short story part 1

7 2 1
                                    

FIRST TIMER TOH!!!!!!!!! ANG BORING, WAG BASAHIN KUNG AYAW!!!
this is based on a TRUE story.
annyeong!
_____________

OH MY GOSH OH MY GOSH! ang gwapo niya... Yung mga hormones ko lumalandi na naman!..nagwawala na ako sa isip ko. Nakakalokang Mata to, bigla nalang lumilinaw pag nakakakita ng gwapo, nag zozoom in with HD pa! But I have to calm myself, pasimple lang akung nagpacute habang naglalakad patungo sa direksyon ng gwapong nilalang na ito.. pero kainis! di man lang niya ako tinapunan ng tingin. Walanghiya! teka! baka naman magulo yung buhok ko? kabababa ko lang ng jeep , tsk. bahala na nga, wala rin namang nakakapansin sakin kahit mag ayos ako. Sa totoo lang, di ako kagandahan, hindi pang head turner ang aura ko, so hindi ko na kailangang mag abalang mag pa Ganda kasi kahit anung ilagay ko sa mukha ko ganun parin. Walang nagbabago, mukha parin ng isang hindi maganda ngunit hindi rin naman pangit na katulad ko.

Sa bagay, di naman ako pumasok ng kolehiyo para magpaganda at lalong lalo ng hindi ako pumasok para magkajowa. baka mamaya niyan sa jowa ko pa isisi ng magulang ko kung bakit ako may bagsak. tsaka di rin naman nila ako papayagang magkaron dahil unahin ko daw muna yung pag-aaral kasi yang pag bo- boyfriend, madaling nakikita pag nagkatrabaho na. ewan! yung chairman nga namin ganun din yung ginawa pero ngayon professional na siya wala namang lovelife. wala dawng pasok sa standards niya. Kaya ayun, isa siya sa mga member ng DG clan, mga dalagang gorang.

isa lang akong hamak na ordinaryong babae. plain. tama lang yung arte. di naman ako pangit pero hindi ko alam kong bakit walang nangliligaw sakin. hindi naman masakit, kasi hindi naman ako naghahanap, kailangan mo lang talaga ng acceptance para less pain.. pero kahit naman ganun di parin naman maiiwasang may magkagusto sayo at may magparamdam diba? ewan. iniisip ko na lang na baka akala nila taken na ako kaya di na sila nag aabala pang lapitan ako kahit hindi naman ako mabaho. Kailangan ko rin naman icheer ang sarili ko.

"becca, may assignment kana?" Bungad sa akin ng kaklase/kaibigan ko pagkadating Kung classroom.
"ha? anong assignment ? meron ba?"
"ano ka ba! nakalimutan mo na ba yung sinabi ni sir? demo natin ngayon sa motivation ng lesson plan."
"ANO?!!! ngayon na pala yun?! akala ko next week pa?!"

anak ka ng tokwa naman oh! ngayon na pala yung next week na sinasabi ko. last week pa sinabi ni sir yun eh.. nakakaloka, andami dami naman kasing dapat gawin! lahat ata ng subjects ko every meeting may ginagawa. kung discussion lang may oral o quiz naman pagkatapos.
pano ako magkakaboyfriend niyan?!

hindi nga ako naghahanap pero napapagod na akong maghintay. sabi kasi nila, true love waits daw. eh kung ganun, asan ba yung waiting area?! tss..

natatakot kasi ako na baka dumating yung araw na tumanda akong dalaga, ayokong matulad sa ate ko.. 36 na siya pero wala pa rin siyang jowa. baka nga naging alagad na ng simbahan yung ka red string niya eh. Ayokong sumali sa clan nila! kaya nung second year high school ako, tinry kong mag karun, ewan ko ba, wala naman talaga yun sa plano pero bigla kasing dumating..

FLASHBACK
"becca hindi ka namin papalabasin kung di mo kami sasayawan isa-isa" sabi nung kababata kong lalaki na may crush daw sakin. di ko siya type, malaki kasi yung mata niya.
"ha? ayoko nga! hindi ko kilala yung mga kasama mo no! tsaka pwede ba, tigilan niyo na ako." pinapalibutan kasi nila ako, nagdidisco kasi yung mga kaibigan ko. hindi naman ako sumasayaw, nanunuod lang ako sa mga pinagagawa nila. Tsaka minsan lang pumayag si mama kaya himalang andito ako.
"sayawan mo na muna kasi kami, tsaka ka namin papalabasin!" sigaw pa niya sakin dahil sa sobrang lakas at ingay.. mukhang wala rin naman akong choice kaya sumayaw ako, ang adik na kasi ng mukha niya baka mamaya niyan ano pang gawin niya sakin.

una kong sinayawan yung nasa likod ko, di ko naman makita ng maayos yung itsura niya dahil sa lights kaya bahala na. Ginaya ko lang yung sayaw ng kaibigan ko. nakakaloka. para akong frustrated prostitute neto. hindi ako masyadong nagtatagal sa pagsayaw sa kanila, feeling ko kasi iisipin nila na katulad ako ng ibang babae jan. nung time na yung kababata ko na yung sasayawan ko umalis na ako. ang manyak kasi talaga ng itsura niya. di naman nanlaban yung kasama niya dahil nasayawan ko naman sila.

Believe It Or KnotOù les histoires vivent. Découvrez maintenant