Part 4.

39 1 0
                                    

Salamat sa mga nagbabasa ng storyang ito:)
Alam kong konti lang kayo kaya
Please don't forget to comment and vote. Para may inspirasyon naman ako at sipag sa pagsusulat pa ng mga susunod pang kabanata.

May mga nilalang sa mundo na nagkaroon ng maitim na kapangyarihan na galing din sa kadiliman. Ngunit ang kanilang mahika ay mayroon ding hangganan at limitasyon.

Ito ay nangyari sa Norte na parte ng iloilo. Kung saan ay may liblib na bayan na kalimitan lamang ang kabahayan. Ang Ina lamang at ang 3 anak ang naroon na tanging ang ilaw ng maliit na gasera ang nagsisilbing tanglaw sa kanilang tahanan.

Mag aalas onse na ng gabi at ang Ina ay nag aalala na sa kanyang asawa na hindi pa umuuwi. Napagpasyahan niyang sunduin ang kanyang asawa at iwanan sa loob ng bahay ang kanyang tatlong anak.

Naiwan sa pangangalaga ng sampung taong gulang na panganay ang dalawang kapatid na may edad apat na taon at ang pinaka bunso na siyam na buwan pa lamang.

Kumakalat sa barangay nila ang kwento tungkol sa mga Aswang ngunit hindi na niya naisip iyon at walang pag aalinlangan na iwan ang kanyang anak upang sunduin ang kanyang asawa.

Ang hindi niya alam ay nang makalayo na siya sa kanilang tahanan ay siya rin namang pagsalakay ng naglalaway na aswang sa kanyang mga bibiktimahin.

Nagtitili ang mga bata ng pumasok sa kanilang bahay ang malaki at napaka itim na aso. Nagpupumilit lumapit sa bibiktimahin ngunit siya ay bigo sapagkat nasa loob ng kulambo ang tatlong bata.

Inikot ikotan nito ang kulambo at kita mula sa kakapiranggot na ilaw galing sa gasera ang paglalaway nito. Ganon pa rin ang malakas na pagsigaw ng mga bata.

Samantalang sa kabilang bahay naman ay dinig na dinig ang malakas na sigaw kaya nabahala ang mag-anak at dali daling bumangon upang pumunta sa kapitbahay. Gayon na lamang ang pagkagimbal nila nang makita ang aswang. Dali-daling umuwi mga ito kumuha ng matatalim na itak,karet at kris panlaban sa aswang.

Hinabol nila ang aswang ngunit sadyang kaybilis nito at agad nawala sa kanilang paningin.
Ganon na lamang ang kaba at pag-aalala ng ina ng malaman ang muntikan na sanang sinapit ng mga anak sa isang mapangahas na aswang.

Mga Totoong Kwento Ng KababalaghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon