Ngayong Kapiling Kang Muli

7 0 0
                                    

Boses ni Libeth: Ako po si Libeth. Isang dalagitang hinahabul- habol ng lalaki. Kahit saan mang kuweba akong pumasok, sunud- sunuran parin akin si Randy. Ewan ko ba kung bakit niya ginagawa 'yon? Ang sabi niya, mahal niya raw ako. Iyon lang? Iyon lang ba talaga? Pero para sa akin, nagsisinungaling lang siya. At hindi iyon ang ibig niyang sabihin. Hindi naman siguro baliw ang pag- ibig kung gagawin niya iyon. Ano siya, aso? Araw- araw niyang ginagawa ang pagsunod sa akin. Hanggang sa humantong nalang sa ganitong pagkakataon.

UNANG TAGPO. SA MAY PARK. HAPON.

(Uugong ang malakas na hangin sa paligid. Unang aarangkada sa entablado si Libeth. Susundan siya ni Randy. Kapwa silang maghahabulan sa may park)

Randy: Kailan mo ba ako sasagutin, Libeth? Hirap na hirap na ako sa kakahabol sa puso mo. Sinisid ko na ang kalalimlaliman ng West Philippine Sea kahit maraming chinito ang nakatingin sa akin at inakyat ko narin ang tugatog ng Mount Apo, ano pa ba ang kailangan kong gawin para sagutin mo ako?

(Hihinto ng saglit si Libeth. Hihinto rin si Randy)

Libeth: Ilang beses ko ba dapat sabihin sa iyo na hindi ako nagpapaligaw? Hindi ako nagpapaligaw, narinig mo?

Randy: Oo, narinig ko. Bakit narinig mo rin ba?

Libeth: Narinig ang ano?

Randy: Ang malakas na tibok ng puso kong para lamang sa iyo.

Libeth: Basta, hindi ako nagpapaligaw. Isa pa, huwag mo akong dadalhin ha sa mga pick up lines mong alam kong sa internet mo lang kinuha. Wala kang originality.

Randy: Ako lang ang gumawa nun, Libeth. Saka kung kinuha ko man, sasabihhin ko parin ang reference at hindi ko ipapahayag iyon na parang akin. O ano, sasagutin mo na ako?

Libeth: E, parang ayoko talaga.

Randy: Bakit ayaw mo?

Libeth: Bihira nalang kasi ang mga lalaking matapat sa babae ngayon. Alam kong isa ka don.

Randy: Hindi ka ba nasasayangan sa akin? Bihira nalang din ang mga gwapo sa mundo ngayon, Libeth. Kung bibitawan mo ako, manghihinayang ako sa pagkakataong meron ka para suluhin ako.

Libeth: Hindi pala makapal ang mukha mo ano?Sige na nga. Basta huwag mo akong lokohin ha?

Randy: Bakit may nakita ka ba sa sarili mo na maging dahilan upang gawin ko iyon?

Libeth: Parang wala naman. 

Randy: So, ang ibig sabihin ay sinasagot mo na ako?

Libeth: Ano sa palagay mo?

Randy: Wooooooo!!!

(Tatalun- talon si Randy sa sobrang saya. Sisigaw siya na 'SINAGOT AKO NI LIBETH!'

Boses ni Libeth:

Hindi ko ipinakilala si Randy sa mga magulang ko dahil over- protective sila sa akin. Kung ikaliligaya ko ang pag- ibig namin ni Randy, pwes kabaliktaran ito sa kanila. Kung maari pa ay paghiwalayin nila kami.

Ilang buwan ang nakalipas ay nalaman kong malapit na pala akong maging ina. Nagulat ako at takot na takot.

IKALAWANG TAGPO. SA MAY PARK. GABI.

(Mananatiling nakaupo sa isang upuan sa may park si Randy. Nakangiting lalapit sa kanya si Libeth)

Randy: Ano na ang sasabihin mo?

Libeth: Buntis ako, Randy.

Randy: Huh? Hindi maari.

Libeth: Ano'ng hindi maari? Ibig sabihin ay hindi mo kayang panindigan ang anak natin?Ganon?

Ngayong Kapiling Kang Muli(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon