Si Gago at si Gaga(one shot)

5.4K 71 4
                                    

Lalaki ako, magandang lalaki. Natural sa akin ang pagiging mayabang, mapagmalaki at mapilit. Alam mong hindi mawawala ang kagustuhan kong laging magpasikat, magpaastig at magmalaki. Kaya wag ka sanang magtatampo kung hindi ako nakikinig, hindi naniniwala at hindi sumusunod sa mga paalala mo.

Hindi ko naman sinasabing wag kang magalit alam kong napupuno ka na at nagsasawa din kaya nga ganito tayo ngayon.

Friday:

Lumapit ako sa Mommy mo. I was asking for help. Pero nakalimutan ko, ikaw nga pala ang anak nya natural din na ikaw ang kampihan nya. Nung araw na yon umuwi ako. Gulung gulo at nag iisa.

Saturday:

Bumalik ako para magsorry, this time dumeretso na ako sayo. Naisip ko kasi kung hihingi man ako ng tawad dapat sayo diba? at hindi ko na kailangang humingi ng tulong sa iba, kasi nga ako naman nagkamali hindi sila. Ang kaso mukang matindi talaga ang galit mo. I'm sorry. Tinignan mo lang ako.

Sunday:

Syempre hindi pa ako sumusuko. Why would I? Heto ako, nanaman, sa harap ng bahay nyo. Papasok palang ako hinarang na ko ng mommy mo. She does'nt want to talk to you. Aray ko ang sakit naman noon.

Bago kita makilala alam mong ganito na ako. Magulo at happy go lucky. Ginagawa ko kung ano ang gusto ko, puro sugod wala ng isip isip.

Wala naman akong nasasaktan, wala namang nadadamay. Ginagawa ko 'to kase masaya, bago sa akin at di ko pa na subok. I want something for a change. Alam mong ganyan ako. Adventurous, risk taker.

Alam mo kung gaano ako ka passionate sa mga big bikes, motors, sports cars and racing cars. They were my happiness, until you said. Stop driving.But how? I've been doing these all my life. Hindi ko kayang magbago ng ganun ganun na lang. Paano ba? Ang hirap naman kase.

You're insane. Siguro nga baliw na ako para sayo. Masaya ako pag nasa alanganin ang buhay ko, I enjoy it everytime I'm in danger. Pero di ba nga sira ulo talaga ko. And that just made me a lunatic you're looking for.

I maybe crazy but it's all because of you. Tapos gusto mo akong magbago? hindi ba parang huli na, parang ang hirap na. Kakayanin ko pa ba?

Naaalala mo pa ba kung pano tayo nagkakilala? nakita kita sa ilalim ng puno sa isang park. Nakaupo ka sa electric chair mo, mag isa, nakatanaw sa mga batang nagtatakbuhan at naghahabulan. Sabi ko noon, siguro ang lungkot mo, hindi mo magawa ang lahat ng gusto mo. Kaya lumapit ako.

At first you were so stiff, so cold. Tapos nag joke ako. At dahil nga gago ako dirty jokes ang ginamit ko. Naaalala mo pa ba kung paano kita unti unting napatawa? Ako kase tandang tanda ko pa.

Alam ko kung gaano ka nangungulila sa isang lalaki sa buhay mo. Sa kalagayan mo nga naman syempre naiintindihan ko. I offered myself, just take me as I am.

Siguro nga gago ako, sira ulo, baliw... Pero tandaan mo. Mahal kita. Mahal na mahal. I may be insane but I'm only crazy for you. I love you more than words can say. And I hate to admit it but you're may be right.

Siguro nga nasobrahan na ako. Kung sabagay sabi ko nga buong buhay ko na 'tong ginagawa, naexperience ko na kahit paano. Hindi ko naman sinabing ikakamatay ko kung hindi ko na magawa, ang sinabi ko lang naman mahihirapan ako.

I can change. I can change everything if that's the only way that I can be with you. Mahihirapan ako oo, pero mas di ko naman kakayanin kung IKAW ang mawawala. So please baby, please come back to me.

Sorry na, makikinig na ako. Susundin na kita, maniniwala na ako sayo basta lang patawarin mo na ko. Basta lang bumalik ka na. Basta lang mahalin mo ako.. ulit...

Monday:

Siguro nag sasawa ka na kase eto nanaman ako, sa harap ng bahay nyo. Hindi man ako makapasok, pwede na din dito sa labas. I'll wait for you. Hihintayin ko hanggang kaya mo na, hanggang sa maniwala kana. Hanggang sa tanggap mo na.

Teusday:

Nakakangawit din pala yung ganito. Ilang araw na din akong nakatayo, ang sakit sa paa. Ngayon ko narerealize siguro nga tama ka talaga. Ang tanga ko lang ngayon ko lang naisip. Nawala ka pa tuloy sakin.

Wenesday:

Malakas ang ulan, balita ko nga may bagyo daw. Ano naman kung bagyuhin ako ang mahalaga maabangan kita. Kahit isang silip lang. Isang silip lang pwede na.

Thursday:

Baka magtaka ka wala ako sa bahay nyo. Wag mong isiping suko na ko ha?Absent lang ako ngayon kasi naman. Peste yung bagyo, nilagnat tuloy ako. Nakakatawa, tao nga din pala ako nagkakasakit, nasasaktan. Pasensya na kung nakalimutan ko yun dati. Akala ko kasi ako si Superman. But dont worry bukas na bukas din babalik na ako, bukas mangungulit uli. Bukas may tanga uli sa labas ng bahay nyo.

Friday:

Akalain mo pang isang linggo na 'to. First time ko 'to. Sabagay lahat naman first time ko sayo. First time magpaka gago, first time magpaka tanga. Konting ayos pa sa buhok, ayan ready na. Binuksan ko yung pinto. Andun ka pala.

Hinila mo ang kwelyo ko, yumakap ka sakin. "Gago ka,may isa kang absent, anong nangyari sayo? suko ka na agad? ganun na lang? wala ka pala eh, ang weak mo."Natawa ako kase ang panget mo palang umiyak.

Niyakap din kita. Yung mahigpit na mahigpit. "Gago nga ako, buti di mo pa nakakalimutan. Gago ako, kaya sana pagtiyagaan mo nalang.cAlam mo naman, sayo lang naman ako nagpaka gago. Kaya kasalanan mo din 'to gaga  ka."

---THE END---

♥♡♥

Si Gago at si Gaga(one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon