PAGE'S POVThis. Is. So. Awkward.
It's even more awkward than having left your used underwear in the bathroom and Bullet comes at you screaming while Kensie cracks up into a laughter.
Pero teka nga Page, bakit mo sinabing 'oo nga ano?' Anong pinaglalaban mo at sumagot ka ng ganun? What in your right and conscious mind are you thinking at sumagot ka ng ganun? Sumagot sagot ka tapos ngayon akala mo puputukan ka ng butsi mo? Nagjojoke ka ba?
I mean, Sean is a good catch. That's definite. Pero yung sumagot ka ng 'oo nga,' doesn't make sense. Paano na lang kung nagjojoke lang pala si Sean? Eh di lumabas pa na may gusto ka sa kanya? Paano na lang kung isipin niyang patay na patay ka sa kanya tapos biro lang pala ang lahat? Pero pag sinabi ko namang ako yung nagjojoke eh baka naman lumabas na nagiging defensive ako kasi nag-assume ako? Samantalang wala naman siyang binaggit na follow-up. Not that I expect him to do so, kasi nga, everything happened so fast.
I need to say something before it gets more awkward than it is now.
"Ah...aha..ha...ha...hahaha...CR lang ako ha? Ha..ha..haha." awkward na paalam ko sabay tayo. Pakiramdam ko pinagpapawisan na ako ng malamig. Hindi naman talaga ako naiihi pero nagdahilan na lang ako just to find a way out.
"Ah...haha.. oh sige ba...ha..ha...ah..ingat.." sagot ni Sean. Sigurado akong hindi rin siya makatingin sa akin ng diretsyo. Kaya kahit hindi talaga ako naiihi, dumiretso ako sa CR.
Pagdating ko sa CR nagulat na lang ako sa itsura ko sa salamin. I didn't know I was already blushing. Sinampal sampal ko ang pisngi ko para mahimasmasan sa kalokohang pinagsasabi ko kay Sean. Pero sa kasamahang palad, mas lalo lang namula ang mukha ko. Am I getting insane? Why am I getting flustered?
"Hoy bakla! Bakit mo naman ako iniwan iwan dun alam mo namang di ko kasundo yung dalawang kumag na yun. Na-OP tuloy ako feeling ko pinagtatabuyan ako ng mga mata nung Theo na yun. Tapos itong si Sean naman akala mo may kuto kung makakamot sa ulo." reklamo ni Kensie pagpasok niya sa CR.
Based sa kwento ni Kensie mukhang maski si Sean awkward din dahil sa kung anu-ano pinagsasabi namin sa isa't isa.
"Uy nagretouch ka pala. Pahiram nga ako niyang blush on mo. Mukha na akong multo, walang kakulay kulay. Anong brand niyan?"
Napa-facepalm na lang ako sa sinabi ni Kensie. Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin na nagbablush pa ako at baka sabihin pa niyang proud pa ako sa katangahan ko.
Bumalik kami ni Kensie sa inuupuan namin kanina kasama sina Sean at Theo. Hanggang ngayon naglalaro pa rin sina Bullet at Milo. Pero di gaya ng kanina, hindi na kami nag-usap pa ni Sean. He just kept fumbling with his phone, while I kept myself busy talking with Kensie. I can't deny na may cold air sa pagitan namin ngayon.
"Wow honestly ikaw pa lang ang nakaharap kong kayang makipagsabay sa akin nang ganito. Talaga bang first time mo maglaro?" Napatingin kaming lahat nang lumapit sina Milo at Bullet.
Umupo sila sa katabing table habang parehas na nagpupunas ng pawis.
"Edi sana di na ako nagpaturo kung paano maglaro diba? Bangag ka ba?" Sagot ni Bullet.
"Inaalalayan nga lang kita sa una eh tapos bigla mo na lang tinularan yung mala cartwheel kick ko kaya nagulat ako. Sineryoso ko na yung laro pero di pa rin kita natalo."
"I guess I just showed my strength, I'm actually a fast learner when a situation calls for my physical abilities. But the downside is, I can be very, very competitive." Pagmamalaki ni Bullet. Naalala ko tuloy na kapag kailangan namin ng physical labor sa bahay, si Bullet lagi ang problem-solver namin gaya na lang pag ayaw gumana nung kotse ko. Para siyang lalaki minsan.
BINABASA MO ANG
Doomsday High : Girls vs Boys (Teen Disputes)
Fiksi RemajaAll hell broke lose nang magkrus ang landas ng tatlong Femme Fatale at ng tatlong alpha boys sa iisang school. Ang inaakala nilang "taas kamay with confidence" sa kanilang mala-first day eh naging DOOMSDAY high pala. Ang Suplado at Vain na si Theo V...