First Story ~
vote
comment
be a fan
--
*krriiiiiiiinggggggg*
"Lunch na tayo." aya ko sa katabi ko habang kinukuha ang bag nya tutal dismissal na. Tinanguan naman nya ko at iniabot na nya ang bag nya sakin. Well, she is my loving girlfriend, Sara Faye Enrique. Legal kami. At one year na kami bukas. Mukha ngang wala syang ka-alam alam eh. Importante pa naman un kasi Anniversary. Hayyyy :(
Pero bahala na. Di na lang rin ako magsasalita tungkol dun. Ang mahalaga mag'one year na kami. Nga pala naglalakad kami ngayon papuntang 7Eleven. Malapit lang kasi un mula dito sa school. halos kaharapan lang.
"My loves, half day lang tayo ngayon right?" tanong ni Sara sakin. Sinagot ko naman sya ng "Yep." with a smile.
Oo nga pala parang nakalimutan kong magpakilala. Nauna ko pa syang ipakilala kaysa sa akin haha XD well, I'm Kurt Axel Cortez. Nag-iisang boyfriend ni Sara baby. :) oh and, 4th year high school na kami. Graduating na.
"Oh ano oorderin mo?" -Sara baby :)
"Kung ano ung sayo, ganun din ung akin." banat ko haha corny xD
"Leche naman tuu. Geh hanap muna tayo upuan." haha sabi nya with matching turning face into red. Kinilig nanaman ang baby ko. <3
"Di ako na maghanap geh order ka na baby." sabi ko sabay abot ng pera. kinuha nya naman agad ung pera sabay order. Schedule ko and libre ngayon. Alternate kasi kami. Gusto nya un eh heheh.
Naglalaro naman akong pou dito sa phone ko habang hinihintay si Sara baby at ung pagkain. At wag nyo isiping bakla ako. Anak anakan na kasi namin to ni Sara. si pou. ay hindi pala. Ang name ng pou namin ay Baby Loves :)
"Oh eto na." haaaayyyy sa wakas makakakain na din ako. ^__^
Tumabi naman sakin si Sara sabay kain din. kain kain lang. Hinawakan ko naman kamay nya.
Pero naiisip ko pa rin ung tungkol sa Anniversary namin. Why is it that it seems she have forgotten. Hayyyyyyy. bahala na. :(( nakakapagtampo pa rin eh. Tapos di sya masyadong nagsasalita ngayon. parang ewan.
Fastforward...
Natapos ang araw na di namin napag-usapan ung tungkol sa kung anung meron bukas. nagkulitan lang kame buong oras na magkasama kame. Inihatid ko na rin sya sa bahay nila. Ang huling sinabi nya lang ay "I love you byee thanks my loves." ayun ung paalis na ko kasi nga hinatid ko sya sa bahay nila.
Pag-uwi ko sa bahay, chinarge ko phone ko. Nalowbat kasi kakalaro ko ng pou. Ineexpect kong may text sya pero wala kahit isa man lang. Eto lang ang araw na di sya nagtext. Ay baka walang load. Hindi eh, nagloload un ung load na pang isang buwan. Hayyyy basta hihintayin ko nalang syang magtext.