Chapter 2: David

16 2 0
                                    


Pagdating ng lunch, agad ako umalis ng room, habang dala ang bag ko. Agad ako dumeretso sa garden. Isang part ng school na hindi pinupuntahan. 


Pagkarating ko dun, kumain lang ako ng tahimik, habang nakikinig ng music. 


Habang nakikinig ng music, isang kanta na paborito ng kuya ko. Habang kumakain ako, agad kong naramdaman na may lumalabas sa mga mata ko. Agad ko itong pinunasan.


Naalala ko na naman kung paano mag-hirap si Kuya, para sa akin. Dahil siya na lang ang kailangan mag-trabaho para sa akin, dahil namatay si mama. 


I hate it. Naiinis ako kapag naaalala ko ang mga nangyari kung paano nawawalan ng hininga sa harap ko. Kung paano bumitaw ang kamay niya sa kamay ko.


'' Handkerchief? ''  nagulat ako nang may nag-offer ng handkerchief. Tumingin ako sa kanya, pero inirapan ko lang siya at pinunasan ang luha sa mata ko. 


Agad akong nag-ayos at umalis. ''  Wait, Miss! ''  tawag nito sa akin.


'' I don't talk to strangers, so go away. ''  matipid kong sagot sa kanya. Besides, I don't know him. Basta kilala ko siya bilang isang varsity player. 


Narinig ko na tumawa siya, '' Wait, Miss! Hear my explanations, before acting like that to me. ''  kaya tumigil. At tinaasan siya ng kilay.


'' Okay, explain. ''  sabi ko at umupo sa isang bench.


Nakatingin parin ako sa kanya, habang nakataas ang kilay ko. ''  Okay, I'm David, David Flores. Sorry if I interrupt you in your dramatic drama? ''  


'' May sinasabi ka? ''  seryoso kong sabi sa kanya. 


'' Hehe, nothing. Sabi ko nga, sorry dahil naabala kita. At saka, wala naman akong gagawin sa iyo. Nasundan lang kita, wala kasi ako magawa. '' sabi niya sa akin.


Napabuntong hininga naman ako, ''  Ah. Walang magawa? How pity. '' sabi ko sa kanya.


'' Grabe naman ito. Pwede ba tayo maging magkaibigan? ''  tinignan ko siya, at tinaasan ng kilay. 


'' Hah! Ikaw? Makikipag kaibigan sa isang Campus Nerd ng Costello National University? Impossible. '' 


'' You're not that nerd. Hindi ka nga nakasalamin e, hindi nga buhaghag buhok mo. At hindi ka naman naka-brace. Actually, you're all perfect. ''  natouch naman ang puso ko sa sinabi niya. Sobrang natouch na halos tumagos na ito sa likod ko. Grabe.


'' Sinasabi mo lang iyan, para matuwa ako, right? Well no. ''  sabi ko at tumayo na. 


'' Eh hindi kaya! Mali ka ng hula. Another answer? '' 


hindi ko na siya pinakinggan at umalis na. Pero sinusundan parin niya ako. 


Hanggang sa pagdating sa hallway, nakasunod parin siya. At marami na nakatingin sa aming dalawa.


Lumingon ako sa kanya, '' Tumigil ka. ''


'' I just want to be your friend. '' 


'' Oo na. '' 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 26, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love WarningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon