We're heading to the locker now to get the things that we need tomorrow and leaving the things that aren't. Hindi naman sa tamad kami, pero ano bang silbi ng locker kung di namin ilalagay dun ang gamit namin? Dinadala lang namin ang mga gagawing assignments namin, pero minsan dito sa school na namin ginagawa PAG SINISIPAG kami. Pagkabukas ni Chloe ng locker niya ay may nalaglag na papel. Actually sinadya naming magkakatabi ang locker namin para, wala lang. Trip lang. Yung kay Kurt lang ang hindi kasi LALAKI diya. At hiwalay ang locker room ng girls at boys. Katabi ng amin ay ang kanila.
"Uy Kloi, may nalaglag sa papel oh" tapos kinuha ni Althea yung papel at inabot kay Chloe.
"Ha? Ano to?" tapos binuksan ni Chloe yung papel. Nakatupi kasi.
Nakita namin yung pag-iba nang expression niya. Parang nagtatakang kinikilig?
"Hoy ano yan???" sabi ni Eden
"Oh my gosh"
[Chloe's POV]
"Oh my gosh" sino kaya tong mysterious guy na ito? Baka nantitrip lang 'to sakin  ̄ω ̄
Nagulat ako nang biglang inagaw ni Hannah yung papel. Biglang nanlaki ang kanyang mata.
"Haba ng haiiir!" sigaw niya with matching hampas. Kinikilig ang bruha. So, diba dapat ako yungmagreact ng ganun diba? -_-
"Pabasa nga!" tapos kinuha namn ni Althea yung papel at binasa ng malakas ang nakadulat dun.
Chloe,
Uh, hi. Eto ang first time na magsusulat at magbibigay ako ng letter. Dito ko na lang sasabihin sa'yo ang nararamdaman ko sapagkat nahihiya ako sa'yo. You're like a star from the sky, so near yet so far. Parang ang dali mong lang abutin, pero hindi. Ah basta ang gulo. Gusto ko lang sabihin sayo na MAHAL KITA, mula nuon, hanggang magpakailanman.
- 1027
"Ay shet. Ang keso. Sino kaya tong misfortuned guy na nahulog sa'yo?" sabi ni Eden, tapos nagtawanan sila.
"Ang bad mo, misfortuned agad? Inggit ka lang. Ble~"
"Ay watusi! Anong kaguluhan ito?!"
"Ay, alam mo ba Kurt…"
"Hindi ko alam" pagpuputol ni Kurt kay Althea.
"Langya, sana patapusin mo naman ako diba? Nahiya naman ako sa'yo. Nag-aala Charo Santos na nga ako dito sa pag-kukwento tapos puputulin mo lang ako" sabay pout ni Althea
"Wag kang O.A te, ala charo ka diyan, eh di ka pa nga nakakapagsimula eh. Sige, go ahead na. Kwento!"- Kurt
"Etong babaeng ito" sabay duro sa akin "nakatanggap ng love letter!"
"What?!" gulat na sabi ni Kurt.
"Yeah, it's truelala~ sana may magbigay din sakin. Hayyy" sabi ni Hannah
"Asa ka pa sis!" Sabi ni Eden, the forever mean. Haha.
"Oh shut the ef up. As if may magbibigay sa'yo?" taas kilay na tanong ni Hannah
"As if I'm wishing to have one" sabay ngiti ng mapang-asar.
Natural na sa amin ito, kung yung iba nagsasabunutan na pag-ganito, kami, wala lang. Nakagawian ng magbarahan at maglaitan sa isa't-isa. Haha.
Lumabas ng kami ng locker room para umuwi siyempre. At eto nga, naghiwa-hiwalay na kami.
[Hannah's POV]
"Ma, I'm home"- sabi ko kay mama at nagkiss sa cheeks niya.
"Oh, magbihis ka na dun sa taas at magmerienda"
"Okay po"
Then nagbihis na ako. Tapos nun, bumaba ako at nag-merienda.
