BMB 4

315 10 4
                                    

-----

Nagising na lang ako bigla ng narinig ko na nagvibrate yung phone ko. Susuntukin ko na talaga kung sino man tumatawag sakin ngayon. Grabe na nga puyat ko kagabi eh. Pero anak talaga ng tokwa kasi tawag pa din ng tawag. Lagot talaga sakin kung sino man to. Hindi ko na tiningnan yung Caller ID tapos diretso sagot na ginawa ko.

"Hello?? Ano ba problema ha? Tawag ng tawag hindi ba obvious na tulog pa yung tao? Ohmygooosh, sino ba to ha?! Emergency? Ano agad agad? Pwede text na lang? Kailangan tawag agad? Hindi man lang ba naconsider na baka tulog pa yung tao, na baka puyat. Goodness gracious. Ma highblood ako sa mga taong katulad mo eh. Sino ka ba?" I finished as I tried to catch my breath.

"Hahaha! Si Daniel to." Aba bwiset. Pinagtawanan pa ako?

"Daniel? Daniel ano? Ang dami kong kakilala na Daniel! For Pete's sake! Nanggugulo ka na lang ang labo mo pa!!" I might or might not be overreacting but sheesh, I hate getting disturbed when I'm sleeping. You can't blame me.

"Si Deej. Boyfriend mo. Haha!"

Sheeeeeet. Sheeeeeet. Si Deej pala yun, nasigawan ko pa! Napakita ko yung bad side ko sa kanya. Sheeet. Sheeeet. Hindi naman siguro galit? Natatawa naman siya diba? Hala, ano na gagawin ko. Uhh. Uhhh.

"Uh, hi Deej! Goodmorning. Bat napatawag ka?" Okay naman siguro yun? Okay, im doing alright. I don't sound mad anymore. Hopefully.

"Busy ka ba?"

Siguro masasabi niyo na rin na mas naging close na kami. Hindi na siya gano kasungit sakin. Ganun lang siguro siya sa simula. Kaya thankful ako sa lahat ng practices namin para sa competition kasi dahil dun mas naging close kami. Pero hindi pa kami yung gumagawa ng couple stuff like going out on a date, hugging, kissing. All those couple stuff. Well at least, close na kami. :)

"Hindi naman ata?"

"Great! Labas tayo? Susunduin na kita. Be ready in an hour." Then he hung up. I take back what I said earlier. May date kami! HAAAA! I swear, things just keeps in getting better and better! Thank you talaga Lord.

Be My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon