3rd year high school ako ngayon. Ngayong taon na 'to ko nadiscover ang wattpad. Hindi ko alam ang site na'to, sinabi lang sakin ng best friend ko ngaun. Eh di ayun nga sabi nya sakin magbasa daw ako ng mga stories sa wattpad kaya nagbasa nga ako.
Una kong nabasa ung *toot toot*, aaminin ko hindi ko sya nagandahan(hindi naman sa pagiging rude, my opinion only) kaya parang nawalan na din ako ng ganang magbasa kaya di na'ko nagbasa tas sinabi nya sakin na She's Dating The Gangster ung basahin ko kaya binasa ko naman. Naghesitate pa nga ako nung una kasi ang haba. Pocketbook nga hindi ko matapos, ganun pa kaya kahaba?
Sobra kong napaiyak dun. Pero ang ganda ganda nya. Ayoko talaga sa mga tragic ung ending pero ung SDTG kahit na tragic yun gandang-ganda pa din ako dun. Wala pa akong account nun. Sumunod naman ung Theater Play, nakakakilig si Louisa at Raphael. Tapos yun namang Three Words, Eight Letters, Say it and I'm Yours. GRABE! AMPOGI POGI NI KEAN PATRICK PADUA. BAGAY NA BAGAY SILA NI CHANEL COURTNEY CHUA. Pero sobra din ung iyak ko sa epilogue nun kasi wala na si Kean. Pero mabuti na lang at dumating si Dylan. Sana sya na lang makatuluyan ni Chanel. Sunod naman ung Sadist Lover nung una parang hindi naman ako interesado kasi nakatuon ang atensyon ko kay Kean at Chanel pero sabi nya may part daw dun na andun si Kean at Chanel kaya naexcite ako at binasa ko at di ko akalain na magiging crush ko si NATHAN LANCE MARIANO. Ang cute cute nya...Hindi na binasa ng bestfriend ko ung Complicated Love pero ako binasa ko tas sinabi ko sa kanya habang nasa cr kami, kinakanta ko ung may rabbit, may rabbit sa ilalim ng tulay haha kaya tinanung nya sakin yun at binasa na din nya. Tapos sinabi nya sakin ung Diary ng Panget. Naexcite daw kasi sya sa title. Sabi ko sa kanya nakikita ko na din yun tapos nabasa ko na din ung prologue tapos kinuwento nya sakin ung mga chapters na nabasa na nya tawa nga ako tawa eh kaya binasa ko na din at dahil dun sa last chapter nun kaya gumawa ako ng account.
Masaya palang may account eh hindi ko na kailangang isulat ung mga gusto kong basahin ilalagay na lang sa reading list kaya mas madali tas pwede pa kong magvote at macommment para mailabas yung nararamdaman ko. Tapos nagtanong ako sa isa naming classmate na lumipat ng school. Adik na adik kasi yun sa pagbabasa dito. Andami niyang binigay sakin. Napaisip nga ako, kelan ko matatapos ang lahat na to?
Hindi sikat sa school namin ang wattpad kaya kapag nagkukuwentuhan kami tungkol dun, sinasabi ng mga kabarkada namin na mga baliw daw kami. Hahaha. Cinelebrate kasi namin ung birthday ni Mario Maurer kaya minsan ang ipinangbabara samin eh ''birthday nga kasi ni Shone''. Haha.
Yun ang dahilan kung paano ko natuklasan ang wattpad. Sobrang nagustuhan ko dito kaya simula nang pumasok ako dito, di na ako lumabas. Hoho.
~SkyBlueMilGea