Sinong may sabing hindi magwowork ang LDR..
.
Long Distance Relationship, commonly known as LDR. Ang dalawang taong nagmamahalan ay nasa magkaibang panig ng mundo. Sabi nila, long distance relationships NEVER work. Hindi ba nila alam na pwedeng pwedeng magwork ang LDR lalo na't isa lang ang goal ng lovers? To stay together forever. Okay, I admit it, may times na iniisip ko na parang imposible na magwork ang isang LDR dahil sa sobrang dami ng mga trials na pwedeng pagdaanan at sa sobrang dami ng sakit na mararamdaman pero sa tuwing iisipin ko na someday, makakasama ko din siya, magagawa na namin yung mga bagay na di namin kayang gawin habang malayo kami sa isa't isa, yun yung nagpu-push sa akin na maghold on sa relationship na binuo namin at panindigan ang mga pangakong binitiwan namin sa isa't-isa.Matthew and I became friends when we were second year college. Kilala na daw niya ako noong first year pa lang kami. May mga sari-sarili pa kaming buhay noon. We became good friends and ang mga barkada namin, naging friends din. Then, on our 2nd semester, I needed to stop studying para magmove sa City of Sails. We stayed as good friends, nagco-communicate pa din through yahoo messenger, friendster and facebook. Sa two years na pagiging magkaibigan, nakilala na namin ang isa't isa. Alam na namin ang kwento ng aming mga buhay. Hindi siya nawala sa tabi ko (not literally, but emotionally) noong mga panahong broken-hearted ako. He's always there for me during good times and bad times. We were like almost best friends. Dumating ang araw na naging lovers kami. No issues kung pano kikilalanin ang isa't-isa kasi kahit two years pa lang kaming magkaibigan, sapat na iyon para magkakilanlan kami. Pero kahit pala kilala na namin ang isa't isa, di pa rin maiiwasan na magkaroon ng mga problema. Iba nga naman kasi yung friends at yung lovers. Sa lovers, may selos. Sa friends, walang commitments. Pero ang maganda lang diyan, once you started as friends then became lovers, kahit na dumating ang panahon na nagkakalamigan na kayo, andiyan pa din yung friendship.
Ang long distance relationship, pareho lang yan ng ibang klase ng relationships. May tawanan, iyakan, selosan, tampuhan at kung ano-ano pang problemang napagdadaanan ng lovers. Ang kaibahan lang, mas mahirap ito kaysa sa ordinaryong relasyon dahil magkalayo kayo. Yung tipong pag may tampuhan kayo or away, kahit na gustong gusto mong amuhin o lambingin ang mahal mo, hindi mo magawa. Dahil di mo siya mayakap, mahalikan, mahawakan o malapitan man lang. Sa sobrang hirap, may mga panahong maiisip mo na gusto mo ng sumuko. Pero sa tuwing iisipin mo na madami na kayong trials na pinagdaanan at balang araw, na makakasama mo din siya at magagawa niyo lahat ng bagay na di niyo magawa habang malayo kayo sa isa't isa, nawawala lahat ng doubts mo.
Dahil sa kagustuhan ko na makasama na siya pati na rin ng mga kabarkada ko at relatives ko syempre, pinilit ko ang sarili ko na makahanap ng trabaho at makaipon. Dumating ang araw na nakaipon na ko ng sapat na pera para makauwi at makasama ko na siya. Walang kapantay yung saya during our first day together, first holding hands, first hug, first face to face as lovers, first kiss, first picture together at iba pang first's. Alam mo yung feeling na bawat araw, bawat minuto at bawat segundo na magkasama kayo, hinihiling mo na sana tumigil na lang. Kahit pala kilala na namin ang isa't isa, once na madalas na kayo magkasama, madami pa din kayong madi-discover sa isa't isa. He taught me how to be a real positive thinker. Tinuro niya sa akin kung pano mag-loosen up a bit, magrelax ng konti kahit na may problema. Ultimo pagtutupi ng pera para organized, na-adapt ko sa kanya. Andyan yung kahit na natsi-tsismis kami dahil umuwi lang daw ako para mag-asawa, wala kaming pakialam dahil hindi naman nila alam kung gaano kami ka-excited na magkasama. Hindi ba pwedeng dahilan yung LOVE lang kaya kami magkasama palagi? Pero hindi ko talaga alam kung anong kabutihan ang nagawa ko para maging ganito ako kaswerte sa mahal ko. Ganito man kasaya ang naranasan namin, habang papalapit nang papalapit ang araw ng pag-alis ko, nakakalungkot isipin na nauubos na ang oras namin na magkasama. Andun yung iiyak na lang kayo bigla nang tahimik dahil maiisip niyo na papalapit na ang araw na yun. Andyan yung bawat yakap at bawat hawak sa kamay ay parang ayaw niyo nang bumitaw. Yung kahit na wala sa nature niyong dalawa ang mag-drama, dumadating ang panahon na masasabi niyo ang mga bagay na makapagbagdamdamin. Yung kahit na madami pa kayong gagawin, mas pipiliin niyong mag-stay na lang sa kinaroroonan niyo, magyakap, magtahimik at i-feel ang bawat moment niyong dalawa.
Noong dumating na ang araw na kailangan ko ng umalis, sabi ko sa sarili ko, 'hindi na ako iiyak kasi sanay na ako dito, naranasan ko na 'to dati eh, second time ko na ito'. Hindi ko pa rin naiwasang umiyak lalo na't nasanay na ako na andyan siya palagi sa tabi ko. Na tuwing pagkagaling niya ng school, sa bahay ko agad siya tutuloy. Na magpaload lang ako, pwedeng pwede ko na siyang tawagan. Na maghintay lang ako ng konting oras, makakasama ko na siya ulit. Nung makarating ako dito sa City of Sails, ayokong magligpit ng mga gamit ko dahil ayokong makita yung mga bagay na magpapaalala sa akin tungkol sa kanya. Na ayokong magkakaroon ng chance na maging blanko ang utak ko dahil maaalala ko lang yung mga bilin niya sa akin nung huling gabi ko na sa Pinas. Pero syempre, hindi pwedeng hindi ko liligpitin ang mga gamit ko. So nung nagliligpit na ako, hindi ko maiwasang bawat bagay na ligpitin ko naaalala ko siya. Ang pagkakaayos ng pera ko, ang cap, scarf, jersey at ibang bagay pa na bigay niya, ang bawat damit ko na may bilin siya, yung scrapbook na pinaghirapan niya, yung paintings na gift ng mama niya, yung laruan na pinaghirapan niyang burdahan ng 'I love u ghie' kahit na alam kong di siya talaga nagbuburda at lalong lalo na yung regalo niya sa akin nung birthday ko, ang baby naming- si Marqui (stuffed toy) at mga gamit ni Marqui. Para akong galing sa break up na bawat gamit na nililigpit ko, iniiyakan ko. Hindi ko maiwasan dahil naiisip ko na sa bawat araw na darating ay sobrang sakit na hindi ko siya kasama. Pero gaya ng dati, iisipin ko na lang na balang araw, makakasama ko ulit siya.
Now that I'm back here, I realized one thing, WE'RE STRONGER THAN BEFORE. Hinding hindi ko hahayaang may kahit na anong bagay ang maghiwalay sa amin. Kahit pa hindi siya yung nakatakda sa akin, Lord, makulit ako at kahit ilang ulit niyo po siyang balak na bawiin sa akin, hindi ko na po siya ibabalik. Ilang ulit ko pong hihilingin na sana, LORD, siya na lang ang sa akin.
.
END
