Point Of View:
-Eyn Krishnel C. Ford-
Simula nung sabihin ni Fierce na wag ko siyang isusuko. Mas naging matatag ako. Mas lumakas yung loob ko na kayanin lahat ng sakit na nararansan ko. Dahil alam ko sa sitwasyong 'to, hindi lang ako ang nasasaktan. Pati si Fierce nasasaktan siya. Pare pareho kaming nahihirapan.
Nung gabing nagpunta siya samin, sinabi niya lahat lahat. Nalaman ko na may sakit si Jillian. Hindi siya basta sakit. Jillian is dying. Yun pala yung nilihim sakin ng barkada. Pero ngayong alam ko na, mas kailangan kong maging maunawain.
Hindi ako madamot.
Nagpapakamartyr lang ako.
Hinahayaan kong may makishare sa boyfriend ko.
Mabait ako diba?
Ha-ha-ha. Ang sakit parin.
May kahati ako sa boyfriend ko.
Pero okay na rin ako sa ganito, kaysa sa wala akong kaalam alam. Ang mahalaga naman ngayon eh yung alam kong ako lang ang mahal niya, at mahalaga ako sakanya.
Minsan pa nga, napakaloko naman ni Saichi. Bakit daw ang tagal mamatay ni Jillian, ang tagal ko daw tuloy mahirapan. Kung pwede daw siyang pumatay pinatay niya na si Jillian. Ewan ko ba dito ang sama ng ugali, tsk. Ang init init pa ng dugo kay Jillian, wala namang ginagawang masama sakanya.
"Psst. Babu, nandito na tayo. Tss. Tulala nanaman?"
"Ay sorry babu, lika na sa loob."
Ngumiti siya. Nandito kami ngayon sa airport. Mag-iisang buwan na rin nung nalaman ko ang lahat. Sapat na rin siguro ang isang buwan na dinamayan ako nitong si Folex. Kailangang kailangan na siya sa Japan. Nahihiya na nga ako eh. Sobra pa sa sobra ang pag-aalaga at pagaalaga niya sakin.
Tama lang 'tong magpunta na siya don. Masyado ko na siyang naabala, masyado ko na siyang nadamay sa sitwasyon ko. Maraming mga fans niya na ang nakamiss sakanya. Haaay. Ang baet ni Folex sobra.
"Sigurado kang kaya mo na ha babu? Pag hindi pa, hindi talaga ako aalis."
Nginusuan ko siya. Ang sweet sweet eh. Ang itim na tuloy ng mga mata niya. Pag puyat ako, mas puyat siya. Haaay Folex.
"Opo kaya ko na. Promise! Honesto." tinaas ko pa yung kanang kamay ko.
Tapos bigla niya nalang akong niyakap. Niyakap ko din siya.
"Matagal pa ulit bago tayo magkita. Ingat ka ha. Wag mo papabayaan sarili mo. Patay sakin si Fierce pag sinaktan ka. Tsk. Sabihin mo rin bilis bilisan ang pagsabi kay Jillian na girlfriend ka na niya. Hindi habang buhay kakayanin mong makipagshare sakanya ng kung anong meron ka. Haay Eyn."
BINABASA MO ANG
Ako? Inlove sa gago? [Unexpected Love Revised Version]
RomanceBakit sa lahat ng gago, sa'yo pa?