Chapter Five - Delusions and doubts

72 9 2
                                    

a/n omggg sorry po! dapat kahapon pa 'to pero nakatulog kami hehehez, ito na po! salamat po sa pagbabasa!


Chapter Five

Gwyneth's POV


Dalawang oras at kalahati akong nagpipinta ng pang-background na syempre ay may kinalaman sa Battle of the Bands. Nangangapa-ngapa pa nga 'ko sa una dahil ngayon nalang ulit ako nakahawak sa ganito kalaki at iniisip ko pa ng mabuti kung ano ba ang dapat kong ilagay. Ang lakas ng loob kong mag-volunteer kaya dapat lang na maganda ang kalabasan nito kasi kung hindi, baka wala na 'kong mukhang maihaharap sa student council. Ugh.


"Are you done?" nagulat ako sa boses ni Wesley na nasa likuran ko na pala. Sa nakalipas na mga oras ay hinayaan niya lang ako rito at hindi inistorbo.


"Ah, eh, oo... siguro." nagdadalawang-isip kong sagot dahil 'di ako sigurado kung maganda ba 'yung nagawa ko o ano, at iniabot niya naman sa'kin ang isang bote ng tubig at isang plastic bag na ang laman ay puro chips at crackers.


"Kumain ka muna, alam kong gutom ka na." nagpalit-palit ang tingin ko sa kanyang mukha at sa dala niyang plastic bag.


"Para sa'kin ba 'yan?" sambit ko sabay turo sa hawak-hawak niya. Inilapag ko ang hawak kong paintbrush at napansing medyo madungis na pala ko dahil sa mga pintura. Hahahahaha!


Umupo siya sa'king tabi at hindi pinansin ang tanong ko, "Wow...." bulong niya kaya napalunok naman ako. Ano kayang sasabihin niya? Lalaitin niya ba? Hala, pakilamon na 'ko ng lupa please.


"This, this is so great! How come hindi ka pa nadi-discover diyan sa talent mo? Ang galing, to think na tatlong tao pa ang balak kong pagawin niyan! " papuri niya sa'kin kaya dali-dali naman akong napalagok sa bote ng tubig na ibinigay niya sa'kin.


"S-salamat...." iyon na lamang ang tangi kong nasambit at napangiti ng awkward. Hindi ako sanay na may masyadong pumupuri sa mga sketches o paintings ko dahil hindi ko naman kasi ipinapakita iyon maliban kay Saab.


Ilang minuto pa nag-tagal ang paghanga niya at puro salamat lamang ako ng biglang naputol ang pag-uusap naming dalawa dahil sa isang pasigaw na boses.


"W-What the hell is this?!" shit, ayan nanaman 'yung englisherang palingkera kaya napapikit nalang ako at huminga ng malalim.


Bakit ka pa bumalik! Kala ko pa naman


"My God, I have no words. Wesley, ano ba 'yang nakain mo and you let an outsider do a freaking important job that only members of the student council have the rights to do! Have you lost your mind? What are you even thinking? Umalis lang ako para asikasuhin yung kailangan pang gawin dun sa kabila tapos ito aabutan ko?!" patuloy niya pa sa pagsatsat. Pucha nakakamura 'to ah SHE HAS NO WORDS pa sa lagay na'yan? Pigilan niyo ko, bibigwasan ko talaga 'to.


Babalik-balik ka pa kasi eh! 'Yan naabutan mo pa 'ko! Nung nag-break kasi sila kanina eh yung apat pang estudyante ay bumalik, siya lang ang hindi.

Mayhem In The TranceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon