KARL REYES' POINT OF VIEW
"Nakakainis. Nakakainiiiisss!" sigaw ko pagka-BALIBAG ko ng pinto ng kwarto ko. Oo, BALIBAG. Pano ko nasabing pagka-balibag at hindi pagkasara? Ganito 'yan.. pag-masaya o di kaya ay nasa good mood ka, pagkasara/isasara ang tamang gamitin na word. Pero, pagnaiinis, nagagalit, o di kaya ay nasa bad mood ka.. pagka-balibag/ibabalibag ang dapat na gamitin.
So, ayun nga.. sumigaw ako pagka-BALIBAG ko ng pinto ng kwarto ko. Take note: nakapasok na ako sa loob ng kwarto ko. Alangan namang ibabalibag ko na yung pinto kung bubuksan ko palang para pumasok? Abnormal lang gagawa 'nun. Ikaw, subukan mo kaya?
Enough of silliness and craziness. Hindi ako mahilig magpatawa. Si Niel lang ang mahilig pagpatawa. Si Nathaniel Canavan na sinigiwan ako. Kauna-unahang taong sinigawan ako. Ang sakit lang isipin na isa pa sa mga katropa mo pa yung unang taong sisigawan ka. Sabi ko nga.. ANG SAKIT SA HEART!
Kinuha ko nalang yung traveling bag ko at nagsimula na akong mag-impake. I CAN'T TAKE IT! Sasama nalang ako pag-uwi sa Pilipinas. At pagkatapos 'nun, hindi ko na sila papansinin. Never, ever!
Hindi ko na iisipin at kokonsensyahin yung sarili ko na sayang naman ang Ireland, ang weather, ang mga tourists spots, ang mga parks, lahat. Lahat ng 'yon! Sinasayang ko lang ang oras ko kakaisip. Walang kwenta!
HINABLOT ko na yung mga damit ko at ipinasok ang lahat ng 'yon sa loob ng traveling bag ko. Oo, HINABLOT. Wag ka nang magtanong kung bakit hinablot ang gusto kong gamitin sa pangungusap ko. AKIN 'yun eh! Kaya ako rin 'yung magdedesisyon kung anong mga salita yung gagamitin ko sa mga sentence ko.
Pagkatapos kong maipasok lahat ng mga damit at gamit ko sa loob ng traveling bag ko (No worries.. malaki yung traveling bag ko), bigla namang tumunong yung cell phone ko. Kumbaga, nag-ring.
"Hello?" medyo kalmado kong sagot. Hindi ko na nakita kung sino yung tumawag sa screen ng cell phone ko kasi wala na akong panahon para tignan 'yon! Basta sinagot ko nalang.
Pero hindi ko inaasahan na tumawag SIYA. Hindi ko talaga inaasahan na siya ay tumawag. At SAAKIN pa! After 2 months. AFTER 2 MONTHS, TSAKA LANG SIYA NAGPARAMDAM! Ano ba talaga ang nangyayari sa Earth? Sa kabilang direksyon na ba talaga umiikot? Ngayon, hindi lang HEART ang sumasakit sa akin, pati na din ulo!
"Karl, ikaw ba 'yan? Long time no see, ah." bati nya saakin. Long time no see talaga, huh? Eh hindi pa nga kami nagkikita after 2 months atsaka ngayon!
"Nick, alam mo bang hindi pa nga tayo nagkikita? Tapos 'long time no see' sasabihin mo saakin? Nakakausap pa lang kita ngayon. Hindi mo 'ko nakikita, hindi din kita nakikita. After 2 months tsaka ka lang magpaparamdam? Diba ang mga multo nagpaparamdam kaagad pagkatapos ilibing?" sabi ko nalang sakanya. Wala akong sa mood para makipag-usap sa iba. In short, wrong timing sya.
"Okay, okay. Sorry! SORRY. PASENSYA. Busy lang kami ni--" pinutol ko na siya. Wrong timing talaga siya eh. Anong magagawa ko?
Kaya bago pa niya makwento saakin ang EXCUSE o DAHILAN nya kung bakit sya hindi nagparamdam after 2 months, binabaan ko na siya. Wala akong sinabing salita bago ko siya babaan, basta binabaan ko nalang siya ng telepono.
Sabihin nyo na akong bastos, walang manners, walang galang o kahit ano pa man 'yan. Basta ang sasabihin ko lang sainyo na...
