My Kidnapper, My Lover?

333 6 2
                                    

                                            *-*-*-Prologue-*-*-*

Pilit kong iminulat ang aking mga mata kahit pa sumasabay ang matinding pananakit ng ulo ko.

Pagdilat ko, kadiliman ang bumungad sa akin at tanging ang awang sa pinto ang may matatanglawan ng mumunting liwanag.

Sa aking paggalaw, namalayan ko na lang na nakatali pala ang aking mga kamay at paa at kahit ang aking bibig ay may nakadikit na tape.

“HMMMMMMMMMMM!” tanging ungol na lang ang maririnig mula sa akin kahit ano pang gawin kong pagsigaw.

“Mang Ador, maraming salamat po sa pagbabantay. Makakauwi na ho kayo. Ako na po ang bahala dito”.

May taong nag-uusap  sa labas! Pero….

Pamilyar ang  boses na iyon.

Teka.

Hindi lang pamilyar.

Kilala ko kung kanino nagmula ang boses na iyon! Kilalang-kilala!!

 Kay Thunder ang boses na iyon! Pero ano ang ginagawa niya dito?

Ililigtas niya ba ako? Siya na nga ba ang nakatadhana na maging superman ng buhay ko?

Pero.. Kung pagbabatayan ang sinabi niya kanina sa kausap………

WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!

Hindi maaari!

Si THUNDER MUVZELA na pinagkatiwalaan ko….

Na ipinaglaban ko…..

Na minahal ko ng totoo….

Ang KIDNAPPER na pinaka-iiwas-iiwasan ng mga tagapagmana ng mayayamang angkang tulad ko?!

Tulad kong nag-iisang anak ng mag-asawang ZURUAGO...

Naramdaman ko na lang ang mainit na likidong lumalandas pababa ng aking pisngi.

Ang tiwala ko….

Ang pagmamahal ko…

Sa isang iglap, lahat ng ito’y nawala na parang shooting star sa madilim na langit.

Parang shooting star na minsan na nga lang magpakita, saglit pang maglalagi sa paningin ng makakakita at unti-unting magiging abo sa loob lang ng ilang sandali…

Ako si FALLS na falling into pieces deep inside ngayon.

Bigo na nga sa pag-ibig, eto at nanganganib pa ang buhay.

Can somebody help me?

Can somebody be my hero just this once?

A real hero and not just a superman in mask like Thunder?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 01, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Kidnapper, My Lover?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon