Yugto ng pagkakakilala

14 0 0
                                    

Fiesta noon sa bayan ng Taysan, si Ann isang 2nd year highschool student kasama ang kaklase nya na si Iza at ang pinsan nito na si Tzie ay pumunta sa bahay ng mga Felitino.

Si Ann na kasalukayang sumasandok ng makakaen ay biglang napatingin sa may hagdanan, "Uy, Iza! Diba si Bibbo yun?". "Hindi ah,pinsan ko yan si Jb.". Si Bibbo na tinutukoy ni Ann ay ang kanyang crush simula pa nung 1st year sila.

Tinawag ni Iza ang kanyang pinsan na si Jb upang makipagkilala kay Ann, napatingin lang sya at dumeretso ng pag-akyat sa hagdan. "Ann, nahihiya lang yun makipagkilala sayo... Pero yaan mo ipapakilala kita sakanya"

Lumipas ang ilang araw. Sa school habang lunch break nina Ann ay lumapit si Iza at may hawak na maliit na litrato sa kanyang kamay. "Ann, nakausap ko na nga pala si Jb. Saka eto oh binigay nya number nya, isinulat nya dito sa likod ng picture nya. Ibinigay ko na rin pala number mo sakanya" Namula ang pisngi ni Ann na taglay ng pagiging maputi nya. Nakaramdam sya ng halong kaba at saya.

Pagkauwe nya ng bahay, napag isip isip nya na tama ba kung sasagutin nya ang mga text na nareceive nya galing kay JB? Napagtanto nya na wala namang masama kaya nagreply sya.

JB's text message:

Hi! Ako nga pala si JB yung nakita mo nung fiesta sa Felitino. Binigay sakin ng pinsan ko na si Iza etong number mo. Okay lang ba na makipagkaibigan sayo?

Ann's reply:
Ah, ganun ba. Osige.

Hiyang hiya pa din si Ann.

Pagkatapos ng ilang araw na pagpapalitan ng mensahe, nagkaroon ulit sila ng pagkakataon upang magkita sa tulong nina Iza at Tzie. Kumaen sila sa lomian ng Taysan kung saan eto ang pinakapatok na patok sa kanilang lugar.

Pagkatapos kumaen, kinuhanan ni Tzie si Ann at si JB ng litrato. Halos hindi sila magtabi man lang dahil may nanatiling hiya padin sa isa't isa.

Pagkauwe nila, hindi maintindihan ni Ann ang kanyang nararamdaman. Sapagkat ito ay may halong saya, kilig, at kaba. Malabo pa rin sa isip nya kung bakit ganun ang nararamdaman ng kanyang damdamin.


Lumipas ang ilang linggo hanggang umabot sa isang buwan.....

Naging mas malalim pa ang samahan nina JB at Ann, dahil na din ito sa tulong nina Iza at Tzie.

Kinalaunan umakyat na ng ligaw at iminungkahi na ni Jay ang kanyang tunay na nararamdaman para kay Ann.

JB's text message:
"Ann, may aaminin ako sayo. Pero sana wag kang magalit. At kung ano man ang magiging sagot mo sa tanong ko, ay irerespeto ko.

Ann's reply:
Ano ba un? Sabihin mo na kase.

JB:
"Sa totoo lang kase Ann, iba na ang nararamdaman ko para sayo. Hindi lang isang kaibigan, kundi mas higit pa dun. Kung maaari sana na hayaan mo ko na ipahayag ang pagmamahal ko sayo. Handa akong maghintay.

Ann:
"Lakas ng trip mo Jay! Sa tagal na naten magkakilala bigla mong sasabihin yan? Kaya pala tuwing magkasama tayo sobra mo kong inaalagaan. Lage mo din ako pinapaalalahanan na akala ko ay sadyang ugali mo lang. Yun pala may nararamdaman ka na para sakin

JB:
Oo Ann tama ka. Lumipas ang mas matagal na maga araw na magkasama tayo. Narealize ko na gustong gusto kitang alagaan protektahan at bigyan ng halaga,dahil dito sa puso ko nakahanap ako ng dahilan na ang katulad mo ay ang syang gustong ibigin ng puso ko.

Si Ann napaisip muna at napasabe "Napakatalinhaga naman magsalita nito, talaga bang seryoso sya?"

---> END of Chap 1

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 01, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Pag ibig na malupitWhere stories live. Discover now