A Little Piece of You

8K 237 76
                                    



Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


A LITTLE PIECE OF YOU.


Sa buhay natin, marami na tayong nakilala, nakikilala at makikilalang mga tao. Pwedeng maging classmate lang, instant kalaro sa pustahan, instant best friend, instant enemy, crush o kaya lover pwede ring dumaan lang talaga para pakiligin ka, mga ganon.


Nasa admission kami ngayon ni Mommy, enrollment kasi para sa first semester. Shocks! College na ko, new school, new classmates, new faces, new environment. Ang hirap mag adjust! Sakit sa ulo, ako pa naman ung tipo ng taong kelangan laging nagsasalita. Ayakong napapanis laway ko, sayang.


Marami din pala kaming kasabay nag mag - enroll, late enrollee na nga ako ehh. Di kasi talaga ako dapat dito, PUP nga kasi ehh hindi lang ako nakasama sa mga nakapasok pero alam kong naka pasa ako. *Wishful thinking* Pero sadyang magpalaro si tadhana, wala ehh. Baka talagang dito sa school na to ako itinakda talaga. Haha. Bahala na, nandito na rin naman ehh.


Sabi nila talkative daw ako, sobrang korni at walang sweet bones. Aaminin ko naman na hindi ako sweet na tao, brutal kasi ako, sadista kaya ilag na ilagu ng mga kaibigan ko sakin pag kinikilig ako. Nanghahampas kasi ako ehh. Luh? Babaeng may brace saka ako yung tipo ng babaeng mabilis maattract sa mata.


Naniniwala kasi akong 'beauty is in the eye of the beholder' at hindi ko alam ang kinalaman nun sa mga pinagsasabi ko. Kaya ayun, pina upo kami sa isang mahabang table kasi dun daw magfi fill up ng form para sa enrollment. May nakasabay kaming mag Mommy din, kaso at pinagkaiba lang lalaki siya at ako babae.


Tourism kinuha kong course kasi wala lang. Umupo kami sa tapat nila, busy si kuya bonnet magsulat habang ung Mommy niya naglalaro ng candy crush. Ako naman nagsimula ng mag fill up ng form, at dahil isa akong kiti kiti, hindi ako mapakali kaya nililibot ko ung mata ko sa kwarto hanggang sa nadako ung tingin ko kay kuya bonnet. Hmmm...


Gwapo naman siya, in fact sobra pa nga ehh. Parang model siya sa isang agency, nakasuot siya ng blue na bonnet tas naka fitted shirt na maroon. Inexamine ko yung mukha niya, ang gwapo niya talaga. Nagsulat na lang ulit ako kasi nagugutom na ko, kakain pa kami ni Mommy ss jollibee.


Pero sadyang makulit ako kaya tumingin ulit ako sa kanya, this time. Tinitigan ko na siya, di naman niya ko napapansin kasi busy siya sa kakasulat. Napansin kong wala siyang black heads tapos sobrang tangos ng ilong niya, ang puti puti niya pa.


Rosy cheeks din parang ako. Di kaya babae to?! That's my tomboy mga ganon? Bakit ang gwapo niya? Narealize ko na lang na matagal na pala akong nakatitig sa kanya kasi bumalik lang ako sa katawang lupa ko ng nRinig ko siyang tumawa ng mahina habang nakatingin sakin.

A Little Piece of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon