"Aray! Ano ba!"
Reklamo ni Carlos sa akin. Kanina ko pa kasi pinipilipit ang tenga nito.
"Cellphone ko." Walang gana kong sabi sa kanya.
"Eto na, eto na oh!"
"Galit ka?"
Tanong ko saka dahan-dahang inalis ang kamay ko sa tenga nya.
"Hindi naman. Eh sabi ng tinitingnan ko lang kung may bagong playlist ka, tapos bigla- bigla kana lang nanghaharass dyan.." Maktol pa nito.Aba't loko talaga to ah.
I just glared at him. Buti nalang may utak din 'to kaya kaagad na nakuha nya kung anong nais kong ipahiwatig at unti-unti ng tumahimik. O siguro ay kilala nya lang talaga ugali ko."Hehe.. peace, joke lang yun."
Di ko na lang sya pinansin at tiningnan nalang ang phone ko. Sino ba namang di maiinis sa letseng to, kanina ko pa hinahanap phone ko tapos kinuha niya lang pala nang di man lang nagpaalam? Tapos kung makareklamo parang bakla. Tsk.
I tap on my music app saka nilabas yung earphone at saka yun na. Alam nyo naman siguro kung anong ginagawa sa earphones diba? I choose my SS playlist then close my eyes at saka sumandal sa upuan. Bwisit lang kasi walang extrang upuan na pwede kong patungan ng paa. Dagdag ginhawa rin yun eh.Ooopss,
May nakalimutan ata ako. Di pa yata ako nagpakilala.
Tsk. Nakakabagot naman yun. Sensya na, tamad lang talaga akong magpakilala. Malalaman nyo rin naman maya-maya. Wala lang talaga akong paki-alam sa kung anuman ang pangalan ng bawat taong nakakasalamuha ko o kung alam ba nila o hindi ang pangalan ko. Pabor nga yung maliit lang nakakakilala sa akin, para malayo sa kung anumang mga ingay. I just wanna be in a place where I could think and do what i want freely. Nakatapos nga ako ng ilang sem na ultimo pangalan ng barkada ko di ko alam at yung iba, di ko na matandaan.
Okay siguro magbibigay nalang ako ng ibang detalye tungkol sa akin. Taga- Pilipinas ako, halata naman diba. Dito rin ako nag-aaral, kung saang school, ewan, di ko sasabihin, nakakainis yung eskwelahan ko, sarap lagyan ng nuclear bomb para kung sasabog, kumpleto lahat. Walang maiiwan. Third year student na ako. Education ang course ko at kung bakit yun ang pinili ko, di ko rin alam, basta ang alam ko, Education is my most forbidden course and field. Pero eto, naka- third year na ako sa pinakasumpa- sumpa kong kurso.Letse talaga.
Tapos itong kasama kong si Carlos, ewan, ibang estorya na kung paano kami nagkakilala nito. Nakakatamad talagang magkwento. Tsk.
Pag lumapit 'to, alam ko na kung ano ang gusto, cellphone ko, saka hahanap ng bagong download at ise-share-it sa phone nya. Pareho kaming mahilig sa musika kaya siguro napagti-tiyagaan ko ang isang 'to. We both love Secondhand Serenade, We The Kings, Owl City, The Script, Imagine Dragons, at E.T.C. And when I say, etc, kasama na dyan yung ibang songs nung di pa kami pinanganak pareho.Marami pang mga estudyanteng lumalapit sa akin pero hindi ko kilala, nagpapakilala naman sila pero wala lang talaga akong balak isaulo mga pangalan nila. Nagtataka lang ako minsan kung ba't lapitin ako, hindi ko naman sila kinikibo pag nasa harap ko na. Di naman sa mahiyain ako o mapili ng taong kakaibiganin pero parang wala lang talaga ako sa mood para makipagplastikan sa kanila. Kaya yung ibang lumalapit sa akin ay di ko na nakikita. Again. Pabor yun sa akin. Walang problema.
😪😪😪😪😪😪😪😪😪😪😪😪.
Sorry, inaantok akong magkwento.. Mamaya ko na itutuloy at eto na naman..😪😪😪..
Buti nalang nadala ko earphone ko, nasa classroom kasi ako, walang teacher kaya as usual, ang ingay. Wala akong pakialam dun basta dala ko phone at earphone ko at saka paborito kong kanta. Mag- gyera pa sila kung gusto nila basta wag lang akong isama. Tiyak naman na di nila ako isasali. Dahil alam na nila ang mangyayari kung idadawit nila ako sa kalokohan nila.
Teka lang, matutulog nga pala ako, at muntik ko ng makalimutan na may katabi pala ako kanina pa, makasilip nga saglit,Bwisit talaga tong impaktong 'to.
Sarap na sarap sa tulog ang loko. Lagi nalang akong nauunahan. Saan na naman kaya 'to nagsusuot kagabi, ba't parang ang laki ng kulang sa tulog. Bago ako umidlip ay bumunot ako ng limang grano ng buhok niya, di naman siguro masakit yun. Di rin naman nya iisipin na ako may gawa nun kasi kilala naman nya ako, and he knew that I hate childlish acts. Kawawa naman..
***~~~***
Waiting for your call I'm sick,
Call I'm angry, call I'm desperate for your voice
Listening to the song we used to sing in the car,
Do you remember, butterfly early summer, it's playing on repeat, just like when we would meet,
Like when we would meet.Cause I was born to tell you I love you
And I am torn to do what I have to
To make you mine, stay with me tonight..Naalimpungatan ako ng may biglang humablot ng earphones ko.
Patay ka talaga kung sino ka mang nang-isturbo ng tulog ko.
Bwisit!I force my eyes to open and in my blurry vision, I see my bestfriend, Shara, glaring at me with her hands on her hips.
"Chresulyte Suarez! I swear kung hindi ka pa babangon dyan, bubuhusan na kita ng tubig."
Oh shit! Damn that name. Ang ingay mo talagang babae ka,
"I could kill you."
"Duh."
Damn.
The bitch just rolled her eyes on me.
And by the way, that was my name she was calling for a while ago.
Nakakadiri diba??
------------------------------------------
Hey guys, it's my first book. I just write because of boredom. So if you add this in your library, it's up to you.
Thank you and I love you.
~AIKO
YOU ARE READING
Bitterness Is Survival
Mystery / ThrillerPain. Pain. And more pains. They're the reasons why we became bitter and numb. How do you live with your pains as your shadow? Have you ended up enjoying and busying yourself at anything thinking that at least it would ease the pain? Or have you eve...