SANA'Y AKO NA LANG Simula pa noon ay naging matalik na magkakaibigan na sina Arkin,Chi,at Jefferson. Hindi biro ang pinagsamahan ng tatlo kung kaya't ganoon na lang ang tibay ng kanilang samahan. Ngunit nanganganib yung mabuwag nang dahil lang sa pag-ibig.Will they let love rule over them or just let it slipped away?CHAPTER 1:Panay ang ngiti ni Chi habang nakaupo sa isang malaking bato sa tapat ng kanilang bahay, at para bang isang di mapalagay na kiti-kiti. Nangunot ang noo ni Jefferson o Jepot sa mga malalapit na kaibigan, nang makita ang una na panay ang hagikgik. Unti-unti ay lumapit siya sa likod ni Chi at .."Bang!" sundot ni Jepot sa pisngi ng kaibigan nang lumingon ito nang mapansing merong ibang tao."Panira ka naman eh! Nagmo-moment yung tao tapos bigla ka nalang .." nguso ni Chi."Eh,ano ba kasing nangyayari sayo? Para kang sinapian nang kiti-kiti diyan ah?" taas-kilay naming sabi ng kaharap."Sekretong malupet!" sabay tawa ni Chi. "Halika na nga, kanina pa ako naghihintay sa'yo ah, male-late na tayo oh?" dugtong nito at tumingin sa relong pambisig.Nagkamot-ulo naman ang binata, at luminga-linga. "Asan na ba kasi si Arkin?""Oh,ayan na pala eh" turo ni Chi sa paparating na si Arkin."Tara,guys!" sabi nito,at nagsimula nang maglakad patungo sa school nila. Sumunod naman ang dalawa. Mga ilang metro lang kasi ang layo niyon kaya mas pinili nalang nilang maglakad para makatipid sa pamasahe. Araw-araw nilang ginagawa yun kung hindi man umuulan. Sila na talaga ang parating magkasama. Magkaibigan na kasi sila at magkapitbahay simula pa noong elementarya. Kahit nga mga magulang nila'y malalapit rin sa isa't isa. Kilalang-kilala na nila ang likaw ng bituka ng bawat isa. At ngayon nga'y nasa highshool na sila. Si Chi ay third year at sina Arkin at Jepot naman ay parehong nasa fourth year sa pinapasukang paaralan."Ah,Chi!" tawag ni Arkin nang magkahiwa-hiwalay na silang tatlo para pumasok sa kanilang room. Bigla ay lumapit uli ang binata sa kaibigan."Pahiram muna ng ballpen oh,nawala nga pala kasi yung sakin eh. Hindi pa ako nakakabili ulit. Isasauli ko mamaya,pramis" nakataas-kamay pa ang isang kamay nito tanda ng panunumpa.Ngumisi si Chi "Ikaw naman,kahit di mo na isauli. Para namang hindi tayo magkaibigan niyan eh" tapos ay kinuha nito ang bolpen sa bulsa ng sariling bag at iniabot agad iyon sa kaharap.Ngayon lang nakakita si Jepot ng ganoong klaseng ngiti mula kay Chi. Pati mga mata nito ay palaging nakangiti na para nang walang bukas. Blooming? Hmm, hindi nalang niya binigyang pansin iyon at sakto namang nag-ring ang bell kaya nagmadali na ang tatlo patungo sa kani-kanilang silid-aralan.
Nagkatinginan sina Tammy at Mika, at panay ang kunot ng noo , mga kaklase ni Chi. Kanina pa kasi palaging ngumingiting mag-isa ang huli kung kaya't ganoon nalang ang reaksyon ng dalawa. Tinabihan siya ng dalawa, recess nung mga oras na iyon kaya libre silang makipag-tsismisan.
"Tsk tsk. Delikado na 'tong isang 'to." Sabi ni Mika.
"Oo nga! May sira na atang ulo nito eh" nakatawa naming dugtong ni Tammy.
Bigla ay napalingon si Chi sa dalawa at bahagyang napasimangot.
"Alam mo Chi,baka hindi mo lang napapansin ah? Pero para ka nang luka-luka diyan" si Mika. "Ano ba kasing ini-ngisi-ngisi mo diyan?"
Tumungo ang dalaga na para bang nahihiya. "Alam niyo kasi girls, parang .. parang inlab na yata ako eh"
Napamulagat ang dalawa at niyugyog ang balikat niya " Kanino? Sabihin mo na sa'min dali!" sabay pa nitong sabi.
Ibinulong naman iyon ni Chi sa mga ito at lumaki ang mga mata nito pagkatapos. Sumenyas ang una na huwag iyong ibanggit sa iba.
"Eh pero paano iyon. Diba matagal na kayong magkaibigan?" si Tammy.
