10 - Let the game begin

1.2K 34 0
                                    

CHAPTER 10 – Let the Game Begin

3rd person’s POV:

Naglalakad sina Cassadee sa hallway nang makita niya sina Knight na masayang nagkukwentuhan. Napahinto siya sa paglalakad at tinitigan lang sila.

"Ayun pala sila eh." Sabi ni Amber sa tabi niya.

Napatingin lang si Cassadee kay Amber at ibinalik ang mga tingin niya kina Knight. Nakita naman siya ito at dali-dali siyang kinawayan kaya napangiti na lang siya at kumaway din kina Knight.

"Sa tingin ko gusto ka ni Knight." 

 “I don’t think so. What makes you think na magkakagusto si Knight sa isang bitch na tulad ko?” Napatawa na lang at napailing-iling si Amber dahil sa sinabi niya. Nagkwentuhan pa silang dalawa at hindi nila alam na may mga matang nagmamasid sa kanilang dalawa.

Tawa lang ng tawa sina Amber at Cassadee nang biglang mahagip ng mga mata ni Amber si Venom na napakaseryoso ng mukha. Natigil ang tawanan nila nang mapansing papalapit sa kinaroonan nilang dalawa si Venom.

"Ano na naman bang kailangan mo?" Inis na sabi ni Cassadee nang makalapit ito sa kanila. Inilagay lang ni Venom ang mga kamay niya sa bulsa ng pantalon niya at ibinaling ang mga tingin sa dalawa. Walang kahit anong emosyong makikita sa mga mata nito kaya napataas lang ng kilay ang dalawa.

"Anong tinitingin tingin mo dyan?!" Bulong ni Amber habang hawak hawak ang kwelyo ni Venom. Kay Amber na ngayon nakatingin ang walang emosyong mga mata ni Venom. Inalis niya ang isang kamay sa bulsa at hinawakan ang kamay ni Amber para maalis ang pagkakahawak nito sa kanya.

Hindi makapaniwala si Cassadee sa ginawa ni Venom pero hindi niya ito ipinahalata. Napangisi lang siya at pinatunog ang mga kamao. "Tough guy, huh?"

Inayos lang ni Venom ang kwelyo niya at iniwan na sila nang wala man lang sinasabi.

"WALA KA PA LANG KWENTA! DUWAG!" Sigaw ni Cassadee sa papalayong si Venom. Napahinga na lang ng malalim si Amber. Tinapik tapik niya ang balikat ng kaibigan para patigilin at inaya nang umalis. Papalabas na sana sila ng Bloodwood University nang makita nila si Zelo kasama sina KD.

"Hey girls!" Bati ni KD sa dalawa. Agad namang napalingon sa kanila si Knight.

"H-hi girls. Hi Cass!" Imbis na sumagot ay nginitian lang siya ni Cassadee. 

"Anyways, balita ko nanggulo kayo sa isang tindahan diyan sa kabilang kanto nung isang araw ah?" Pagbubukas ng usapan ni Ryanne habang nakatingin kina Amber at Cassadee. Napatawa na lang ng malakas si Zelo nang maalala ang mga ginawa nila. Nagkibit-balikat lang si Amber na naupo sa tabi ni Zelo na tawa pa rin ng tawa habang naupo na rin si Cassadee sa tabi ni Knight. 

"Nasaan nga pala sina Chase at Zico?" Pagtatanong na naman ni Ryanne.

"Ewan pero hayaan mo na yun. Nandyan lang yung dalawa sa tabi-tabi." Sagot ni Zelo at umakbay kay Amber. 

"Napansin niyong bang parang naging seryoso na yung mga walang kwentang student council simula kaninang umaga?" Biglang tanong ni Knight habang nakatingin sa paligid.

"Baka naman wala sila sa mood ngayon. Yaan mo sila."

"Hindi kaya dahil sa inyo?" Tanong ni KD sa kanila. Nagpalitan naman ng tingin sina Zelo, Amber at Cassadee nang marinig nila ang sinabi ni KD.

Bloodwood Academy: Behave Or DieWhere stories live. Discover now