𝚏𝚘𝚛𝚝𝚢 - 𝚝𝚠𝚘

192 9 0
                                    

┗━━━━━━━ helen ━━━━━━━┓

𝚗𝚘𝚟𝚎𝚖𝚋𝚎𝚛 𝟻, 𝚖𝚘𝚗𝚍𝚊𝚢, 𝟹:𝟹𝟶 𝚙.𝚖.

On my way out of the main building, tinawag ako ni Paris. Galing siya sa cafeteria kasi kumakain pa siya ng fries na nasa paper cup. Inalok niya ako pagkalapit niya, but I declined kasi busog pa ako and wala akong masyadong gana today.

Kakagaling ko lang sa OT. Kumuha lang ako ng copies ng draft na sinusulat ng writer namin for our manga so we could draw the panels na. Sabi ko kay Gwen, ako na lang ang kukuha para hindi niya na makita si Kyo or si Yui. Wala naman sila pareho doon pagdating ko.

"Sa'n punta mo?" Paris asked. He never mentioned that dare na pinagawa sa kanya noong swimming the whole day kaya nakahinga ako nang maluwag kasi kadiring isipin. Iba talaga ang nagagawa ng maraming alak, you would lose all the care in the world. And we were friends so wala rin namang malisya talaga.

"Sa fountain. Gwen's waiting for me there."

He nodded and popped two fries into his mouth. After swallowing his food, nagsalita na siya ulit. "Malala away no'ng dalawa. Uuwi na rin si Kyo, eh. Maglalaro dapat kami."

"DOTA?"

"Oo. Eh nakakatamad na rin. Wala si Shishi. Nakila Kuya Clark, nag-iinom."

"I have to text Dee," I said and brought out my phone. The last text I received from her was noong sinabi niya na wala sa Kapisanan and sa garden si Shishi, so pupunta raw siya sa condo through the shortcut. "Papunta na siya sa condo ni Shishi, eh. Wala siyang aabutan dun."

Tumango lang ulit siya pero nakatingin siya sa malayo. "Pabalikin mo na lang. Uwi kamo muna siya sa kanila or sa inyo. Baka nando'n ex niya sa kanila, eh."

"Kaya nga, eh. Nakakainis. Nag-transfer pa talaga. Sinabi na yun ng mom ni Dee sa kanya dati but we thought na threat lang yun and nananakot lang kasi we're halfway through the school year na, eh. Ngayon lang siya nag-transfer. Ngayon pa na sila Shishi and Dee na."

"Panget nga ng timing," he agreed.

"Okay lang ba kayo ni Shishi?"

"Hmm? Oo. Nakainom lang yun kaya gano'n kaninang umaga. Rindido na tapos sinabayan pa ng ex ni Dee. Ayun. Dobleng bad trip."

"I thought nag-away rin kayo, eh."

He chuckled. "Nah. Wala na yun sa'min."

"Sa inyo as a whole. Pero sa'yo?"

"Ikaw, lagi mong pinu-push 'yan. Tulak kita pababa ng hagdan, eh."

Tumawa na lang ako. Ang hirap nang mainis kay Paris kasi sanay na rin ako sa mga pinagsasasabi niya palagi. "May sinabi ba sa'yo si Kyo? About sa away nila ni Gwen?"

"Ah, oo, meron," sabi niya na parang ngayon niya lang naalala na ikukwento niya talaga yun. He crumpled the paper cup and sucked his fingers na may cheese crumbs. "Kasama nila si Jiro, lumabas silang tatlo nila Yui pagkatapos ng dinner. Tamang catch up lang. Nag-stroll lang sila saglit. Pero hindi sila magkatabi sa back seat ni Yui, nilinaw niya yun sa'min. Pagbaba nila sa convenience store, biglang hinimatay si Yui."

"What?"

"Tahimik na raw si Yui during dinner nila, eh. Kaya raw nagyakag si Jiro na mag-stroll para i-cheer up kasi akala nila 'di pa rin maka-move on sa performance. Maling note kasi nalagyan ni Yui ng first finger niya sa sobrang kaba. Pero nakabawi naman daw."

"Why would she be nervous kung ang dami niya nang nasalihan na competitions?" I said skeptically. "She's performed in a lot of concerts na rin, 'di ba. Duh, first chair."

Dominika (Pale As Dead I) | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon