CHAPTER 8 – Drink ‘til We’re Gone
Zelo’s POV:
Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko nang masinag ng araw ang mukha mo. Tangina! Ang sakit ng ulo ko. Parang binibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit. Kinusot-kusot ko muna ang mga mata ko habang naghihikab bago ko tignan ang orasan na nakasabit sa pader.
9:00 am na pala. May klase pa kami! Importante pa ba yun? May hangover ako at wala rin naman talaga kaming balak pumasok. Nakakabwisit lang sa paaralang yun!
Bumangon na ako sa pagkakahiga ko at para namang umikot ang buong mundo ko. Lecheng hangover yan! Napahawak na lang ako sa ulo ko. Naupo muna ako at pumikit muna saglit. Pagkamulat ko ng mga mata ko, bumungad sa akin ang mga bote ng alak na pakalat-kalat lang sa sahig.
At ngayon ko lang din napansin kung saan ako nakatulog kagabi. Sa sala.
“O-oy! M-meron pa ba?" Agad akong napalingon sa nagsalita. Nakita ko si Cassadee na nagkakamot ng ulo habang may iwinawagayway na bote ng alak. Napangisi na lang ako habang umiiling-iling. Ang tindi din talaga ng babaeng to e, ayaw pang magpapigil sa pag-inom. Dinaig pa kami!
Hindi ko nga alam kung gaano karami ang nainom kagabi. Basta ang alam mo lang, lasing na lasing ako at sobrang sakit ng ulo ko!
"T-tara bili pa tayo."
Napalingon na naman ako sa nagsalita at nakita ko naman si Zico na parang tangang nakangiti mag-isa habang sinisimot ang boteng wala ng lama. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napatawa na talaga ako. Leche! Ang sarap videohan ni gago. Pamblackmail din sa kanya to. Kukuhanan ko n asana siya ng video nang mapansin kong tumayo siya sa pwesto niya at pagewang-gewang na lumapit sa akin.
Nagulat na lang ako nang bigla niyang inagaw sa akin yung cellphone ko at ibinato sa kung saan. Gago talaga to! Nasa tamang pag-iisip pa pala. Sayang! At pucha lang, kabibili ko lang nung cellphone ko na yun e! Hinila niya ako patayo at inakbayan.
“Hoy gagong Zico! Saan mo naman ako dadalahin? Wag mo sabihing nagagaya ka sa pinsan mo tuwing lasing! Tangina, hindi tayo talo ah.” Sigaw ko kay Zico na nakangiti lang habang naglalakad kami palabas ng bahay. Ang sakit pa rin ng ulo ko. Tangina talaga! Parang ayoko na tuloy uminom ulit.
“Tangina mo! Gaya mo pa ko sa baklang yun. Asa ka pre! Ang pangit mo para mabakla ako sayo. Hahahaha! Manahimik ka na lang dyan. Ang ingay mo eh! Bumili ka pa ng alak dun! Dali!” Sigaw sa akin ni Zico at saka ako binatukan. Tignan mo tong gagong to! Mag-uutos na lang may kasama pang batok. Sapakin ko to, eh! Napansin kong lumabas din pala si Cassadee at lumapit sa amin.
Nagulat na lang kami ni Zico nang bigla niya kaming hinila. Para kaming mga tangang pagewang-gewang na naglalakad sa kalsada papunta sa pinakamalapit na tindahan. Mga hayok sa alak kasi tong dalawang to, eh!
Nang makarating kami sa tapat ng isang tindahan, agad kaming tinaboy-taboy nung tindera dahil nga mga bangag pa rin hanggang ngayon tong dalawang kasama ko. At dahil nga may sapi pa rin ng alak, imbis na umalis lalo kaming nagpumilit pumasok.
Inalis ni Cassadee ang pagkaka-akbay ko sa kanya at saka itinulak yung matandang tindera hanggang sa matumba sa tabi ng basurahan. Tawa naman kami ng tawa ni Zico sa ginawa niya. Lakas din ng sayad nito ni Cassadee pag nakainom e! Pumasok kami sa loob at binuksan ang mga alak na nakadisplay at saka tinungga.
Ni hindi nga namin alam na nakasunod pala sa amin sina Chase at Amber. Kinuha nila ang kung anu-anong pagkain na meron dun sa tindahan. Kumuha din sila ng ilang pack ng sigarilyo tsaka kami naupo sa isang tabi, tawa ng tawa.
Nagkaroon tuloy ng part two yung inuman namin kagabi ng di oras. Napansin naman namin na nakatayo sa isang tabi yung tindera habang pinagmamasdan kami. Kitang- kita namin ang takot sa mukha niya. Tinawanan lang namin siya at saka siya dali-daling tumakbo papalayo. Walang kwenta!
Kung anu-ano pang ginawa namin dun at saka kinuha ang kung anong mga mapapakinabangan namin. Hindi kami nauubusan ng tawa. Siguro kung ibang tao ang titingin sa amin, iisipin nila na mga nakadroga kami.
Napalingon naman kami nang sumigaw-sigaw yung kaninang tindera. Ano naman kayang problema netong matandang to? Sigaw lang siya ng sigaw dun hanggang sa dumating ang mga pulis sa likuran niya. Tangina!
Nagkatinginan naman kaming lima at saka nagtawanan.
Mukhang makakadalaw na naman kami sa kulungan ah? Ilang buwan na rin ang nakakaraan simula nung huling tapak namin dun. Pang-ilang beses na nga ba namin napunta dun? Haaay! Hindi ko na alam.
--------------------------------------------------------------------------------
Bloodwood Academy ©2013 All Rights Reserved
YOU ARE READING
Bloodwood Academy: Behave Or Die
Mystery / ThrillerBloodwood Academy #1: Behave Or Die Limang magkakaibigan. Isang misteryosong paaralan. Ano kayang mangyayari sa kanila? May pagbabago bang magaganap sa kanila sa pananatili nila sa Bloodwood Academy? "The remedy is worse than the disease..."