Kapwa Acquano sina Triton at Serafina pero magkaiba ang uri na kanilang pinagmulan. Si Triton ay mula sa angkan ng mga Merluso, ang lahing namumuno sa Acquatica habang si Serafina naman ay isang Bagna, ang pinakamababang uri ng mga sirena. Gayonman ay hindi naging hadlang iyon para maging magkaibigan sila, isang pagkakaibigang lingid sa kaalaman ng buong kahariang pinamumunuan ni Luciano, ang ama ni Triton.
Isang araw, habang namamasyal ang magkaibigan ay nasundan sila ng isang Acquano. Dahil doon ay nagmadaling lumangoy ang dalawa upang tumakas, walang tiyak na direksiyon, hanggang sa napadpad sila sa lupa. Hindi sinasadyang nagkahiwalay ang landas ng magkaibigang Acquano, si Serafina ay napulot ng isang mangingisda habang si Triton naman ay natagpuang walang malay sa dalampasigan ng isang mayamang lalaki.
Pitong taon ang lumipas at muling nagsanga ang landas ng dalawa. Si Serafina ngayon ay ang makulit na si Serah na habang si Triton naman ay ang suplado at kumibo-diling si Wayde. Sa kanilang pagtatagpo ay isang panibagong mundo ang kanilang kinalalagyan pero tulad sa Acquatica, langit at lupa pa rin ang pagitan ng dalawa. Matupad kaya nila ang kanilang pangako na hindi lilimot sa isa't-isa kung kahit anino lang ni Serah ay binabaltik na sa inis ang supladitong si Wayde? Paano niya makukumbinsing maniwala ang guwapong lalaki kung mas gusto siya nitong dalhin sa mental hospital kaysa makinig sa mga kuwento niya tungkol sa kaharian ng Acquatica?
'Acquatica, or whatever you call it, does notexist and so are the mermaids! Hindi rin ako sireno kaya ipasok mo 'yan sa utak mong napakakulit!'
BINABASA MO ANG
Triton and the Tales of Aquatica
Fantasy'Aquatica, or whatever you call it, does not exist and so are the mermaids! Hindi rin ako sireno kaya ipasok mo 'yan sa utak mong napakakulit!'