Final

602 25 10
                                    



I.
Mika Reyes- north girl, 21, gagraduate na ng college, maganda, maputi, matangkad, brainy, saan ka pa? Pero NO JOWA SINCE BIRTH! Saan nga daw ba siya nagkulang? Noong isang araw nga habang nasa retreat sila ng blockmates nila, inabutan siya ng madre ng pamphlet at maging isa na rin daw sa kanila. Naloka siya! Ano? Last resort na ba niya ang pagmamadre? Di pwede! Gusto niya bigyan ng apo magulang niya! Siyempre gusto niya din ng may makakasama for a lifetime. Para naman di siya mag-isang naghihingalo sa hospital when the time comes diba?

Buti pa nga yung best friend niyang si Ara eh, bansot, maitim, pero may boyfriend! Joke lang Ara bebe, kahit maitim at bansot ka black beauty ka naman. Mabait ka pa! Kaya no wonder na-in love sa'yo si Torres. Minsan nga napapaisip na lang si Mika na baka nga destined siya na maging single forever. Lord why?

Isa pa pala sa mga last resort niya ang LoveCupid.com. Madalas si Mika diyan, baka sakaling makilala na niya ang ka-forever niya. Alam niyang weird, hindi effective, pero diba there's nothing wrong in trying. Madami na siyang nakausap pero wala siyang ma-feel eh. Puro friendship ang nahanap niya sa dating website na ito. How ironic ano? Dating website pero kaibigan mga nakilala ni Mika.

"Alam mo Ate Mika, 21 ka pa lang-"

"Oo 21 pa lang ako kaya wag mo akong inaate, Ara. Pwede? Mas matanda lang ako sa'yo ng 1 year, ginagawa mo akong lola kung maka ate ka eh!" mataray na sinabi ni Mika na hindi pinatapos si Ara sa pagsasalita. Natawa naman si Ara at ang isa pa nilang kaibigan na si Kim dito.

"Grabe ka Mika. Hula ko meron ka ngayon?" natatawang tanong ni Kim. "Bad trip na bad trip eh." dagdag ni Kim.

Inirapan lang ni Mika yung dalawa at natawa nanaman si Kim at Ara. "Tigilan niyo akong dalawa kung ayaw niyong pag gugupit gupitin ko kayo!" sabi ni Mika na tinututok kay Kim at Ara yung hawak hawak niyang gunting.

Nasa may field sila ngayon ng university nila at inaayos ang booth ng org nila para sa Star Week ng university kung saan maghahanap ang mga Organizations ng mga bagong recruit. Sa org na ito nagkakilala ang tatlong magkakaibigan noong freshmen pa sila. Pinaka matanda sa kanila si Kim at pinaka bata si Ara. Si Mika ang middle child kuno sa kanila. Yung dalawa may lovelife na, si Mika lang talaga ang matandang dalaga dito. Actually si Kim, binata siya di siya dalaga. Yep, lesbiana si Kim at Mika and Ara doesn't mind. Hello, nasa LGBT na org nga sila eh!

"Anyway Mika-ayan ah wala ng Ate-sinasabi ko lang naman na 21 ka pa lang! Bata ka pa, love can wait! Andiyan lang yan sa paligid mo. Dadating iyan in an unexpected way. Diba Ate Kimmy?" sabi ni Ara at tumango naman si Kim dito.

"Kaya nga! Mikang naman don't rush." sabi ni Kim.

Tumingin si Mika sa kanilang dalawa na may lungkot na nakaukit sa mukha nito. At may mga namumuong luha na sa gilid ng mata niya. "Yabang niyo porket may boyfriend at girlfriend kayo. Wala talagang nagkakagusto sa akin. Tanggap ko naman eh, slight, na magiging matandang dalaga ako. Okay lang. Okay lang talaga.Huhuhu."

Nagtinginan si Ara at Kim. Lumapit silang dalawa kay Mika at niyakap ito. "Ang drama mo friend alam mo yun? Hayaan mo ilalakad kita sa kakilala ko." sabi ni Ara na tumatawa ng mahina habang pinupunasan ni Kim ang mga luha ni Mika.

"Cute cute mo oh! Imposibleng walang nagkakagusto sa'yo girl!" sabi ni Kim habang hawak hawak niya ang magkabilang pisnge ni Mika. "Tama na drama! One day makikilala mo din yun!" Nginitian ni Mika yung dalawa at niyakap niya sila. Hay, ano na lang gagawin ko pag wala itong dalawang ito?



.....


Of Dating Websites & Twins (Kara Fanfic)Where stories live. Discover now