KANINA pa nagpabaling-baling si Chi sa kanyang higaan. Hindi pa rin matanggal sa isipan niya ang sinabi sa kanya ni Tammy. Kung hindi lang sana hadlang ang pagkakaibigan, disin sana'y matagal na niya iyong sinabi sa itinatangi. Hindi niya alam kung saan o kung paano. Basta isang araw, pag-gising niya'y naramdaman nalang niya ang hindi maipaliwanag na saya. Bigla nalang itong mas lalong gumwapo sa paningin niya, na ang sa totoo'y para namang walang nagbago dito. Kumpleto na ang araw niya, masilayan lang ang binata. Noong una'y, palagi niyang itinatanggi sa sarili na isang paghanga lang ang kanyang naramdaman, pero nitong mga huling araw ay tanggap na niyang isa iyong pag-ibig. Ang kanyang unang pag-ibig.
Matagal na silang magkaibigan ni Arkin pero ayaw niyang masira iyon kung saali mang wala itong pagtangi para sa kanya. Tiyak,magugulo ang sitwasyon. Tapos aabot pa sa puntong magkaka-ilangan sila, tapos malalayo ang loob sa isa't isa. Tapos .. Ah! Ang daming tanong na sumulpot sa utak niya. Kinuha nalang niya ang librong nasa side table at binasa iyon para makatulog. Ngunit hindi pa rin siya dinadalaw ng antok.
Lumabas siya ng kwarto at tumungo sa kusina para ipagtimpla ang sarili ng gatas. Ganoon talaga siya kapag hindi nakakatulog. Iinumin na sana niya ang gatas ng makarinig ng kaluskos sa labas ng kanilang bahay. Pagsilip niya sa bintana ay may kung anong anino na naglalakad dahilan para siya'y kabahan. Pero biglang naglaho iyon at may kung anong bagay ang bumagsak.
Dagli siyang lumabas ng bahay para tingnan kung ano iyong nakita niya. Sigurado siyang malapit lang sa bahay nila naglaho ang anino. Pinagpapawisan siya habang mahinang binuksan ang gate. Madilim-dilim sa labas kaya wala siyang nakita at huminga nang malalim. Baka guni-guni lang niya iyon. Papasok na sana siya nang may kung anong bagay ang pumulupot sa paa niya. Ibubuka na niya ang bibig ngunit natigil nang makitang meron nga palang tao. Sigurado siyang lasing ito dahil sa amoy palang nito.
Nang mapagsino iyon ay ganoon na lang ang kanyang pagtataka. Si Arkin. Hindi nito ugali ang uminom. Sigurado siyang may problema ito, pero hindi nito sinasabi sa kanila. Masayang-masaya pa nga ito ng makita niya sa eskwelahan. Pero ano ito ngayon?
Tumingin siya sa loob ng kanilang bahay. Nahihimbing sa pagtulog ang mga taong naroon. Napabuga siya ng hangin. Mukhang dadalhin pa niyang mag-isa ang mokong. Tinapik niya ang pisngi nito.
"Arkin. Hoy! Gumising ka nga diyan. Naman oh, di mo pa ata kilala kung anong kama eh"
Umungol lang ito. "Patay" kagat-labi ni Chi.
SHE was fond of gazing him. Habang dinadampi niya ang basang bimpo sa mukha nito'y hindi niya mapigilang damhin iyon, na para bang inukit iyon ng isang napakagaling na iskultor. Bumaba ang kamay niya sa maninipis na labi nito.
"Isa lang pramis" bulong ni Chi. Lumunok muna siya at dahan-dahang inilapit ang mukha dito. Binigyan niya nang mabilis na halik ang labi nito. Ngumiti siya pagkatapos. Naalimpungatan si Arkin at umungol ito. Bumukas ang mga mata nito at nakita siya. Matinding kaba ang naramdaman ng dalaga, kinabig siya ni Arkin at ikinulong ang mukha niya sa mga maiinit na kamay nito. Ngumiti ito kay Chi, at ..
Hindi niya maipaliwanag ang sensasyong dulot ng halik na iyon. It was her official first kiss at kahit pa nga iyon ang pinaka-una'y sigurado siyang magaling talaga itong humali. Hindi niya alam kung sino ang bumitaw. Kahit hindi na magkadikit ang kanilang mga labi ay parang nanatili pa rin iyong nakadikit sa kanya. Ah. Ganiyan pala ang first kiss at masaya siyang ito ang unang nakahalik sa kanya. Walang pagsidlan ang kanyang saya.
Inangat ni Arkin ang isang kamay sa kanyang mukha. His eyes were half open. "Lexy,bakit?" parang hirap na hirap pa nitong sabi.
Para siyang binuhusan ng nagyeyelong tubig. Hinalikan siya nito pero iba pala ang nasa isip nito? At sino si Lexy? Wala siyang alam na may girlfriend ito sa ngayon,oo may mga nagugustuhan si Arkin pero ngayon lang niya ito nakita ng ganoon. Nasasaktan ito, siguro nga'y mahal na mahal nito iyon. Iniisip pa lang niya iyo'y para nang sinaksak ang puso niya.
Tumayo si Chi at humarap sa bintana. Doo'y pinalaya ang mga luha. Buti nalang at nakatulog ulit si Arkin. Hindi pa nga nagsisimula ang laban pero mukhang talo na siya.
BINABASA MO ANG
Sanay ako na lang
RandomSANA'Y AKO NA LANGSimula pa noon ay naging matalik na magkakaibigan na sina Arkin,Chi,at Jefferson