9 - The Police station

1K 33 0
                                    

CHAPTER 9 – The Police Station

Amber’s POV:

Ilang oras na ba ang nakakalipas? Isa, dalawa o tatlong oras na ata kaming nandito sa istasyon ng pulis. Ewan! Basta kanina pa kami nandito. Leche kasing sumbungerang matandang yun, eh! Nakakainis lang.

Tumba pa rin kanina sina Knight nang sumunod kaming dalawa ni Chase sa tatlong ugok na e. Napahawak ako sa ulo ko. Fuck! Ngayon ko pa lang nararamdaman ang sobrang sakit ng ulo. Leche. Parang umiikot ang buong paningin ko. Ang pinaka-ayaw ko sa lahat tuwing umiinom. HANGOVER!

"Coffee?"

 Napatingin ako sa nagsalita. Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ng babaeng pulis na may hawak-hawak na isang tasa ng kape. Tinignan ko lang siya at saka umiling-iling.

“Hmm. So, estudyante pala kayo ng Bloodwood Academy…”

Naagaw naman ng isa pang pulis ang atensyon ko. Nakataas ang isang kilay ko habang tinitignan siya. Umiiling-iling lang siya habang pinagmamasdan ang kung ano mang laman nung puting folder na hawak niya.

Ano pa bang gagawin nila sa amin at ayaw pa nila kaming paalisin dito?

Sobrang sakit na talaga ng ulo ko. Uwing-uwi na ako! Gusto ko na humilata sa kama ko magdamag.

Tumayo na ako at isa-isang nilapitan para gisingin. Kainis! Ang hina naman ng mga tong uminom at himbing na himbing sila ngayon sa pagtulog. 

“Mabuti naman at naisipan nyo ng gumising.” Bungad ng isang pulos na kararating lang. May hawak-hawak siyang puting folder habang papalapit sa amin. “Hindi ba dapat ganitong oras nasa school kayo? Anong ginagawa niyo?”

“It’s really none of your business, mister. Just let us go. Gusto na naming magpahinga.” Inis kong sagot sa kanya. Nakahawak lang ang isang kamay ko sa ulo ko habang ang isa naman ay nakahawak sa upuan ko pang-alalay. Para akong tutumba kahit anong oras sa sobrang hilo.

 “Hinay-hinay ka lang sa pananalita mo, bata.” Napangisi na lang ako sa sinabi niya. Siraulo ba siya? Sino siya sa inaakala niya?

"Gusto na naming umuwi." Biglang sabi ni Chase habang naghihikab.

"Well, sorry to tell you pero hindi pa talaga kayo pwedeng umuwi."

"Pauwiin mo na sila." Sabat naman ng isa pang pulis. Pinaglololoko ba kami ng mga gagong to?!

3rd person’s POV:

Agad silang umuwi sa tinutuluyan nila nang payagan silang makaalis ng mga pulis. Pare-pareho silang mga pagod at hilong-hilo dahil sa mga nainom nila. Pagkarating nila sa bahay, wala ng nag-atubili pang kumain at mag-ayos ng sarili at dumiretso na lang sila sa kani-kanilang kwarto para makapagpahinga.

Bloodwood Academy, 8:30 a.m.

Dahil wala naman silang ibang gagawin, naisipan na lang nilang pumasok sa klase. Pagkarating nila sa tapat ng Bloodwood Academy ay nakasara na ang malaking gate nito kaya isa-isa silang umakyat doon para makapasok sa loob. Hindi nila napansin na nakatingin pala sa kanila sa di kalayuan ang isa sa mga student council na si Maxine. Lumapit ito sa kanila nang makapasok sila sa loob.

Ibang-iba ang aura ni Maxine nang makalapit ito sa kanila. Hindi na ito katulad ng dati na hinding-hindi mawawalan ng matamis na ngiti sa labi sa tuwing lumalapit sa kanila. Napakaseryoso ng mukha nito ngayon at paniguradong kikilabutan ka sa mga tingin niya.

"Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo?" Bungad ni Maxine pagkalapit na pagkalapit nito kina Chase.

"Anong sa tingin mong ginagawa namin? Edi papasok sa klase. Wag tanga, dear." Pabalik na tanong naman ni Cassadee habang nakapameywang kay Maxine. Walang kaemo-emosyong tinignan ni Maxine si Cassadee na para bang namatayan samantalang gulung-gulo naman sina Cassadee sa inaasal nito ngayon.

"Kayo..." Biglang sabi ni Maxine. "Nalaman naming nasa istasyon kayo ng pulis dahil nanggulo at nagnakaw kayo ng kung anu-ano sa tindahan. Tama ba?"

"Wow! Ang bilis nga namang kumalat ng balita. Well yes, it’s true. What’s the big deal?” Simpleng sagot ni Zico habang nakangisi. Hindi sila sinagot ni Maxine at tinignan lang sila ng seryoso. Inakbayan naman siya ni Chase na inaya na papasok sa klase at iniwan mag-isa si Maxine.

Chase’s POV:

Naglalakad kami ngayon sa hallway at napansin naman namin na nakatingin sa amin ang ibang estudyante na para bang ngayon lang nila kami nakita o baka dahil alam na din nila yung ginawa namin kagabi? Ang bilis nga naman kumalat ng balita. Kakaiba.

"Anong tinitingin tingin niyo dyan? Gusto niyong dukutin ko mga mata niyo?!" Sigaw ni Amber sa isang grupo nang estudyante na nadaanan namin.

Ano ba namang problema ng mga siraulong to? Anong meron sa mga tingin nilang yan? Nakakabwisit lang sila. Ngayon lang ba sila nakakita ng mga estudyanteng tulad namin? Mga estudyanteng walang ibang ginawa kundi ang sumuway sa mga patakaran? Tangina ha! Wala silang pakialam sa kung anong gusto naming gawin sa buhay namin. 

At tulad ng dati naming gawain, hindi kami pumasok sa klase at tumambay na lang sa lobby. Wala namang masyadong taong tumatambay dito dahil nga masyado silang natatakot sa mga student councils ng Bloodwood Academy kaya nandun sila sa mga classroom. Nag-aaral. Mga tanga! Hindi nila alam na minamanipula na sila. Tss!

Nanatili lang kami dun at nagkwentuhan ng kung anu-ano.

Napatingin naman ako sa hawak-hawak kong sigarilyo at biglang pumasok sa utak ko sina Aldave. Pag-uwi namin sa bahay, wala na sila e. Hindi pa rin namin sila nakikita ngayon. Nasaan na kaya ang mga yun?

--------------------------------------------------------------------------------

Bloodwood Academy  ©2013 All Rights Reserved

Bloodwood Academy: Behave Or DieWhere stories live. Discover now