written by:
Jace Christine Arquina (LexoriousStar)
***
Mahal kita kahit may mahal ka na
At kahit magtagal pa kayo, ikaw lang at walang iba
Ramdam ko man kung gaano mo siya kamahal,
Kahit kailan hinding-hindi ko yon malalamangan.
Ang pagmamahal mo na buong-buo
Langit ang siyang pinaparamdam mo
Dahil sa mahal mo siyang talaga
Romansa ang siyang pinaparamdam mo sa kanya.
Iingatan ang pinangakong taglay
Na siyang iyong iingatan hanggang sa ika'y mamatay.
Eto naman ako, nakatanga sa alapaap
Nakatulala at iniisip ka na parang pangarap.
Cherry mobile na cellphone ang hawak ko
Iniintay ang group message mo.
Namamatay na ako sa sakit na nararamdaman ko
Aalis na ako para makalimutan ang pakiramdam ko para sa'yo. </3