IISA LANG ANG IBIG SABIHIN NG MGA TINATAWAG NYO SAAKIN!
Ang mas malala pa...
PINAGANDA NYO PA!
~~
MARA SCHATZ' POINT OF VIEW
"Sorry for disturbing you guys, but we need to go na talaga. Time's running quickly! Hurry up!" sabi ko sakanila. Sasakay na kasi kami ng van ni Kuya Brian papuntang airport. Gabi na rin at syempre, ano pa ang aasahan kapag gabi na? MALAMIG.
"Do we need to go home so quickly? I'm still not feeling well pa eh." tanong naman saakin ni Kaitlyn. Yeah, may sakit pa nga siya. Kasi nga diba kanina lang siya nagkasakit?
"Sorry dear, but we need to." sagot ko nalang sakanya. Kitang-kita mo naman kasi sa mukha nya na may sakit talaga siya. Aww..
"Hop, hop, hop!" sigaw pa ni Grainne. Tsaka nga pala, nag-disappear nalang daw 'tong bigla si Grainne kanina? Alam nyo kung paano ko nalaman? Sinabi kasi saakin ni Aine. Tawa kaya kami ng tawa. Kasi hindi naman pala na-sandwich o di kaya ay nag-disaapear si Grainne, pumunta lang siya sa kwarto ko.
Alam nyo kung ano ang ginawa nya sa kwarto ko? Pumunta lang sya ng CR. At hindi lang 'yun, hindi pa ako pinansin! Dire-diretso lang sya papunta sa CR! Snob lang?
"I will miss yooou!" sabay yakap ni Jane kay Grainne nung makasakay na siya ng van. Yumakap naman pabalik si Grainne. Infairness, hindi na snob. Kami kasi yung halos naka-bonding ni Grainne habang nasa hotel kami. Kaming mga girls.
"I'll miss you toooo! But, please, don't squish me." sabi pa ni Grainne kay Jane.
Tumawa pa sila. Alam ko namang nakakatawa MEDYO 'yung sinabi ni Grainne. Pero bakit ganun? Hindi ako natawa? NEVER MIND ABOUT IT!
"Uy, Marz? Bakit ka nakatulala dyan? Nagagaya ka na ata kay Kaitlyn. Sakay naaa.."
I was like: "What the --? Ako nalang pala yung hinihintay nilang makasakay sa van! Uso naman sigurong magparamdam na ako nalang 'yung hinihintay noh?"
Pero sa utak ko lang 'yon sinabi. Baka mabuko ako eh.
Sumakay na nga ako sa van at isinarado ko na yung pinto. Ngayon ko lang napansin na nasa loob na din ng van si Karl at Elijah. Nasa harap sila nakaupo sa tabi ng driver's seat. Kanina kasi "missing" sila.
Tapos ang ipinagtaka ko pa, bakit hindi na nagpapansinan ang aming mga victims? At pagsinabing victims, sina Kaitlyn at Elijah? Pati narin sina Karl at Sabine? Well, si Karl hindi kami LAHAT pinapansin. Kaya hindi na ako magtataka kung hindi nya rin papansinin si Sab. Pero bakit yung aming mga victims?!
I guess, this will be the start.
Start of something new? Shut up. Ano 'yon, High School Musical? Gabriella and Troy? Tsh.
Basta, this will be the start. Not start of something new, but the start of our story.
Our REAL story.
Without him.
Without Denver.
I guess. But who knows?!
~~
Actually, I can smell the DEAD END ALREADY. Maghanda na kayong mag-evacuate! LOL.
And here it goes, FIRST CAMEO! Palakpakan natin si Nick Abraham..
Abangan kung magiging dahilan sya para LALONG magkagulo-gulo ang tropa. MAGIGING DAHILAN nga ba o TUTULUNGAN ang tropa?
Who knows?! (Ginaya ko lang line ni Mara xP)
Maagang thank you nga pala sa mga readers na nagbabasa ng storyang ito. Massive thanks!
Keep the faith. Spread the love. ONE LOVE
*:SeventeenthGirl:*

BINABASA MO ANG
Don't Let Me Go // KathQuen
FanfikceMailalatag ba ng tropa ang lovestory nila Elijah at Kaitlyn? Malalagpasan ba nila ang mga problemang mailalahad ni Tadhana? May mabubuo nga bang MGA lovestory sa daan? O, wala? Paano kung nadamay pa ang tropa at nagkahiwa-hiwalay pa sila? Seventeent...