Prologue

26 0 0
                                    

"NEWSFLASH: 3 Members of the famous boy band, The FleshEaters, has been reported to be involved in a car accident. The manager of the group, Neri Alonzo,  still doesn't want to give any statement about what really happe-"
Agad na pinatay ni Travis ang TV ng marinig ang mga yabag ng paa na tila papunta sa direksyon ng private room nila sa isang kilalang ospital.

"Hoy kupal bat mo pinatay?" Nagtatakang tanong ni Geeno na binalikan naman ng matalim na titig ni Travis

"Bobo ka ba? May paparating na tao sa labas. Naririnig ko yung footsteps. Kingina, ang ingay." Sagot ni Travis

"Ulol. Sino naman kaya yan?" Tanong ulit ni Geeno

"Baka isa nanaman yan sa mga chikababes ni Travis?" Natatawang sabat ni Zeke. Agad naman siyang inambaan ni Travis na babatuhin ng remote.

Natahimik ang tatlo ng may kumatok sa pintuan ng kanilang kwarto at biglang namang tumayo ang kanilang manager upang lumapit sa pintuan para silipin kung sino ang nasa labas. Sinenyasan sila ng manager na umayos bago nito dahan dahang binuksan ang pintuan ng kwarto. Sinalubong naman agad siya ng isang babae na mukhang normal. Agad niya namang tinanong ito kung ano ang kailangan.

"Ano pong kailangan nila?" Bungad ng manager sa dalaga

"Magandang araw po. Ako nga po pala si Mandy yung hinire niyo po na part time helper sainyo" bungad ng dalaga

"Ay ikaw pala yan.  Halika, tuloy ka Mandy." Pinapasok niya ang dalaga at tinuro ang mga dapat gawin. Nakatalukbong ang tatlo upang hindi sila makilala ng bagong tanggap na tagalinis.

Mabilis na lumipas ang isang buong magdamag at palubog na ang araw. Inaayos na ni Mandy ang kaniyang mga gamit ng biglang makita niyang bumangon si Travis mula sa pagkakatalukbong. Nanlaki ang mata ng dalaga at halos mapatili ng makita ang miyembro ng sikat na sikat na boyband. Agad naman na tinakpan ni Manager Neri ang kaniyang bibig at tinatanong si Tristan.

"Bakit Tristan? Anong nangyari?"

Napabangon din ang dalawa ng marinig ang tanong ng manager kay Tristan. Lalo namang nangisay sa pagkakilig ang babae ng makita pa ang dalawang miyembro at mahigpit na tinatakpan ni Manager Neri ang kaniyang bibig.

"May shadow. May nararamdaman akong malapit na shadow."

Nagmadali naman si Geeno na gamitin ang kapangyarihang bigyan ng barrier ang kanilang kwarto ngunit huli na dahil pagkasabing pagkasabi nun ni Tristan ay biglaan ding may kumatok sa pintuan ng kwarto nila. Tumindig ang balahibo ni Manager Neri at napatingin ito sa babaeng nasa harapan niya. Sinenyasan niya ito na huwag na huwag magsasalita at huwag ding gagalaw kung hindi ay sasaktan niya ito.

"Geeno, Zeke! Close all the windows and lock it without making any sound at ibaba niyo ang mga kurtina. Travis, isarado at ilock ang pintuan sa veranda. Itext niyo sila Shin na magiingat." utos ng manager sa tatlo

*knock knock knock*

Muli nanaman nilang narinig ang pagkatok. Naguguluhan si Mandy sa mga nangyayari at lalo itong nagulat ng makitang nagibang anyo ang alagang aso pagkapalakpak ni Travis at bigla itong naging isang batang babae. Nanginginig siya at hindi makapaniwala sa nakita. Tinakluban ni Manager Neri ang babae ng kumot upang hindi nito makita ang mga pwedeng mangyari.

"Sino yan?" Tanong ng batang babae habang papalapit sa pinto

"Ako yung hinire niyong helper. Papasukin niyo na po ko." Sagot ng malaking boses ng babae.

Nagkatinginan ang apat ng narinig ang sinabi ng nasa labas. Sinugurado ng bata na nakadouble lock at na kaunting espasyo lang ang magbubukas sa pinto. Pagkabukas niya nito ay agad siyang bumalik sa pagiging aniyong aso.

Mabilis din ang pagpasok ng kamay ng nilalang na animo'y anino dahil sa hugis at kulay. Maliit lang ang espasyo ng pintuan, kaya't kamay lang nito ang nagkasya. Kukunin sana nito ang taong magbubukas ng pinto ngunit nadismaya ito ng makitang ang aso ang kaniyang nadatnan.

"Yung aso niyo lang pala ulit yung andito. Sayang naman akala ko makakakain na ko..." At dahan dahan itong naglaho.

Agad sinarado ng aso ang pinto at nang nawala na ang presensya ng sinasabing shadow ay agad na nakahinga ng maluwag ang tatlo at ang kanilang manager. Nabaling ang atensyon nila sa helper na tulala at di kapaniwala sa mga nakita't narinig.

Nilapitan siya ni Manager Neri at dahan dahang hinaplos ang ulo habang tinatanong "Nakita mo ba ang hindi mo dapat nakita?"

Tumango ang babae. Sinenyasan ni Geeno ang manager at agad nitong ininjectionan ng lason ang dalaga na dahilan ng agaran nitong pagkamatay.

"Ano ba yan manager, papahirapan mo pa kami sa pagdispose niyang kalat na yan eh." Reklamo ni Travis

"Okay lang yan Travis. Sanay naman na kayo jan." Sagot naman ng manager "mas okay nang mamatay siya, kesa kumalat ang hindi dapat malaman ng lahat."...

Hospital Rm. 420Where stories live. Discover now