Tred's POV
"Tred!! Naku kang bata ka talaga.... Bumangon ka na nga jan at baka mahuli ka sa klase mo..,"ani ni Nanang Lucilda.
Si Nanang Lucilda.. sya ang matagal nang kasambahay ng pamilya namin... parte na sya ng pamilya kaya naman hindi na sya iba sa amin.. sya ang nagpalaki sakin dahil ang ama't ina ko ay busy sa kani-kanilang mga trabaho..
"Ito na po.. babangon na,"
At kahit na antok na antok pa ko dahil sa puyat.. pinilit ko pading bumangon.. kahit tinatamad ako...
Ginawa ko na ang mga dapat kong gawin... magsipilyo, maligo, ayos ng sarili.. magbihis...
Paglabas ko ng room ko, nakita kong hindi nakasara ng maayos ang kwarto ng kuya ko...
Nakita ko syang busy sa pagtatype sa harap ng laptop nya..
Napabuntong-hininga na lamang ako at bumaba...
"Goodmorning ijo!," masayang bati sa akin ni Nanang Lucilda pagkapasok ko palang sa may dining room
Nginitian ko lamang sya...
"Kamusta naman ang tulog mo? Maayos naman ba? Naku naku. Heto at kumain ka na at baka mahuli ka sa klase..,"sabi ni Nanang matapos bigyan ako ng pang umagahan.
"Maayos naman po,"sagot ko
Minsan naiisip ko... bakit kaya hindi na lamang si Nanang ang naging tunay kong ina? Sa kanya ko lang naman kasi nararanasan ang pagiging isang tunay na anak..
Ng patapos na akong kumain...may narinig akong mga yabag mula sa likod ko...
"Hmmm. Ohhh. So ito pala ang unang araw ng klase mo sa 2nd year high? Hmm.. pagbutihin mo ang pag-aaral mo.. ba't hindi ka gumaya sa kuya mong hindi nasasayang ang pambayad sa tuition nya dahil consistent 1st honor----
Agad akong tumayo dahil tapos na akong kumain. Hindi ko na pinatapos sa pagsasalita ang dakila kong pangalawang ama...
"Aba't. Hoy bata ka. Hindi pa ko tapos---
"Nanang alis na po ako,"huling sabi ko at umalis na mula sa bahay na yon..
Ganoon lagi ang senaryo sa bahay namin. Tuwing naabutan ako ng stepdad ko, lagi nya akong binubungangaan. Nasan c Mom? Nagtatrabaho.
Kinuha ko ang big bike ko at ginamit yun papuntang school.
×Velasquez International School×
Pagkababa ko pa lamang ng big bike ko, narinig ko na agad ang bulungan ng mga students na hindi ko na lamang pinansin...
Tumingin ako sa wristwatch ako ay napansin kong hindi pa naman pala ako late sa klase... meron pa akong 20 mins.
Hindi ko na sinayang yon. At napagdesisyunan na lamang na pumunta sa may bulletin board dahil doon nakapaskil kung saang room ang mga students.
Matapos kong malaman kung saang room ako nakalista ay agad akong tumungo roon..
Malayo pa lang ay narinig ko na ang sigaw ng isang babae..
"LIKE SERIOUSLY GUYS?! KAKLASE NATEN C TRED! OMG!,"
"REALLY?!!!!!,"sigaw ng isa pang babae
"YESSSSSSS~~~,"sagot ng isa pang babae
"WAAAAAAAH!,"tilian nila
Tssss. Girls will always be girls.Tsk.Tsk.
Nang maka pasok ako sa room.. nanahimik muli ang lahat na tila ba ay walang nangyari...
That's right. Better obey the rule or you'll be dead.
BINABASA MO ANG
The Protagonist and the Antagonist
Teen FictionIn every story, the Protagonist is the one who always win over the antagonist.. And also they say that "The one who fall inlove first, is the loser" Then who will lose? Is it the Protagonist? Or the Antagonist? Let's find it out!