Chapter 7- Rafael?

12 2 0
                                    

Saph

Kakauwi ko lang. Isang buong araw nanaman ng pag iwas kay Alien. Sumablay pa kanina. Siguro di muna ako papasok bukas. Magpapamiss muna ako... CHARAUGHT kapal eh.

Naligo na ako. Amoy pawis blegh. Matapos maligo nag hair blower ako. Ayoko naman sumakit ulo ko dahil sa lamig.

Pass muna siguro ako sa pagpunta sa bar ngayon. I feel dizzy... tska di ko feel... Kuya will fill up for me nalang. Besides, he's the one who taught me anyway. Tska baka kasama naman niya si Kuya Rylle.

I fell asleep wondering what to tell mom tomorrow. Sick? I dont know...

Zzzzzzzzzzzz
.
.
.
.
.
.
.
.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Ginising ako ng tahol ng aso at pag dila nito sa pisngi ko... si Choco lang pala... hays... gutom na baby? Sa two weeks na nakaraan lumaki siya at mas naging sanay sa paligid ng bahay. Alam na rin nila mommy at daddy at ayun... wapakels. Ok lang daw basta ako ang mag aalaga. I was cool with it. Them... acting like they dont care. Highly doubt it since they were the one who volunteered to buy his Collar.

Bumangon na ako... excited tong chow ko eh.

9:00 am na. Oh great. Wasn't planning to go to school anyway. Tinignan ko yung night stand ko at nakita kong may note...

Galing kay ate...

'Bunso! Hay ano ba yan! Tulog mantika ka kasi eh! Ayan tuloy di ka naka pasok. Sorry na kung pumasok ako ng kwarto mo ng walang paalam! Hihi!'

Siguro namumula na ako sa galit? ALAM NAMAN NIYANG HINDI AKO NAGPAPAPASOK NG TAO SA KWARTO KO! Tinuloy ko ang pagbabasa...

'Tska bunso alam mo bang break na kami ng bestfriend mo? Hays... nalaman ko kasing may iba na. kwento ko nalang sayo pag uwi ko tska hihihi! may nanliligaw na sakin. Haha 2 weeks na rin. Papakilala ko sana siya sayo kagabi eh kaso wala ka. Anyways, pagaling! Di mo naman sinabi na may lagnat ka pala! May iniwan si mommy na gamot. Tubig? Sa ref mo nalang tignan. Bangon na ha? Labya! Mwah!'

Kala mo naman ang sweet... pero sa totoong buhay sobrang cold! Hmmph! 
Pero teka... may lagnat pala ako? Hmmm...

Tska may nanliligaw na agad kay ate? HUWEHHHHH? May magkakagusto dun sa empaktang yun besides kay best? HIMALA!  Pero Ano ba yan wala na sila ni Miko! how sad.

 Pero Naku po ano pong sacrifce binigay ni ate sa kung anong god or goddess at may napa-ibig siya? Hahahaha. Ay bad. -- ^ --

Lumabas na ako at pinakain mga aso namin. Ako na nagvolunteer para makaluto na si manang kahit na may sakit ako...

Kesa naman humiga ako? Mas lalo lang akong manghihina.

Matapos magpakain pinaliguan ko na rin sila... sa rubber swimmingpool nila. Nakakatamad kaya!

Pero nag enjoy ako! Iba talaga pag aso eh... especially pag dog lover ka!

Pinatuyo ko yung balahibo nila gamit yung hairblower nila. Social eh... may personal hairblower. I dont mind naman hahaha.

Pagkatapos nun, medyo nagparamdam na yung sakit ng ulo ko... nanghihina ako...

Tumaas na ako. May naka prepare na lugaw sa may table ko. Napangiti naman ako nang may note doon galing kay manang.

'Ikaw bata ka, wag ka nang magpagod. Pinagbigyan lang kita pero last na yun anak ha? Pagaling ka!'

Awww sweet talaga ni manang. Kaya mahal ko yan eh! Biruin mo simula pagkabata, kami na kaya magkakasama niyan pati na rin sila ate at kuya.

Nerd By Day, DJ By NightWhere stories live. Discover now