"'nak ikot ka nga." Utos sa akin ni Mama matapos niyang ibuhol ang tali sa likod ng gown na suot ko.
Umikot ako nang dahan-dahan para makita ni Mama kung maayos ba ang suot ko. Ngayon na kasi ang Foundation Ball sa school at tinulungan ako ni Mama na mag-ayos kasama ang isang make-up artist na kakilala niya.
Simple lang ang suot kong gown na pinatahi ni Mama sa kaibigan niyang designer. Pula ang kulay nito na hanggang sahig ang haba at heart-shape tube naman ang itaas nito. Gusto pa sanang dagdagan nung kaibigan ni Mama ng mga makikinang na beads ang design pero hindi ko na pinalagyan. Ang ganda na kasi nito kahit wala nung mga kumikinang na beads, mas lumulutang ang pagka-elegante nito dahil sa ka-simplehan ng disenyo.
"Ang ganda-ganda mo girl." Sambit ng make-up artist na nakatayo sa may gilid ko
"Salamat. Ang galing mo kasi." Papuri ko sa kanya
Muli akong humarap sa full length mirror stand ko at hindi ko maiwasang mamangha sa itsura ko. Parang hindi na ako ito. Hindi naman kasi ako mahilig mag-ayos at maglagay ng kung anu-ano sa mukha ko. Powder at lipgloss lang ay okay na ako. Nagustuhan ko ang ayos ng buhok ko na bahagyang kinulot at saka inilugay sa magkabilang balikat ko tapos ay sinuotan lang ako ng flower headband.
"Ma, nandiyan na po yung kaklase ni Ate." Sigaw ni Josh na sa tingin ko ay hindi na nag-abalang umakyat pa dito sa taas.
"Oh, andiyan na pala ang sundo mo. Tara na sa baba." Pag-aaya ni Mama
"Okay po Ma, tara." Huminga ako nang malalim at muling tiningnan ang repleksyon ko sa salamin.
H'wag kang kabahan Faith. Pagpapakalma ko sa sarili ko.
Kanina pa kasi ako kinakabahan at parang hindi mapakali pero hindi ko naman alam kung bakit.
Nakatitig lang sa akin si mushroom habang bumababa ako sa hagdanan at ganun din ako sa kanya. Ang gwapo niyang tingnan sa black suit at tie na suot niya. Sinuklay pataas ang buhok niya kaya naman lutang na lutang ang bawat detalye ng mukha niya. Habang papalapit ako nang papalapit sa kanya ay nararamdaman ko na naman ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Ilang araw ko na itong nararamdaman kapag kaharap ko si mushroom pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ganito kabilis ang tibok ng puso ko tuwing titingin ako sa mata niya.
"H-hi. L-let's go." Nauutal na sabi niya. Problema nito? Nginitian ko na lang siya bilang pagsang-ayon. Nagpaalam na kami kina Mama at Papa saka sabay na lumabas.
Hindi ko alam kung kanino itong sasakyan na minamaneho ni mushroom ngayon pero hindi na ako nag-abala pang alamin iyon. Tahimik lang kami parehas habang nasa byahe. Ang awkward tuloy nang atmosphere sa loob ng sasakyan. Feeling ko ito na ang pinakamahabang byahe ko sa buong buhay ko. Bakit kasi ang tahamik ni mushroom? Hindi ko rin naman alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya kaya hindi rin ako nagsasalita. Sana makarating na kami agad sa venue ng ball.
Marami ng tao sa venue nang makarating kami. Maganda ang pagkaka-ayos sa venue. May malaking itim na tela ang itinakip sa kisame at nilagyan ng maliliit na ilaw para magmukha itong mga bituin sa madilim na langit. Nababalutan ng puting tela ang mga bilog na lamesa at gold naman ang upuan na nakapalibot sa bawat isa nito. Dinesenyuhan din ng puti at gold na tela ang stage.
BINABASA MO ANG
Broken-Hearted Girl
Fiksi Remaja"The best way to move on is to fall inlove again." - Faith