KUYA
By: August_Rain
"Kuya.. kuya eeeh! akin na yan!" nakakainis! halos mapaus na ako sa kakasigaw.. ayaw pa rin ibigay eh..
"haha.. may diary pa daw sya! ooiiii"
itinakbo ba naman yung diary ko na naiwan ko sa mesa sa kusina.. nagsusulat kasi ako habang nag-aabang ng sinaing na kanin.
"akin na kasi.. sipain kita dyan eh!" sigaw ko habang naghahabulan kami sa sala.
"Helo Diary, nakita ko na naman sya.. destiny ba ito?.. hahaha.." tawang-tawa pa sya habang binabasa yun ng malakas.
"ah! madatnan tayo ni ate Mia.. maririnig nya..nakakahiya, kuya naman eh" mangiyak-ngiyak kung sabi, habol pa rin ako ng habol, pilit na abutin yung dulo ng t-shirt nya.
"haha.. umiyak ka muna!"
"ewan ko sayo.. sige basahin mo lahat yan..dyan ka naman masaya... pakisunog mo na lang pagkatapos.. di ko na kailangan yan, psh! tsismoso." umurong na ako sa kakahabol sa kanya.. sobrang kulit nya.
"oi! wala tayong puspuro.. haha" sige2x tukso pa.. dinilaan ko lang sya, sabay walkout.. at nagkulong sa kwarto..
*tok.tok*
"tse!"
"oi! galit sya"sabi nya mula sa labas
"biro lang yun. Masyado mong sineseryoso" dagdag nya, na parang nanlalambing(?) yung boses.
Di ko sya sinagot.. katok pa rin sya ng katok.. kaya't tinakloban ko yung tainga ko ng unan..
Psh! parang di na ako nasanay.. ganyan naman talaga sya lage, simula nung nandito yan.. actually, di ko sya biological brother. Anak sya ng close family friend namin. Nirerentahan nya yung isang kwarto dito sa bahay. 3rd yr. college na sya, at 1st yr. college naman ako, same kami ng university na pinapasukan.. kaya ayan.. sabay kaming pumapasok at umuuwi. Medyo naging close na rin kami, wala naman kasi akong kuya..as in real brother.
"Yen2x.. sorry na kasi, oh! ito na, diary mo, lalagay ko na lang dito sa paanan ng pintuan.." wow! himala.. na touch sya sa acting ko.
pero di pa rin ako sumagot.
"lumabas ka na dyan.. kakain na tayo! sorry na ulit" pero kahit ganyan yan, may caring side din naman yang loko.. pauto naman ako.
*ggrrroookkk* tiyan ko yan, tumunog.. panira sa acting.. gutom na talaga ako.. kaya no choice kundi lumabas ng kwarto.
paglabas ko, pinulot ko agad yung diary at initsa sa kama ko, at bumungad naman agad yung nakangisi nyang mukha.. kaya't napatawa na rin ako.. ewan ko ba, nawawala yung inis ko, sa ngisi nya..
"galit ka pa?"
"hmp! oo.. pero kinalimutan ko na, kasi gutom na ako.."
"hahaha.. cute mo talaga!" sabay gulo nya sa mahiwagang bangs ko.
"tigil na nga kuya.. kumain na lang tayo.."
"patay gutom talaga 'to.. haha"
"nagmana lang sayo.. bleeh!"
"haha.. o ito, busugin mo sarili mo ha? para tumaba ka!" sabay lapag nya ng plato sa harapan ko, nilagyan nya pa ng kanin at ulam.
"wow! so touching.. thanks kuya! haha" panunukso kung boses
"bumabawi lang.. dahil aawayin pa kita mamaya!"
psh!
------
"Yen2x.. Miko.. alis na ako huh! kayo lang dalawa, wag kayong magloloko. Wag gumawa ng kababalaghan.. aasahan ko yun Miko, haha" reminders ni ate Mia na paulit-ulit.. my only sister.. isa syang nurse. Masyadong maaga yan umaalis, tapos sobrang gabi naman umuuwi.
BINABASA MO ANG
Kuya! Kuya! (One Shot)
Teen FictionKuya! Kuya! Kuya lang ba talaga? Pakiread poh.. comments and I'll follow.. thanks ng marami..