"Ah, Shei, pwedeng bumuli ka ng mantika sa Mini Mart? Naubusan kasi tayo ng mantika eh" sabi ni Mama. Shei-tawag ni mama sa akin. Mula sa second name ko. Hannah Chetle Padilla-- Pronounced as "Sheyi"
"Sige ma, pagkatapos ko po dito."tapos binigyan niya ako ng pera.
Medyo malapit lang naman yung Mini Mart, pwedeng lakarin, pwedeng liparin, pwede ring gapangin. Haha.
Nakabili na ako ng mantika at napadaan ako sa park. Ang ganda talaga dito. Past 6pm na kasi, so nakaandar na yung mga night lights sa mga kahoy sa park. Hindi pa naman madilim, pero routine na na every 6pm pinapaandar na yung night lights.
Malapit ko nang malampasan yung park nang may biglang tumawag sa akin, Paglingon ko, isa itong matandang babae na may belong puti at may bulaklak na malilit na disenyo. Naka-upo siya sa isang bench.
"Bakit po?"
--
Pag-uwi ko sa bahay, dumiretso agad ako sa kwarto ko pagka-bigay ko ng mantika kay mama. Hindi ako mapakali sa sinabi nung matanda sa akin kanina. Paano niya nalaman na may pet shop kami? Stalker ko ba yun? Bakit andaming nangtitrip ngayung araw?
*Flashback*
"Bakit po?" tanong ko dun sa matanda pagkalapit ko sa kanya,
May inabot siyang gold fish na nasa isang plastic sa akin.
"Para saan po ito?" Baka naman pinapahawak niya lang to sa akin?
"Display this gold fish on your pet shop, and the guy who'll buy this will be the guy you're going to marry"Ay english speaker si Lola. Sosyal naman. Nosebleed ako dun. Di na-keri ng braincells ko. Pero ano daw? Marry? As in kasal? Yung may I do, I do? Tinignan ko yung isda, mukhang parang yung usual gold fish lang naman yung isdang ito eh. Pagtingin ko sa kinauupuan nung matanda eh wala na siya. Saan kaya nagpunta yun? Magtatanong sana ako reh.
Hawak-hawak ko parin yung plastic hanggang pag-uwi
*End of Flashback*
Marry? Tama ba talaga yung narinig ko? Tapos yung unang lalaking bibili ng isdang ito ang mapapangasawa ko? May pangalawa pangtalo pang-apat pa? Eh pano kung babae ang makabili? Papalitan ko ang gender ko? Magtotomboy na lang ako?
Pumunta ako sa salamin at tinali yung buhok ko para magmukha akong lalaki. Kinuha ko din yung round cap kong Obey. "Hmm, gwapo naman ako pag naging lalaki ako eh" Ay ano ba yan? Ayokong maging lalaki no! Tinanggal ko na yung cap at ang pagkakatali ng buhok ko at sinuklay ito.
Bumaba ako sa petshop namin, nasa baba kasi ito ng bahay. Actually, sa tabi ng baba ng bahay namin. Ang gula >.< Basta dun. XD
Timing nandun si Mama.
"Ma, may fishbowl po ba tayong extra?" tanong ko kay Mama,
"Oo, nandun sa fish side, bakit?"
"Pwedeng pahingi? May napulot kasi akong isa sa kanal"
"Sige, kuha ka lang dun"
Kumuha naman ako at umakyat sa kwarto ko. Nilagay ko dun yung isda at pinagmasdan uli. Hayyy. :3 Pinatong ko yung fishbowl sa side table ko at pinatay ang ilaw at pinaandar ang lampshade.
Hayy isa ka.
111813
Dedicated to patootie, haha. Basahin niyo rin yung stories niya, lalo na yung Gangster Academy. Character ako dun :D
BINABASA MO ANG
The Girl and The Gold Fish~
Comédie“Display this gold fish on your pet shop, and the guy who’ll buy this will be the guy you’re going to marry”