ng classroom dahil ang likuran na pintuan ay sira pa at hindi talaga nabubuksan kaya agad tumayo si Jessica at tumakbo papunta sa unang pintuan para ito'y buksan pero mag iilang minuto na rin ang nakalipas ayaw talaga bumukas ang pintuan

Kaya nagisip ng paraan si Jessica kung papaano makakalabas ng classroom dahil napaka dilim na rin sa labas ng bintana. Pero sa kanyang pag iisip nakarinig nanaman sya ng kaluskos galing din sa parehas na lugar kaya hindi nya na alam ang gagawin kung pupuntahan nya ba yun o hindi pero sa dulo nanaig parin ang tapang nito at pumunta parin sa lugar na iyun kahit takot na takot

Pagkapunta nya sa lugar na iyun bigla syang natulala at mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso nya sa nakita nya. Dahil ..................

NAKITA LANG NAMAN NYA ANG CRUSH NYA NA NATUTULOG DUN SA LUGAR NA IYUN

Bakas sa mukha ni Jessica ang pagka gulat sa nakita nya marahil ang ine-expect nyang makikita sa lugar na iyun ay isang multo o aswang pero nagkamali sya dahil nakita nya ang crush nya na natutulog dun ng mahimbing

Samantalang ang natutulugtugan na lalaki ay parang tanga na na naka ngiti na palihim dahil sa isip nito 'sa wakas napansin nya na rin ako, kanina pa ako nagpapapansin sakanya ehh' kaya napagdedisyunan na ng lalaki na magpanggap ulit ng bagong gising at gulat na gulat

"W-what the... B-bat nandito?" pagmama-angmaangan nito

"Ahh ehh kasi akala ko multo ka" napaka undetail na sagot ni Jessica

"H-huh?" hindi makapaniwalang sagot ni Kurt

Pero sa loob-luoban nito gusto ng tumawa ng malakas ni Kurt dahil nakikita nyang namumula na ang babaeng gusto nya. Ou si Kurt ay meron ring gusto kay Jessica

"Ahh basta panu na yan na lock-an na tayo rito hindi na tayo makakalabas" mabilis na sabi ni Jessica. Sa sinabi ni Jessica na alala ni Kurt ang inutos nya sa kaibigan nya na i-lock yung pintuan para sa plan nila at ito'y naging success naman

"Hintayin nalang natin mag umaga dito na lang muna tayo matulog. Wag kang mag alala hindi kita pagsasamantalahan" straight to the point na sabi ni Kurt kay Jessica. Hindi inaasahan ni Jessica na ayun agad ang sasabihin ni Kurt kaya nagulat sya rito

"Ahh osige" sabi ni Jessica sabay upo malapit kay kurt pagod na rin kasi sya at hindi narin kaya ng katawan ni Jessica kaya nakatulog na sya agad. Si Kurt naman inihanda ang braso para dun ipatong ang ulo ni Jessica tinititigan nya ang babae at sabay sabi nito ng

"Wag kang mag alala bukas na bukas akin ka na magugulat ka nalang sa mangyayari bukas" sabi ni Kurt sabay halik nito sa noo ni Jessica at sya rin ay nakatulog na na nakayakap ay isang kamay.sa bewang ni Jessica at ang ulo nito na nakasandal sa pader

-------

AN : Rate this One Shot.  Give me 10 comments if you want a sequel about this and 10 votes too.

Trap [OneShot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon