A/N: Eto na ang hinihintay mong dedic. Hahaha. Sana magustuhan mo. Chos lang. Alam kong bet mo ang chapter na 'to. Char lang ulit!
------------------------------------------------------
Heat Up
Hindi ko alam kung nasa tamang pag-iisip pa ba ako. Dahil hinayaan ko na naman ang sarili kong bumigay sa kanya. Sabihin man nina Carly na halik lang 'yon. Oo nga at I've experienced to be kissed by anyone. But with Hendrick? I don't know what's with me. It's like my body is betraying me to answer his touch.
“Den? You're spacing out?”
Nilingon ko si Carls na nakataas ang kilay sa akin. Umiling ako sa kanya nakita kong lumingon sya sa likod ko. Nakita ko ang gulat na rumehistro sa mukha nya at pati na rin ang pagsilay ng ngisi sa labi nya.
“What did that Hendrick do in your room?”
Napatangin ako sa kanya na nanlalaki ang mga mata. May halo kasing panunuya ang tanong nya. Iritadong tinitigan ko sya pero lalo sya ngumisi sa inakto ko.
“Why did you ask?”
“He seems like...” ngisi nya.
“What?” I raised my brows while I asked her.
“He was biting his lips and his face was all red. Like he's been kissed or just finished se—” aniya.
Tinakpan ko agad ang bibig nya kahit alam ko namang walang makakarinig sa sinabi nya. Narito kasi kami sa lilim ng puno sa lawa. Niyaya ko kasi silang maligo rito dahil gusto rin nilang magswimming. Isinama rin nila si Hendrick sa pagpunta rito. Hindi na rin naman sya tumanggi dahil sa pagpupumilit ng katabi ko. Dinala ko na rin si Kairo at inaalagaan naman sya ni Kyrie. Dito na rin namin naisipang magover night. Dahil hindi pa raw nila nararanasan na magcamping nang magkakasama. Dinala na rin nila ang inihanda ni Manang na pagkain. Nagdala rin sila ng alak at mga chips.
Tinanggal nya ang pagkakatakip ko sa kanyang bibig at malakas na tumawa. I know that telling her the whole story between Hendrick and I would be a bad idea. Kapag nalaman nya pa ay lalo lamang nya akong aasarin.
“Don't play so innocent, Den. You're well experienced yet you're like a first timer with Hendrick? What? You already fall hard?”
“No! I just don't like being the prey. You know me, I am always a predator.” I told her.
Napasinghap sya sa sinabi ko pero ngumisi lamang sya sa akin.
“Feisty.”
Tumawa sya sa sinabi nya kaya napatawa na rin ako. Nakita kong sabay na lumingon samin sina Blake. Nakita ko ang pagkikibit balikat nila kaya lalong natawa si Carls.
“I'm going to get a dip, Carls.”
Tumayo na ako at tinanggal ang suot kong flannel shirt. Narinig ko pa ang paghiyaw ng kambal lalo na ni Carls sa tabi ko. Mas lalo itong lumakas nang tanggalin ko ang aking pantalon. Now I am on my bikini. Nilingon ko si Carly na ganoon na rin ang ginagawa.
Habang lumulusong sa lawa ay nakaramdam ako ng pagkailang. I know someone's staring at my back. Lumingon ako at tumama ang paningin ko kay Hendrick na nakasandal sa kubo. Magkasiklop ang mga kamay nito na nakapatong naman sa magkabilang tuhod nito. Umiiwas ako sa kanyang paninitig dahil nararamdaman ko na naman ang pagkagulo ng sistema ko.
BINABASA MO ANG
Urielle ( B&D Series #1 )
General Fiction𝙟𝙪𝙨𝙩 𝙖 𝙥𝙚𝙖𝙘𝙚𝙛𝙪𝙡 𝙫𝙖𝙘𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙩𝙪𝙧𝙣𝙚𝙙 𝙞𝙣𝙩𝙤 𝙪𝙣𝙚𝙭𝙥𝙚𝙘𝙩𝙚𝙙 𝙚𝙫𝙚𝙣𝙩𝙨.